K20

1073 Words
FELICITY Mukhang wala naman akong kailangan na gawin ngayon at hindi naman ako pinatawag ni Calib.  At mukhang umalis na din 'yong magkapatid pagkalabas ko ng kwarto. Ngunit bahagya naman akong napaatras sa gulat nang magtungo ako sa kusina dahil kay Itchen. Nandito pa pala siya and he's cooking something. Amoy masarap ah. "Have a sit." Ani nito. "Sabayan mo akong kumain." Dagdag pa nito habang nakatingin sa niluluto niya. Parang may naalala lang ako bigla. Pinaglulutuan niya rin kasi ako dati. Ngayon ay nakalapag na sa harapan ko mismo ang mga masasarap na pagkain. Iniisip ko lang kung bakit siya ang gumagawa nito. Wala ba silang katulong? "Let's eat." Bahagya niya akong ngitian. Tumango lang ako tsaka nagsimulang kumain. Parang ang awkward kung wala kaming pag-uusapan at magkaharap pa naman kami. "Kamusta ka?" Tanong ko at ayoko naman ng tahimik kaming pareho. "Well, I'm doing great and happy.... coz we met again." Tugon niya at halos muntik na akong mabulunan doon. "Me too." Napangiti nalang ako. Sa totoo lang ay ang dami kong gusto na itanong sa kanya pero hindi ko masabi. Katulad nga ng sinabi ko ay maraming taon na ang nagdaan para ungkatin pa 'yon. "Are you dating with my brother?" Tanong niya naman sa akin. "Naku! Hindi ah!" Iling ko. "Nagta-trabaho lang ako sa kanya." Dugtong ko pa. Hindi ko nga rin alam kung anong mayroon sa amin ni Calib. Dalawang beses nang may nangyari sa amin at hindi ko alam kung wala lang ba sa kanya 'yon o ano. After all he's still my master and I'm just a slave. "If I asked you to work with me and not to Calib. Papayag kaba?" Biglang seryoso niyang tanong. "Well... I can't dahil may kasunduan kami. I'll going to work with him sa loob ng isang taon." I answered. "I see..." napatango siya. Bumalik na din ako sa pagkain at mas binilisan ko pa dahil baka mahuli pa ako ng dating doon sa school ni Bliss since tatlong oras lang naman ang klase no'n. "Mauna na ako sa'yo Itchen at susunduin ko pa si Bliss." Paalam ko dito. Tatayo na sana ako nang hawakan nito ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ako. "Uhm... bakit?" Nagtatakang tanong ko dito. "I'm sorry Elay." Sambit niya. Hindi ko na inaasahan 'to kaya naman nagulat talaga ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ito pinahalata. "Sorry saan?" Patay malisya ko naman sa sinabi niya. "Sorry kasi iniwan kita." Tila nabingi ako sa sinabi niya. Hindi na dapat ako makaramdam ng ano pa man sa sinabi niya dahil matagal ko nang nakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya pero parang biglang may kumirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit at nararamdaman ko sa aking mga mata ang nagbabadya kong mga luha. "Matagal ng tapos 'yon kaya kalimutan mo na." Tugon ko. "Alam ko. Gusto ko lang sabihin 'yon at hindi pa ako nakakapag-sorry sa'yo." Saad niya. "Matagal na kitang napatawad Itchen. Ganoon pa man ay gusto parin kitang tanungin kong bakit mo ako biglang iniwan noon?" Sa wakas ay ito na. Masasagot na ang mga katanungan ko noon. Minsan kasi talaga ang hirap mag-move on lalo na kapag hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka nila iniiwan. "Natakot ako para sa'yo elay. Hindi ko sinabi sa'yo noon na kami ang pinuno ng Heaven's Gate g**g. Ayokong madamay ka kaya mas pinili kong iwan ka kahit masakit. But out of nowhere dito ka rin naman pala napadpad." Marahang sabi niya. "Naintindihan ko na. Sige aalis na muna ako Itchen." Tumayo na ako. Iniwan niya ako para sa kaligtasan ko at para hindi ako masangkot sa Heaven's Gate ngunit dito rin naman ako napunta. Tadhana nga naman... masyadong mapaglaro. ITCHEN "I still love you..." bulong ko sa hangin habang sunusundan ko siya ng tingin hanggang tuluyan na siyang naka-alis. I was sent to Australia eight years ago just to train myself para sa mundong ginagalawan ko. And now that I'm back at pinagtagpo tayo ulit ay hindi na kita pakakawalan pa. Sa ngayon, kailangan ko na munang alamin ang tunay na ama ni Bliss. FELICITY "Hey!" "Ay palaka!" Nasambit ko nalang dahil sa gulat dahil bigla nalang siya sumulpot sa likuran ko at tinapik ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at sa pagkakaalam ko ay isang sikat na nilalang kay hindi pwede ang pagala-gala lang siya. "Napadaan lang ako and then I saw you." Tugon ni Laures. "Ahh..." napatango ako. "Inaantay ko kasi si Bliss." I added. "I see." He nodded as well. "Mommy!" Dinig ko na ang boses ng anak ko. "Speaking of..." natatawang sabi ko. "Hey! Mist-- tito Laures!" And they do the high five. "Mommy I got a three stars." Sabay pinakita nito sa akin ang braso niya na may tatak na star nga. "Wow! Ang galing naman ng anak ko." I tapped his head. "So it means we have something to celebrate?" Ani naman ni Laures na siyang dahilan upang magliwanag ang mukha ni Bliss. "Whoaaa! That's a great idea tito Laures." Nakangising saad nito. Bigla namang pumasok sa isipan ko si Calib. "Uhm... may trabaho pa ako eh." Sambit ko at tila nalungkot naman bigla si Bliss. "Let's have some ice cream." Saad ni Laures at nabuhayan naman ulit si Bliss. "Please mommy..." He's begging me now using his puppy eyes. Makakatanggi pa ba ako sa pagpapa-cute ng anak ko? "Okay." I half smiled. "Yehey! Thank you mommy!" Sabay akap nito sa akin. Ang galing talagang mang-uto ng anak ko. Saan niya kaya namana 'yon? "Ice cream! Ice cream!" Tuwang tuwang na sambit ni Bliss. Agad na kaming nagtungo sa pinaka-malapit na store na pwede naming pagbilhan ng Ice cream. Sandali lang naman kami at baka pag-balik ko ay umuusok na 'yong ilong ni Calib dahil sa galit at hindi ko naman day off ngayon. Pagpasok namin sa store ay kakaibang hangin agad ang bumungad sa amin. Isang grupo ng mga kalalakihan ang sumalubong agad sa amin at tila ba naghahamon ito ng away. Napatingin ako kay Laures at Bliss. Ayokong madamay sila dito kung sakaling magkagulo man. Nakita kong biglang naglagay ng mask si Laures at tumingin sa akin. Agad na kwenilyuhan ng isang mukhang matcho dancer na lalaki si Laures. Hindi ko alam kong sino sila. Mga siga ba o members ng ibang g**g. To be Continued... Ladies and Gentlemen, this is baby Bliss Xuan. (Credits to Gabriel Nile Photo)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD