FELICITY
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko nalang ang sarili ko na wala ng saplot sa kama ni Calib. He's still sleeping. Crap! What did I do?
Napatingin ako sa orasan. Shocks! Umaga na pala at talaga dito ako natulog sa tabi ng ungas na 'to ah.
Agad akong tumayo ng kama at nag-suot ng dami tsaka lumabas.
"Phew!" Nakahinga naman ako ng maluwag paglabas ko.
"Mommy!" Salubong agad sa akin ni Bliss at mukhang handa na itong pumasok sa school.
"Good morning honey!" Agad ko naman siyang binigyan ng matamis na ngiti.
"Mommy papasok na po ako sa school and tito Zayne will going to drive for me." Turo niya kay Zayne na nasa likuran niya.
"Well, don't forget to say thank you to tito Zayne. Susunduin ka nalang ni Mommy mamaya." I tapped his head.
"Aye Mommy!" Sabay tango niya.
"Mag-iingat ka. I love you." Hinalikan ko na siya sa noo at ngumiti kay Zayne.
"Uhm... mommy saan po kayo natulog kagabi?" Parang bigla naman akong nanigas sa tanong ni Bliss.
"Of course sa kwarto." Tugon ko.
"But you're not there." Saad muli ni Bliss.
"Maaga lang ako nagising honey kaya siguro hindi mo ako nakita." Palusot ko ulit dito. Pilyong bata.
"Ahh..." tumatango niyang sabi.
"Nakita kitang lumabas sa kwarto ni Master Calib ah! Anong ginagawa mo do'n?" Tanong naman ni Zayne.
Jusme naman! Parang mapuputulan na ako ng ugat nito sa utak sa kakaisip ng ipapalusot ko sa dalawang ito. Pati na naman kasi si Zayne?
"Uhm... wala naman. May kinuha lang ak--"
"Of course we're having fun last night." Someone just cut my words.
Inakbayan niya ako at tuluyan na talaga akong napako sa kinatatayuan ko. Having fun last night?
Napatingin ako sa kanya ng matalas. Kahit na wala pa siyang suot na pang-itaas ay hindi ako magpapa-distract sa pa-abs niya.
Ang lakas naman talaga ng loob niya para sabihin ang ganoong bagay sa harapan mismo ng anak ko.
"Uhm... okay..." nasambit nalang ni Zayne habang tumatango na parang ewan.
"What do you mean Mister Calib? Did the two of you played last night?" Naguguluhang tanong ni Bliss.
"Well yeah. Something like that." Tugon naman ni Calib.
"Uhm let's go baby. It's for adult thing." Sabad naman ni Zayne.
"Wait! I still can't understand it. Mommy kung naglaro po kayo kagabi ni Mister Calib ay bakit hindi niyo po ako isinama?" This time ay sa akin naman tumingin si Bliss at bakas parin sa mukha nito ang pagkalito.
Napatingin naman ako kay Calib. I'm giving him now a kasalanan-mo-'to-look.
"No honey. We didn't play. Just go at baka mahuli ka pa sa klase mo." Ganti ko nalang dito.
"You didn't? But..." tila bahagya siyang napaisip at napakamot pa ito sa ulo niya.
"You might can't understand it now kiddo but maybe soon when you grow up. Sa ngayon, ay isipin mo nalang na sooner or later ay magkakaroon kana ng kapatid." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Calib.
Agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Ano bang pinag-sasabi mo?" Bulong ko dito.
Bakas din sa mukha nilang dalawa ang pagkabigla sa sinabi ni ungas.
"Seriously?" Nakataas kilay na sabad ni Zayne at halos hindi na maipinta ang mukha nito.
"Really? Whoa! That's cool! Mommy I wanna have a little brother so that I can have playmate." Nakangising sabi ni Bliss.
"Anyway I have to go. Bye mommy! Bye mister!" Kaway sa amin ni Bliss tsaka umalis na kasama si Zayne.
"But tito Zayne... how are they going to make a baby?" Dinig kong tanong ni Bliss kay Zayne habang naglalakad sila.
I took a deep breath. Jusme! Tinapunan ko ulit ng masamang tingin si ungas.
"Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo sa anak ko?" Mariing sabi ko dito ngunit ngumiti lang siya sa akin.
I crossed my arms. This demonic guy is now really getting into my nerves.
At may gana pa siyang ngitian ako huh? Ang tigas naman talaga ng pagmumukha niya. Grabe lang talaga ah!
"I'll be that happiest guy if you can give me a child." Ngisi niya sa akin.
"Hoy!" Duro ko sa kanya. "Anong akala mo sa akin? Paanakan? Palahian? Manigas ka! Kung gusto mong magka-anak edi mag-asawa ka na!" Mariing sabi ko sa kanya at talagang pinapaiinit niya ang ulo ko.
"Bakit? Papayag ka ba?" Para akong binatukan ng isang malaking question mark nang dahil sa sinabi niya.
"Ano?" Sambit ko pabalik sa kanya.
"Papayag kabang maging asawa ko?"
Bahagyang akong napasingap sa sinabi niya.
"Tsk! Kahit siguro ikaw na 'yong huling tao sa balat ng lupa ay hindi ako magpapakasal sa'yo!" Singhal ko.
"Really? Then I have no choice." He evil grinned.
Ano naman kaya ang ibig sabihin ng ngiting yan?
"Edi bubuntisin nalang kita kung ayaw mo ako maging asawa. Saan kapa makakakita ng tulad ko? I can give you what you want and... I can even bring you to heaven every night."
Bahagya akong napaatras sa mga pinagsasabi niya.
"Alam mo ikaw! Tigil tiglan mo ako ah. Tsaka huwag mo nang kausapin ang anak ko at kung anu-ano lang namang kalokohan 'yong tinuturo mo sa anak ko eh." Irap ko sa kanya.
"Minumulat ko lang siya sa katotohanan." Sagot niya.
"Pwes! Hindi ka nakakatulong. Tsaka baka mamaya umasa pa 'yong anak ko sa mga pinagsasabi mo eh!"
"Problema ba 'yon? Edi totohanin na natin." He half smiled.
I rolled my eyes.
"Hay naku! Mababaliw lang ako sa'yo. Dyan ka na nga!" Tuluyan ko na siyang tinalikuran bago pa man ako tuluyang masiraan ng bait sa kanya.
At talagang balak pa niya akong gawin na pabrika ng mga anak niya? Anong akala niya sa akin? Baboy na pwedeng palahian hangga't gusto niya? Tsk!
Sa kabilang banda ay bigla tuloy ako napaisip. Dalawang beses na nga palang may nangyari sa amin at lahat nang 'yon ay hindi safe.
I sighed. Bakit ko ba kasi siya hinayaan na gawin niya 'yon sa akin?
Sa kakaisip ko ay bigla tuloy samagi sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi.
Napailing ako at--
*PAK*
Aray ko! Ang maganda kong mukha.
Ops! Napatingala ako.
"Itchen..." sambit ko sa pangalan niya.
Ang clumsy ko naman at nabangga ko pa siya.
Mukhang kakagising lang ni Itchen at wala din siyang suot pang-itaas. So ano to? May labanan ba ng abs dito sa loob ng Heaven's Gate?
Grabe ang init dito sa side ko. Makaligo na nga lang.
LAURES CALIB JACINTO
VS.
ITCHEN JACINTO
To be Continued...