K21

1096 Words
FELICITY Nagulat ako nang bigla nalang magsisisigaw 'yong lalaking mukhang matcho dancer. Namilipit ito sa sakit ng braso niya dahil binalian siya ni Laures. Oh well, hindi ako alam na marunong naman pala siyang makipaglaban. "Mommy... they're so ugly." Ani naman ni Bliss. "Dumikit ka lang sa akin Bliss." Giit ko naman. Ngayon ay pinaikutan na nila kami kaya naman pinagitnaan na namin si Bliss at pareho kaming nakatalikod sa isa't isa ni Laures. Ang kalmado lang niya at tila hindi man lang kinabahan kahit kaunti. "Yaaaaah!" Hiyaw nila bago sumugod sa amin. *PAK* *PAK* *PAK* Mga tunog 'yon ng mga suntok namin sa pagmumukha nila. Ang lalaki nga ng mga katawan nila ngunit kahit isang suntok mula sa kanila ay hindi man lang dumampi sa balat ko. "Go mommy! Go tito!" Dinig ko naman hiyaw ni  Bliss. Makalipas ang ilang minuto ay tila mas mabilis pa sa hangin ang pagtakas nila sa amin. Lahat sila ay tumakbo nang wasak ang mga mukha. "Salamat." Saad ko kay Laures at ginantihan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. "Yehey! Ang galing niyo po tito and mommy!" Nakangising sabi naman ni Bliss na may kasama pang palakpak. I guess isa lang naman silang mga siga dito tila wala namang alam sa pakikipag-laban. "Maraming salamat po talaga inyo at nailigtas niyo ang buong store ko." Ani naman ng isang babae. Tila siya ang may ari ng store na ito. "Ah... wala po 'yon. Pabili nga po pala ng Ice cream." Lalo naman natuwa si Bliss nang marinig ang sinabi ni Laures. "Yehey! Ice cream!" Nakangisi ulit sa saad nito. Napangiti nalang din ako nang makita ko kung gaano kasaya ang anak ko. CALIB Mabuti nalang at umalis na agad 'yong mga walang kwentang 'yon. Muntik ko nang makalimutan na si Laures nga pala ako ngayon at hindi si Calib. I have to wear my mask upang hindi nila ako makilala at baka dumugin lang ako ng mga fan ko since nasa labas ako. "Sir, here's your change." Ani nong casher tsaka inabot sa akin 'yong sukli sa binayad ko ngunit tila may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng ito nang hawakan niya ang kamay ko at huli na nang masakal ko siya dahil bigla nalang umikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko. FELICITY "Sir, here's your change." Dinig kong sabi ng casher kay Laures. Naglalakad na ako kasama si Bliss palabas ng store nang bigla nalang akong nakarinig ng isang ingay mula doon sa casher. Agad akong napalingon at nakita kong sinakal ni Laures 'yong casher ngunit  mas ikinagulat ko ang biglang pag-bagsak nito sa sahig at tila wala na itong malay. "Mommy! What happened to tito Laures?" Gulat ding sabi ni Bliss. "Ssshhhh!" Naitugon ko lang kay Bliss. Napatingin ako kamay ni Laures. May kung anong bagay ang nakaturok dito at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang dahilan kaya nawalan siya ng malay. Ibinaling ko ang attention ko sa casher at masama ang tingin niya sa akin na tila ba may dala itong banta. Nagpapanggap lang siya. Isa itong patibong. "Sino ka?" Mariing tanong ko sa kanya. "You'll find it out later kapag nandito na ang master ko." Tugon niya tsaka umupo at tinitigan ang mukha ni Laures. Napakapit ako sa braso ni Bliss. Sinong master ang sinasabi niya? "Poor... Calib Jacinto." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya habang hinahaplos ang mukha ni Laures. Anong sinasabi niya? Anong Calib Jacinto? "Hello, Felicity. Nice to see you again." Dinig kong may nagsalita mula sa likuran namin kaya agad akong napalingun. Nakasuot siya ng magarang suit. Kulay pula ang buhok nito at-- Sa pagkakataong ito ay bahagya akong natulala nang tanggalin niya ang suot niyang shades at tumitig ng diretso sa mga mata ko. "He-heaven?" Nasambit ko nalang. Pero... patay na siya diba? Sa pagkakatanda ko ay binaril siya ni Itchen sa dibdib at imposibleng makaligtas siya mula doon. "Nagulat ka ba? Pwes! Isa akong immortal!" Nakagising sabi niya habang hinahawakan niya ako sa leeg. "Back off!" Tulak ko dito. Napatingin ako sa dibdib niya. Paano? Paanong nabuhay pa siya? "Oh~ a cute kiddo. Anak mo ba siya?" He smirked. "Don't touch my son!" Banta ko at hinawakan ko ng maiigi si Bliss. "If you can beat me." He smirked again. Well I  have no choice. Pansamantala kong binitawan si Bliss at mabilis na umatake kay Heaven ngunit mabilis itong nakailag at nahuli niya ang dalawang kamay ko tsaka niya ako kinulong sa bisig niya. "Mommy! Hey! Don't hurt my mom!" Dinig kong hiyaw ni Bliss at tila malapit na itong umiyak. "As you wish... kiddo." Tugon naman ni Heaven tsaka ako tinulak ng malakas na siyang dahilan upang tumama ako sa pader. "Bring the child!" Utos nito at hinawakan na nga no'ng babaeng nagpapanggap na cashier si Bliss. "Mommy! Help me!" Pagpupumiglas nito. "Release him!" Agad akong kumilos at pinalipad sa hangin ang sipa ko na siyang sakto na tumama sa mukha ng babaeng 'yon kaya nabitawan niya si Bliss at kaagad ko itong hinawakan ngunit hindi pa kami tapos dahil agad siyang gumanti at tinamaan ako sa tagiliran. Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay niya at pareho ko itong nilagay sa likuran niya tsaka ko siya siniko sa may batok at diretso itong nakatulog dahil sa ginawa ko  na kalaunan ay bumagsak na rin siya sa sahig. "Mommyyy!" Naalerto ako nang marinig ko ang boses ni Bliss sa malayo. "BLISS!" Hiyaw ko nang makita kong binibitbit na si Bliss palayo sa akin at akmang susugod na ako nang humarang si Heaven. "Just see you again Felicity. Wait for my call." Kindat niya tsaka ako tinalikuran. Susugod pa sana ako rito nang humarang naman ang mga tauhan nito. "Kayo na ang bahala sa kanila." Utos nito habang naglalakad na palabas. "Bliss!" Sambit ko. "Tapos kana!" Ani naman ng isa sa mga tauhan nito tsaka ako tinutukan ng b***l sa ulo. Ngunit bago pa man niya ito mapaputok ay nauna nang nalaglag ang mga bala nito sa sahig. "Don't touch her!" Kilala ko ang boses na 'yon. Mabilis ko siyang nilingon ngunit tinakpan niya ang aking mukha at narinig ko nalang ang ilang putok ng b***l. Makalipas ay ilang minuto ay inalis niya na rin ang kamay niya sa mukha ko at tumambad sa paningin ko ang mukha ni Calib. Naguguluhan ako ngunit mas iniisip ko ngayon si Bliss. "They took my son." Saad ko. Parang ganito din ang naramdaman ko nang dukutin ni Calib ang anak ko. Bakit ang anak ko pa? Anong kailangan nila kay Bliss? To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD