K22

1068 Words
FELICITY Hindi ako mapakali at tila ba gusto ko nang sumugod doon sa Pentagon.  Ano kayang kailangan nila sa akin? Si Calib ang pakay nila ngunit bakit mas pinili nilang dukutin ang anak ko?  "Ipunin mo lahat ng mga tao natin at susugod tayo sa pentagon." Ani Calib kay Zayne. "Ngunit master... may mahalaga pa tayong misyon at hindi pwedeng isugal natin ngayon ang mga tauhan ng Heaven's Gate." Tugon naman ni Zayne.  "Tama siya kuya." Saad naman ni Itchen. "So ano? Pababayaan niyo nalang ang anak ko? Pwes kung ayaw niyo akong tulungan ay ako nalang!" Giit ko. Akmang aalis na sana ako sa harapan nila nang hawakan ni Calib ang kamay ko. "Huminahon ka." Ani nito. "Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito Calib habang 'yong anak ko ay nandoon sa kamay nila. Paano kung saktan nila si Bliss? Paano?" Mariing sabi ko.  Hindi ko talaga mapapatawad ang pentagon kapag may nangyaring masama kay Bliss. Matagal na akong pumapatay ng tao kaya kahit ubusin ko pa ang mga tauhan ng pentagon ay gagawin ko para kay Bliss. "Kailangan nating magplano ng maiigi para dito Felicity. Hindi biro kalabanin ang Pentagon lalo na't buhay ngayon si Heaven at paniguradong alam niya na ang Heaven's Gate ang nangtangka sa buhay niya." Paliwanag ni Zayne. "So anong plano niyo?" Nag-aalalang tanong ko.  Bawat segundo na lumilipas ay lalo akong nababahala para sa anak ko. "End this discussion. Live everything to me." Seryosong giit ni Calib. Kita kong nagulat si Zayne sa sinabi ni Calib. "Magpahinga kana." Tapik sa akin ni Calib. "Ibabalik ko sa'yo si Bliss. Pangako." Dugtong pa niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata. Sa mga titig niya, I can feel that he meant every words that came out from his mouth. Napabuntong hininga nalang ako at napatango. CALIB Nakakamangha at nabuhay pa si Heaven matapos siyang barilin ni Itchen sa dibdib. Patunay lamang na isa siyang masamang d**o ngunit ganoon pa man ay hinding hindi na ako makapapayag na isahan niya ako ngayon.  Isa pang nakakapagtaka ay kung bakit si Bliss ang dinukot nila at hindi ako? Pagkakataon na sana nila 'yon upang patayin ako ngunit bakit hindi nila ginawa?  Ilan lang naman ang naiisip kong rason para dito.  Una, para kontrolin si Felicity at siguro kasama na rin ako doon. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila kay Felicity o sadyang nadamay lang si Bliss dahil sa akin.  Pangalawa, kung may kinalaman din kaya ito sa ama ni Bliss. Hindi kaya may dugo si Bliss ng pentagon?  Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam sa rason. Babawiin ko si Bliss kahit na anong mangyari ngayong gabi rin na ito.  I gripped. ITCHEN Natitiyak kong natamaan ko si Heaven sa dibdib at natitiyak ko rin na tumagos sa puso niya 'yong bala ng b***l. Paano siya nabuhay? Hmmm... maliban nalang siguro kong wala sa kaliwang dibdib ang puso niya.  At nakakapagtaka rin kung bakit 'yong bata ang kinuha nila at hindi si Calib?  Hindi nila mako-kontrol si Calib gamit ang isang bata na hindi niya naman kadugo. Maliban nalang kung kay Felicity talaga sila may kailangan. Ito na ang tamang pagkakataon para bumawi ako kay Felicity. Babawiin ko si Bliss sa pentagon ngayon gabi rin na ito bago pa man ako maunahan ni Calib. ZAYNE Alam kong may mali sa nangyayari at nakakagulat rin ang galaw ngayon ni Master Calib.  Kailan man ay hindi ko pa siya nakitang ganoon ka determinado para sa isang bagay na wala namang pakinabang sa Heaven's Gate.  Alam kong hindi niya isusugal ang sarili niya para sa wala lang. Ano ba talagang meron kay Felicity at sa anak niya?  Maybe I have to find it out by my own. FELICITY I really just can't sit here and wait for nothing.  I slowly sneak outside in Heaven's Gate mansion. Babawiin ko ang anak ko sa pentagon kahit na anong mangyari.  Bliss... antayin mo lang si mommy. I'll save you no matter what.  Alam kong gagawa ng paraan si Calib ngunit hindi na ako makakapag-antay pa ng bukas at baka wala na akong maabutan kung ipagpapa-bukas ko pa. "Mr.Wong, please send me the exact address kung saan kuta ang pentagon." Saad ko habang kausap ko sa phone si Mr.Wong. Wala pang isang minuto ay natanggap  nakuha ko na agad ang hiningi ko kay Mr.Wong.  Gamit ang isang motor ay agad akong humarurot papunta sa lugar na sinasabi ni Mr.Wong. Mula sa malayo ay tanaw ko na agad ang malaki at mataas nitong tarangkahan.  Nilagpasan ko lang ito tsaka umikot dahil balak kong sa likod na dumaan at baka mahuli nila ako kung sa harap ako dadaan.  Bumaba na ako ng motor at agad na umakyat sa mataas nitong pader sa likuran.  Pagtalon ko sa loob ay agad naman akong nagtago bago pa man may makakita sa akin. Slowly but surely akong pumasok sa loob.  Magha-hating gabi na kaya malamang mahimbing nang natutulog ngayon si Heaven.  Saan ko kaya pwedeng makita si Bliss? Bahagya akong tumingin sa kaliwa't kanan ko dahil maraming bantay sa loob at labas man ng mansion nila.  "Pre! Ikaw na muna ang magbantay sa bata at iidlip muna ako." Dinig kong sabi no'ng isa sa mga tauhan ng pentagon na kadaraan lamang. Gotcha! Kailangan kong sundan ang lalaking 'yon at mukhang siya ang  magdadala sa akin kay Bliss. Dahan-dahan akong bumuntot dito sabay tago tuwing lumilingon ito. Nasa likod niya ako nang bigla itong lumingon. Nagulat ako ngunit mas kumalabog ang puso ko nang may biglang humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko.  Nanatili akong nakatitig sa kanya habang ramdam ko ang kalabog ng puso ko.  Someone's POV "Master nandito na po ang result." Saad ng isa mga tauhan ko at inabot sa akin ang resulta ng DNA na isinagawa ko. Unti-unti kong binuksan 'yong envelope.  Malakas ang kutob ko sa babaeng 'yon at sa anak niya. Siya na nga kaya ang matagal ko nang hinahanap? Kapag napatunayan kong kadugo ko siya ay hindi na ako magda-dalawang isip pa na ibigay ang lahat ng meron ako sa kanya at sa anak niya.  Namilog ang mga mata ko nang mabasa ko ang nilalaman ng resulta. "Positive..." nasambit ko nalang. To be Continued... Ladies and Gentlemen, this is Felicity... (Dasha Taran my crush :D)                 A/N: Ano kaya ang ibig sabihin nito? May dugo nga bang Pentagon si Bliss?  Wala dapat update today but I changed my mind. VOTE AND COMMENT ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD