K23

1096 Words
FELICITY "Calib?" Mahinang sambit ko sa pangalan niya. "What are you doing here?" Tanong din nito. "Ililigtas ko 'yong anak ko." Tugon ko. "You're just putting yourself in danger. Don't you trust me?" Giit nito tsaka hinawakan ang kamay ko. Patuloy naming sinundan 'yong lalaki kanina hanggang sa nakita kong pumasok ito sa isang silid. "Baka nandyan sa loob si Bliss." Bulong ko. "Just stay here. Ako na at baka isa itong patibong." Giit niya tsaka lumapit sa pintuan. Dahan dahan niya itong binuksan at dinig ko parin mula sa kinatatayuan ko ang ilang puntok ng b***l kahit may silencer itong nakakabit. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko nalang na nakasuot na si Calib ng uniform ng pentagon at pinaglalagay ang tatlong bangkay sa loob ng kabinet. "Wala si Bliss dito. Let's find another door." Saad tsaka isinuot ang sombrero sa ulo niya na may marka din ng pentagon. Nagpapanggap siya ngayon na tauhan ng pentagon. "Isuot mo ito" sabay hagis niya sa akin ng isa pang paris ng uniporme ng pentago. Hindi nalalayo sa army ang uniporme nila. "Bilisan mo na kung ayaw mong ako ang magbihis sa'yo." Giit niyang muli. Agad naman akong kumilos at isinuot 'yong uniporme. Paglabas namin ay may ilan sa mga tauhan ng Pentagon ang aming nakasalubong  ngunit hindi kami pinansin nito at tila hindi ata kami nahalata sa aming pagpapanggap. "Dito tayo..." giit niya at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila. Pumasok nanaman kami sa isang silid. Tila tumalon sa tuwa ang puso ko nang makita ko si Bliss na nakahiga sa kama at tila mahimbing na ang tulog nito. "Anong kailangan niyo? May utos ba si Master?" Tanong no'ng isa sa amin. Nagkatinginan kami ni Calib. "Now!" He gave his signal to attack. Lima ang nagbabantay sa loob at lahat ay may kanya-kanyang bitbit na armas. Hindi na naman inantay pa na mahalata kami at makagawa sila ng ingay. Mabilis namin silang binalian sa leeg na siyang ikinasawi agad nila. "Bliss..." agad akong lumapit sa anak ko at niyugyog ito ngunit hindi siya dumidilat. "Bliss... mommy is here." Sambit ko at niyugyog siyang muli ngunit hind parin siya nagigising. Napatingin ako kay Calib. "Bakit hindi parin siya nagigising?" Nag-aalalang sambit ko habang nakatingin kay Calib. Agad naman himawakan ni Calib ang kamay ni Bliss at kinapa ang pulso nito. "Normal ang heartbeat niya. Malamang ay may itnurok sa kanya kaya hindi parin siya nagkakamalay. Tara na." Ani nito at agad na binuhat si Bliss. Tila napawi naman ang kaba ko dahil sa sinabi ni Calib. Palabas na kami nang biglang huminto si Calib sa may pintuan at nakita ko ring may pumipihit sa doorknob mula sa labas. Someone's POV As I open the door. The child is still sleeping. Masyado siyang nagwala kanina dahil ayaw niyang magpakuha ng blood sample kaya naman pinaturukan ko siya ng pampatulog. Dugo't laman ko ang nananalaytay sa batang ito kaya hindi magtatagal ay siya na rin ang susunod na tagapag-mana ng Pentagon. Ako'y nagagalak at sa wakas... matapos ang mahabang panahon ay natagpuan ko na din ang matagal ko nang hinahanap. Hindi na ako makapag-antay pa na makita ang kanyang ina. "Dalhin mo sa akin ang kanyang ina sa lalong madaling panahon." Giit ko. "Opo master." "At kayo? Nasaan ang mga kasamahan niyo? Bakit dalawa lang kayong nababantay? Hindi ba't sinabi kong palibutan niyo ng mga bantay ang kwarto niya!" Bulyaw ko ngunit nanatiling tahimik 'yong dalawang bantay. Agad na naningkit ang mga mata ko. FELICITY Hindi ko makita ang mukha ng dalawang lalaki na pumasok sa loob ng silid dahil may suot akong sombrero at nakayuko pa ako upang hindi nito makita ang mukha ko. Hindi ko man sila nakikita ngunit kilala ko 'yong isang boses. Tila boses ito ni Heaven at sa tingin ko ay ang pinuno naman ng Pentagon 'yong isa. Nanatili kaming tahimik ni Calib at baka mas lalo kaming mahalata kapag sumagot kami. Nakita kong isa sa kanila ang naglakad palapit sa cabinet kong saan namin nilagay ni Calib ang mga bangkay ng tauhan nila. Bahagya kaming nagkatinginan ni Calib. Wala siyang sinambit ngunit parang nakukuha ko ang ibig sabihin ng tingin niya. Napalunok ako ng sarili kong laway nang maramdaman kong unti-unti nitong binubuksan ang aparador. Kasabay ng pagbukas ng ng aparador ay agad kaming kumilos ni Calib. Kasabay rin ng pagtambad ng mga bangkay sa mga mata nila ay saktong nakatutok na ang b***l ko sa bumubulyaw sa amin at nakatutok naman ang b***l ni Calib kay Heaven. Ngunit isang hindi ko inaasahan ang ginawa ni Heaven. Tinutukan niya rin ng b***l si Bliss. Kinakabahan man ako ngunit hindi ko ito pinahalata. Alam kong wala siyang gagawin sa anak ko hangga't nasa kamay ko ang pinuno nila. "Bitawan mo 'yang b***l mo." Saad ni Cib na nanatiling nakatutok ang b***l nito kay Heaven. "Why would I?" Giit naman nito. "Put your g*n down Heaven." Dinig kong utos ng pinuno nila na kasalukuyang hawak ko sa leeg at nakatutok din ang b***l ko sa ulo nito. Binitawan naman ni  Heaven ang b***l niya. Dahan-dahan na binuhat ulit ni Calib si Bliss na hanggang ngayon ay wala paring malay. Saktong pagbuhat ni Calib kay Bliss ay tila isang mas mabilis pa sa hangin ang naganap at biglang bumaliktad ang sitwasyon. "Ahhhh!" Napahiyaw ako nang hawakan ako nito ng mahigpit sa leeg at nagawa niyang agawin sa akin ang b***l ko sa loob lamang ng isang segundo. Ngayon ay ako naman hawak nito sa leeg habang nakatutok sa ulo ko ang sarili kong b***l. Buhat naman ni Calib si Bliss at nakatutok ang b***l nito sa pinuno ng Pentagon habang si Heaven ay nakatutok rin kay Calib. Si Heaven, si Calib, 'yong pinuno ng Pentagon, at ako. "At anong kailangan ng pinuno ng Heaven's Gate g**g sa loob ng Pentagon? At balak mo pang nakawin ang aking tagapag-mana!" Giit nito na kasalukuyang nakatingin kay Calib. Parehong namilog ang mga mata namin ni Calib dahil sa sinabi nito. "Anong sinasabi mo dyan? Anak ko siya at wala siyang kinalaman sa inyo!" Hiyaw ko at tila nagulat din ito nang magsalita ako. "Felicity?" Sambit niya sa pangalan ko at tinanggal pa ang suot na sombrero ko. Ngayon ay mas nakita ko nang malinaw at malapitan ang mukha ng pinuno ng Pentagon. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon. "Hindi mo siya tagapag-mana dahil anak ko siya!" Dinig kong giit ni Calib at-- *BANG* To be Continued... A/N: Sino nga ba talaga ba ang ama ni Bliss? Vote and Comment guys ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD