K25

1242 Words
FELICITY Napahikbi ako nang pumasok ako sa kwarto ni Bliss. Iniisip ko pa rin kung makakaligtas ba si Calib.  Pinili ko na rin umalis na muna doon at para makaiwas sa g**o. Naintindihan ko naman kung bakit gano'n nalang 'yong galit sa akin ng ina ni Calib. I'm a mother as well kaya naiintindihan ko siya.  Babalitaan nalang daw ako ni Itchen ngunit sa ngayon ay hayaan ko na muna silang mag-ina.  Tila buong buhay ata ni Calib ay ngayon lang siya nalagay sa bingit ng kamatayan kahit pa isa siyang pinuno ng isa sa mga nangunguna sa underworld society. Napaupo ako sa tabi at marahang hinaplos ang braso ng anak ko.  "Mo-mommy?" Agad akong napatingin kay Bliss nang marinig ko ang boses nito. "Honey! Salamat naman at nagising kana." Napaakap agad ako dito at namiss ko rin talaga ang anak ko. "Mommy why are you crying? Are you okay?" Tanong naman nito at tila nahalata niyang umiyak ako dahil namugto ang mga mata ko. "Yeah of course honey." Tugon ko naman at hinalikan ko ito sa noo. "Nasaan na po 'yong mga bad guy mommy?" Tanong niya ulit. "Wala na sila. You're safe now Bliss." Tugon kong muli. "But where's Mister Calib?" Nagpalinga-lingang tanong niya at hindi ko alam kung bakit niya ito hinahanap.  Masaya ako dahil nasa maayos na kalagayan ang anak ko ngunit sa kabilang banda ay tila dinudurog naman ang puso ko tuwing naaalala ko si Calib. "He's now at the operating room. Nabaril siya kasi... niligtas ka niya anak." Nagpipil ako sa mga luha ko habang sinasagot ko ang mga katanungan ni Bliss. I don't wanna cry  in front of Bliss. "Mabubuhay ba siya mommy? Is he gonna leave me?" Bakas sa mukha ni Bliss ang pagka-lungkot sa sinabi ko at nangingilid na rin ang mga luha nito sa mata. "He'll be fine Bliss. He's not going to leave us. He's a master and he's brave. Right?" Nasabi ko nalang upang gumaan ang loob nito kahit papaano at kahit ako man ay bigat ring dinadamdam. "Hindi mo siya tagapag-mana dahil anak ko siya!" Bigla nalang sumagi sa isipan ko ang sinabing 'yon ni Calib bago siya mabaril.  Bakit kaya niya nasabi 'yon? Anong ibig niyang sabihin?  Sobrang daming tanong ang tumatakbo ngayon sa isipan ko at hindi ko alam kung paano ito masasagot. Hindi ko talaga maintindihan kong bakit tila mahalaga ang papel namin ni Bliss sa Pentagon. Kung bakit... kilala ako ng pinuno nila? Kung bakit... sinabi niyang tagapag-mana niya si Bliss?  Ayoko mang isipin dahil natatakot ako ngunit hindi ko maiwasan na isipin ang tungkol sa ama ni Bliss at baka siya ang rason sa likod ng mga ito Ilang taon akong nagtrabaho sa underworld society ngunit kahit kailan ay hindi ako nasangkot sa Pentagon.  Pamilyar sa akin ang mukha ng pinuno nila ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita noon.  Basta ang alam ko lang, wala na akong pamilya maliban kay Papa at Bliss. At sana makausap ko na nga ulit si papa at kahit papaano ay masagot naman ang isa sa mga mahalagang tanong ko. Tungkol 'yon sa ama ni Bliss.  ~*~ Pagkarating namin sa mansion ng Heaven's Gate ay agad naman kaming pinagsilbihan ng mga tao doon na tila ba isa kaming bisita.  Mabuti naman at wala dito 'yong mama niya. "Hey little man! How are you?" Bati naman ni Zayne na siyang sumalubong sa amin sa loob. "I'm fine." Matamlay na tugon nito. "Are you hungry? Let's eat!" Nakangisi naman saad ni Zayne at tila pinipilit nitong libangin si Bliss. "Where's mister Calib?" Matamlay nitong tanong kay Zayne. "Well, uhm... wala pa siya ngayon but maybe tomorrow he'll come home." Tugon naman ni Zayne. "I got it. You don't have to sugarcoat. I know he's still at the hospital and it was all because of me." Matamlay namang sabi ni Bliss at dinig ko ang buntong hininga nito. Nagkatinginan nalang kami ni Zayne. Matalino talaga ang anak ko at kahit sa mura niyang edad ay alam niya ang mga kaganapan sa paligid niya. "Don't worry little man. Your mister Calib will be fine. Kumain nalang tayo. Let's go!" Aya nito sa anak ko at sumunod naman si Bliss. Nasa likod nila ako nang biglang huminto sa paglalakad si Zayne at humarap sa akin. "Felicity... you'd better take good care of yourself and your son." Seryoso nitong sabi na siyang dahilan para kumunot ang noo ko out of curiosity. "Bakit? May... alam ka ba Zayne?" Ganti ko dito. "Sooner or later you'll found out everything. Be brave and don't trust easily. For now, keep your self away from pentagon dahil hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila sa'yo." Tapik nito sa balikat ko. "Hey! Little man! Wait for me!" Hiyaw nito tsaka tumakbo patungo kay Bliss. Anong dapat kung malaman? Lalong lumalim ang pag-iisip ko dahil sa sinabi ni Zayne. Mukhang may alam si Zayne sa nagaganap ngunit ayaw niyang mag-salita at tila ba sinasabi niya sa akin na 'he is not the right person to tell me the truth behind this shits'.  Kesa umiwas bakit hindi ko nalang subukan na harapin at baka doon ko pa makita ang kasagutan sa aking mga tanong? Tama, hindi ko na kailangan pang antayin pa na madamay ang anak ko dito. Ako na mismo ang pupunta sa Pentagon para harapin sila at para malaman ko ang dapat kong malaman.  I don't wanna waste time. I wanted to do it tonight. Pero bago 'yon ay kailangan ko ng mga kagamitan para protektahan ang sarili ko. Napatingin ako sa dalawa na kumakain. "Zayne, alagaan mo muna si Bliss kahit ngayong gabi lang." Saad ko nang makalapit ako kay Zayne. "Aalis ka po mommy?" Tanong naman ni Bliss. "Yes honey kaya magpaka-bait ka." I tapped his head at tumango naman ito. "Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Zayne. "Pupuntahan ko si Calib." Tugon ko at umalis na rin. Sekreto kong inilabas ang mga kagamitan ko at umalis gamit ang isang motor. Bago ako tuluyang magpunta sa Pentagon ay pinili ko munang dumaan sa hospital kung saan si Calib. "Itchen! Kamusta si Calib?" Bungad ko agad nang makita ko si Itchen. "Okay na siya. Pumasok ka nalang sa kwarto niya at ako na ang bahala kay mama basta bilisan mo lang." Ani nito. Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang dahil sa sinabi niya.  "Puntahan mo na siya." Tapik niya sa akin. "Salamat." Tugon ko at mabilis na umalis upang puntahan si Calib. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad agad sa akin ang maamo niyang mukha na nakahiga sa kama at walang malay.  "Calib..." haplos ko sa mukha nito kasabay no'n ay tumulo na din ang mga luha. It's a tears of joy. Masaya ako dahil buhay siya.  "Sana gumising kana. Okay lang kahit na apihin mo pa ako. Okay lang kahit na mukha kang dragon minsan..." natatawa kong sambit at napapunas sa basa kong pisngi. "Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula..." I paused then took a deep breath. "Mahal kita... Master. Even though I'm just a slave." Bulong ko sa tenga nito tsaka tumalikod na. I was about to leave nang biglang may humawak sa kamay ko. "Don't leave..." tila nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses niya habang nanatili parin akong nakatilikod dito. Gising na siya. Narinig niya kaya lahat ng mga sinabi ko? To be Continued... A/N: Aminan naba ito? Lols. VOTE AND COMMENT ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD