KABANATA 14

2508 Words

NASA BANYO PA rin kami ni Sunshine at nanatiling nakatayo sa tapat ng salamin. Kinatok na ako nina Jane at Migs. Nagpalusot na lang ako na medyo masama ang pakiramdam ng tiyan ko. Sinabi ko rin na mauna na silang kumain, pero sabi nila sabay-sabay na kami. Yakap ko ang sarili ko. Hindi ko matanggap na may multong sumapi sa ‘kin at kinontrol ang katawan ko. Hay, pambihira! Pumasok siya sa katawan ko! Sa mga laman ko! Nasaan ba ang kaluluwa ko no’ng mga oras na ‘yon? Ba’t ‘di niya tinulak si Mang Pedro?! “Arte,” komentong parinig sa ‘kin ni Sunshine. Hindi ko alam kung kaartehan bang matatawag ang ayaw ko sa ideya na may kaluluwang papasok sa katawan ko. Pero kasi, parang may taong nakipag-isa sa ‘yo. Na parang niyakap mo at naging isa ang mga laman n’yo. Nakatingin lang ako sa salamin. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD