FELICITY
Nakataas ang dalawang kamay ko nang pumasok ako sa loob ng kuta ng Pentagon. Hudyat lamang na hindi ako lalaban.
Agad din naman nila akong nilagyan ng posas sa kamay upang tuluyan na akong hindi makalaban pa.
Maya maya lang din ay nakikita ko na si Heaven na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko.
"Ikaw din naman pala ang kusang pupunta dito... pinahirapan mo pa kami no'ng nakaraan ah." Haplos nito sa mukha at umiwas lang ako.
"Dalhin na yan kay Master!" Utos nito.
"Masusunod young master!" Tugon naman ng mga alagad nito at diniretso na ako kung saan ang pinuno nila.
"Maligayang pagbabalik Felicity, aking... anak." Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko sa narinig kong 'yon.
"Pakawalan niyo siya at hindi siya isang bihag!" Bulyaw niya sa mga tauhan niya at sumunod naman ang ito. Tinanggal nila ang posas sa kamay ko tsaka umalis at naiwan kaming dalawa sa loob.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Tanong ko habang tinatapunan ko siya ng matalas na mga tingin.
"Hindi mo parin ba naiintindihan? Ikaw ay aking anak at ang anak mo ang aking tagapag-mana." Napailing ako sa sinabi nito.
"Isa kang sinungaling!" Bulyaw ko dito. Paano mangyayari 'yon? Isa lang ang kilala kong ama at nakatitiyak akong siya ay isang tunay na kadugo ko.
"Matagal kitang ipinahanap anak." Maamong saad niya sa akin.
"Huwag mo akong tawaging anak!" Singhal ko.
"Patawarin mo ako at nagkasala ako sa'yo noon. Nagkamali ako, noong nalaman kong babae ang ipinagbubuntis ng iyong ina ay inutos kong ipalaglag ka niya ngunit tumakas siya. Binuhay ka niya kasama ang bago niyang pamilya."
"Kung gano'n, isa ka paring walang kwentang ama!" Ayokong maniwala ngunit batid ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.
"Tama ka ngunit matagal ko na 'yon pinagsisihan at matagal na rin kitang hinanap. Ngayon na nahanap na kita ay sana bigyan mo ako ng isang pagkakataon para makabawi sa'yo at sa apo ko." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
Kung totoo ngang siya ang aking tunay na ama ay tiyak na si Bliss lang ang habol niya sa akin sapagkat sa pagkaka-alam ko ay tanging lalaki lamang ang magmamana sa Pentagon. 'Yon ang kanilang alituntunin.
"Hindi mo na kailangan pang bumawi. Sapat na sa akin ang hindi kita nakilala noon. At hindi ko hahayaan na masangkot sa Pentagon ang aking anak." Mariin kong sabi ngunit ngumiti lang ito.
"Hindi maikaila sa'yo na isa kang tunay na Guevara. Gano'n pa man wala kang choice sa ngayon pagkat anak lang kita at ama mo ako." Seryoso nitong tugon tsaka may pumasok na mga tauhan sa loob at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Heaven, ihanda mo na ang iyong sarili sa nalalapit mong kasal sa aking nag-iisang anak." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.
Hindi ako pwedeng ma-kasal sa lalaking 'yan. Ang buong akala ko ay siya ang anak ng pinuno ng Pentagon dahil siya ang tinuturong tagapag-mana ngunit tila palabas lang nila lahat 'yon.
Noong gabi na papatayin namin si Heaven, tila alam nila ang plano namin at ako talaga ang totoo nilang pakay.
"Wala pa sa tamang edad ang aking apo kaya sa oras na makasal kayo ay ikaw muna Heaven ang papalit sa pwesto ko."
"Hindi! Hindi yan mangyayari!" Hiyaw ko at napahawak ako sa braso ng dalawang tauhan na nakakapit sa akin tsaka ko sila pinatumba.
Agad akong lumabas sa kwartong 'yon at balak ko nang tumakas bago pa man ako makasal kay Heaven.
Kumaripas na ako ng takbo palabas nang tila biglang may tumurok sa balikat ko at bigla akong nahilo tsaka bumagsak sa sahig.
"Matulog kana muna ngayon aking kabiyak." Dinig kong sabi ni Heaven bago ako napapikit ng tuluyan at naramdaman ko nalang na tila may brasong bumubuhat sa akin.
~*~
Pagdilat ko ng aking mga mata ay agad akong napabangon ng kama ngunit namilog ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Nakasuot ako ng damit pang-kasal at may make-up na rin na nakalagay sa aking mukha na tila ba handang handa na ako para sa isang kasal.
Teka... kasal?
Napalingon ako sa pinto nang maramdaman kong may paparating.
Agad akong bumalik sa pagkahiga at nagpanggap na tulog pa rin.
"She's still sleeping. Bakit tila ang tagal naman ata? Hanggang 12 hours lang dapat siyang tulog." Dinig ko ang boses ng pinuno.
"Hayaan mo na Master. Sa ilang sandali pa lamang ay magigising na din siya." Dinig ko naman ang boses ngayon ni Heaven.
"Ilang sandali nalang din ay magsisimula na ang inyong kasal."
"Mas mabuting manatili nalang muna ako dito sa loob ng silid niya upang mabantayan ko siya sa paggising niya."
"Mas mainam. Sa labas na muna ako at darating na ang bisita ko."
Nanatili akong nakapikit habang naririnig ko ang mga usapan nila.
Rinig kong lumabas na 'yong isa sa kanila at ramdam kong nasa loob pa rin si Heaven.
Natitiyak kong malapit siya sa akin at amoy na amoy ko ang masangsang nitong pabango. Paano ako makakaalis nito?
"Felicity... gumising kana..." malanding sabi nito at ramdam ko nanaman ang kamay nito sa mukha ko.
Ayokong makasal sa isang tulad niya. May sarili akong isip kaya ako ang magdi-desisyon kung kanino ko gustong magpakasal.
"Alam kong gising kana Felicity..." rinig kong sabi nito.
Bigla akong napadilat nang maramdaman ko labi niya sa labi ko.
Agad ko siyang itinulak at tinuhuran sa may baba at napahiyaw siya sa sakit. Siniko ko siya sa batok na siyang dahilan upang bumagsak siya sa kama. Nawalan siya ng malay.
Bahagya kong hinubad 'yong sandals na isinuot nila sa akin upang hindi maingay.
Pagbukas ko ng pinto ay may mga bantay sa labas.
Hindi nila ako kayang saktan kaya wala silang laban sa akin.
Tanaw ko na ang malawak nilang garden kung saan puno ito ng mga tao at tila inaabangan nila ang aking kasal.
Pagtingin ko sa bandang kanan, isang lipon ng mga tauhan ng pentagon ang paparating kaya napaatras ako ngunit pagtingin ko din sa kaliwa ay ganoon din.
Tumakbo ako sa gitna nang biglang may humatak sa akin sa may gilid kaya nakapag-tago ako at nilagpasan na ako ng mga kalaban.
Madilim man ngunit kilala ko ang amoy niya.
"Ang sabi ko wag mong akong iwan diba?" Masungit nitong sabi.
Agad akong napayakap sa kanya.
"Calib..." sambit ko sa pangalan niya habang mahigpit ko siya niyayakap.
Pero teka...
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa hospital ka ngayon?" Tanong ko dito.
"Hahayaan ba kitang mapunta sa iba?" Tugon niya.
Bahagya ako napanganga sa sinabi niya. Ewan ko ba, sa gitna ng kaguluhan ay tila bigla akong kinilig sa sinabi niya. Felicity... nasa gyera pa kayo tandaan mo! Mamaya na ang landian!
To be Continued...
A/N: Alam niyo na ha. Siguro naman malinaw na. Vote and Comment guys ^^