FELICITY
"Hindi mo siya tagapag-mana dahil anak ko siya!" Dinig kong giit ni Calib at--
*BANG*
Isang putok ang pinakawalan ni Calib na siyang tumama sa braso ng pinuno ng Pentagon at bago pa man siya barilin ni Heaven sa ulo ay agad siyang kumilos gamit ang isang kamay dahil buhat niya pa rin si Bliss.
*BANG*
Isang putok ulit ang kumawala mula sa b***l ni Heaven na siyang ikinagulat ko dahil bigla nalang bumagsak si Calib sa sahig kasama si Bliss na nakapatong sa dibdib niya.
"Calib!!" Hiyaw ko.
Tila nabingi ako sa pangyayari at wala na akong naririnig na iba pa kundi ang sarili kong iyak nang makita kong duguan si Calib at may tama ito ng b***l sa may tiyan.
Akmang lalapit na ako kay Calib nang bigla akong hinawakan ng pinuno ng pentagon.
Lalo akong nakaramdam ng galit dahil bigla nalang sumagi sa isipan ko 'yong panahon na nawala sa akin ang pamilya ko. Nanlilisik ang mga mata ko ngayon sa galit.
Ngayon na sugatan na ang pinuno ng Pentagon ay mas kinaya ko siyang patumbahin at muling binawi ang b***l ko tsaka ko ito tinutok kay Heaven at--
*BANG*
Sa kasamaang palad ay nakailag ito sa balang pinakawalan ko at kasabay no'n ay bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto.
"Itchen! Zayne!" Nasambit ko nang tumambad sa paningin ko 'yong dalawa.
*BANG*
*BANG*
Ilang putok agad ang pinakawalan ni Itchen at Zayne ngunit hindi ko na alam pa ang kasunod na nangyari dahil nanatili nalang ang mga mata ko sa dalawang nasa sahig.
Tumutulo na ang mga luha ko nang buhatin ko si Bliss habang nanatili sa sahig si Calib at halos naliligo na ito sa sarili niyang dugo.
"Felicity..." pilit niya paring sambit sa pangalan ko tsaka hinawakan ang kamay ko.
"No! This is not real! Please Calib! Bumangon ka!" Saad ko habang tuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko.
Napailing nalang ako tila nasa isang masamang panaginip lamang ako. Parang pakiramdam ko ay mawawalan nanaman ako ng isang importateng tao sa buhay ko. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit sa pagkakataong ito. Ayoko na. Gusto ko nang magising kung isa man itong bangungot.
"He'll be okay. Let's go!" Saad ni Itchen at napansin ko nalang na wala na pala sa loob ng kwarto 'yong pinuno ng Pentagon at si Heaven.
"Zayne! Ilabas mo na agad si kuya at si Felicity!" Dinig kong sabi ni Itchen habang patuloy parin na nakikipag-barilan sa mga tauhan ng Pentagon.
"Where did they go?" Tanong ko naman.
"Nakaligtas 'yong dalawa dahil nasa teritorya nila tayo. Kailangan na nating lumabas agad bago pa nila tayo mapatay." Ani naman ni Zayne na kasalukuyang umaalalay kay Calib.
Agad ko din namang dinampot ang b***l ko at tumulong kay Itchen kahit pa bitbit ko rin si Bliss.
Pinalilibutan na nila kami ngunit hindi kami susuko hanggang sa huling bala ng aming mga b***l.
Dumanak ang dugo sa loob ng Pentagon hanggang sa tuluyan na kaming maubusan ng bala.
Patuloy kami sa pagtakas at hindi rin nagtagal ay dumating ang mga tauhan ng Heaven's Gate na siyang nagpatuloy sa gyerang nasimulan namin.
"Zayne! Felicity! Mauna na kayo!" Ani Itchen.
"Pero paano ka?" Ganti ko.
"Kaya ko na ang sarili ko. Iligtas niyo na si Bliss at si kuya." Giit niyang muli tsaka nagpatuloy sa pakikipaglaban.
Napatingin ako kay Calib. Halos wala na itong malay at putlang putla na.
"Tara na Zayne!" Ani ko.
~*~
Bliss is now safe. The doctor said naturukan daw siya ng pampatulog at magigising na siya ilang sandali pa lamang dahil 24 hours 'yong effectivity ng gamot.
Sa kabilang banda buong puso kong ipinagdarasal ang kaligtasan ni Calib na kasalukuyang nasa operating room.
He's maybe a monster outside but I can sense na mayroon siyang gintuang puso sa loob ng pagkatao niya.
He saved my son. Alam kong hindi siya mapapahamak kundi dahil sa amin. Niligtas niya lang kami kaya siya nandito ngayon.
Naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko alam kung bakit kami hinahabol ngayon ng Pentagon.
Gulong g**o na ako ngunit sa ngayon ay tanging kaligtasan muna ni Calib ang iisip ko.
"Ayokong mawala siya..." bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
"Ayokong mawalan nanaman ako ng taong mahalaga sa akin. Ayoko nang mawalan ng mahal sa buhay..." tila tumigil bigla sa pag-ikot ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ko.
"Mahal ko si Calib? Mahal ko siya." Nasambit ko ulit sa sarili ko at lalong hindi na tumigil sa pagdaloy ang mga luha ko dahil sa napagtanto ko.
ZAYNE
Ibinuwis ni Master Calib ang sarili niyang buhay para lamang kay Felicity at sa anak nito.
Isa lang ang ibig sabihin nito at malinaw na ito para sa akin.
Nahulog na ang loob ni Master kay Felicity. Ngunit isa itong malaking kamalian. Malaking g**o lamang ang idudulot nito sa Heaven's Gate.
Sa oras na malaman nila ang katotohanan, hindi ko alam kung anong hakbang ang gagawin at susundin ni Master.
Pag-ibig nga ba? O ang kanyang nasasakupan?
I don't know if they can still handle the truth... lalo na si Felicity.
Magulo ngunit may isang bagay pa akong nais na alamin.
ITCHEN
Masyado silang malakas ngunit tila bigla nalang silang naglaho na parang bula at natapos ang laban nang hindi ko man lang napapaslang 'yong Heaven na 'yon.
Agad na akong kumaripas papunta sa hospital kung saan nila dinala si kuya. Sa hospital na pag-aari ri ng aming pamilya.
Bahagya akong napahinto nang may namataan akong isang pamilyar na sasakyan.
Napakunot noo ako. "Mom?" Nasambit ko nalang at agad na tumakbo sa loob.
Nandito na si mommy. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang nasa kritikal na kondisyon ngayon si kuya dahil unang beses pa lamang ito nangyari.
Pagdating ko sa taas, sa harap mismo ng operating room ay nakita kong magkaharap si mommy at si Felicity.
*PAK*
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni elay.
"Mom!" Agan akong napatakbo rito at pinigilan na siyang saktan pang muli si elay.
"Lumayas kang babae ka! Isa kang salot! Umalis kana at ipapahamak mo lamang ang aking anak! Layas!" Bulyaw nito kay elay.
"Mom! Tama na. Huminahon kayo." Giit ko.
"Isa siyang magaling na pinuno ang kuya mo at kahit kailan ay hindi pa siya napunta sa bingit ng kamatayan Itchen. Ngunit dahil sa babaeng ito ay napahamak ang kuya mo!" Bulyaw ulit ni mama.
Alam kong kayang- kaya ni kuya lusutan ang kahit na anong laban. Wala pa sa kalahati ang galing ko kumpara sa kanya ngunit lahat ng tao ay may kahinaan. At ang pagmamahal niya kay Felicity ang nakikita kong kahinaan nito.
He's willing to give up everything just for his woman. Kahit pa ang buhay niya.
I'm a man and his brother as well. I can sense of it. Parang biglang nanliit ang pagmamahal ko kay Felicity kumpara sa kayang gawin ni kuya para sa kanya at kay Bliss.
To be Continued...
A/N: Alamin ang katotohanan sa likod ng magulong pangyayari. Ano nga ba ang papel ng Pentagon sa buhay ng mag-ina? VOTE AND COMMENT ^^