FELICITY
"Hmmm... they're all yummy." Sambit ni Bliss na tuwang tuwa habang kumakain.
Yeah, I definitely agree. Feeling ko nga daig pa nila 'yong luto ko.
"So... how's the winner?" Tanong ni Zayne pagkatapos naming kumain.
"Well... for me it's Itchen." Saad ko tila nalukot naman ang mukha ni Calib nang dahil sa sinabi ko.
"For me it's Mister." Ani Bliss.
Nanlumo naman ang mukha ni Zayne.
"Let's go Bliss. Let's go on swimming." Aya ni Calib dito na lukot pa rin ang mukha na tila dismayado sa sinabi ko.
Abnormal talaga 'tong ungas na 'to. Akala mo bata eh. Kulang nalang ay magdabog siya sa harapan ko dahil lang si Itchen ang binanggit ko at hindi siya.
Teka nga, hindi ba't parang ako dapat ang nag-iinarte ngayon? Dapat nga sinusuyo niya ako pero siya pa 'tong galit? Wow lang ah! Moodswing to the maximum level lang? Dinaig pa niya 'yong babaeng may dalaw eh. Hmp! Bahala ka nga.
"I'm coming!" Hiyaw naman ni Bliss tsaka sumunod kay Calib.
"Antayin niyo ako!" Sumunod namang sabi ni Zayne.
Ewan ko ba, sa kabila ng pagiging bugnutin ni Calib ay magkasundong-magkasundo naman 'yong dalawang 'yon. Kung sabagay... minsan may ganoong ugali din si Bliss pero normal naman 'yon sa bata hindi katulad ni Calib.
"Mukha silang mag-ama." Napangiting saad ni Itchen.
"Sino? Si Calib at Bliss?" Patanong kong sabi.
"Hindi. Si Calib at Zayne." Pabiro naman nitong tugon ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito.
"Baliw!" Nasabi ko nalang.
Since nagtampisaw na sa swimming pool 'yong tatlo ay kami nalang dalawa ni Itchen 'yong nagligpit nang kinainan namin at kami na rin ang naghugas.
Kapag gusto nilang kumilos talaga hindi uso ang katulong dito.
"Kayo na ba?" Tanong ni Itchen habang pareho kaming naghuhugas ng plato.
Bahagya naman akong natahimik sa tanong niya. Uhmm... ano nga ba? Kami na ba? Oo nagka-aminan na kami ng nararamdaman namin ngunit parang hindi naman talaga naging officially na kami.
"Siguro... basta. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako." Tugon ko.
"Bakit siguro? Hindi ka sigurado?" Tanong nito ulit.
"Hindi naman sa gano'n." Saad ko.
"Besides, we're not teens anymore para magpakipot pa sa isa't-isa. I mean hindi naman siguro na kailangan na dumaan pa kami sa mahabang ligawan. Ang importante ay alam namin 'yong nararamdaman namin at para sa akin 'yong relasyon dapat ang pinapatagal at hindi 'yong panliligaw." Bahagya akong huminga ng malalim at tila hiningal ako doon sa sinabi ko.
Tama naman 'yong sinabi ko ngunit hindi ko maikakaila sa sarili ko na gusto ko rin naman 'yong ganoon kahit pa may anak na ako. Normal lang naman siguro ang makaramdam ng ganito bilang babae.
Napatingin ako kay Itchen. Bigla tuloy sa sumagi sa isipan ko 'yong panahon na niligawan ako ni Itchen. Isa siyang siga sa campus habang ako ay isang ordinaryo lamang na estudyante. Kasabwat pa niya lahat no'n ang nga basag ulo sa campus para lang ligawan ako.
"Baka naman matunaw ako sa titig mo." Nagbalik ako sa reyalidad nang narinig ko ang boses nito.
Agad kong ibinaling ang atensyon ko sa ibang bagay ngunit kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko naman ang mga tingin niya sa akin.
"I thought I can still win you back but it's too late. Mahal kita ngunit hindi na pwede." Sambit niya.
Muli akong napatingin sa kanya nang dahil sa sinabi nito. Parang may lungkot na bumabalot sa kanya ngayon at nakikita ko iyon sa mga mata niya.
Inaamin kong nagulat ako sa sinabi niya dahil ang buong akala ko ay tapos na... wala na. Hindi ko inasahan na mahal niya pa rin ako hanggang ngayon.
"Siguro kung bumalik ka ng mas maaga ay baka tayo pa rin ngunit tama ka... huli ka na dahil may mahal na akong iba at alam mong si Calib 'yon."
Kung titignan ng ibang sitwasyon ko ay tila ba tinutuhog ko ang magkapatid ngunit hindi ko naman alam. Wala akong alam na magkapatid sila. Sadyang ang tadhana ang nalapit sa amin.
"Alam ko at tanggap ko naman." Tango niya.
"What's going on?" Pareho kaming napatingin ni Itchen doon sa pinanggalingan ng boses.
"Did I interrupt the two of you?" Dugtong pa niya.
Napakaseryoso ng mukha ni Calib at ang sama ng tingin niya sa aming dalawa ni Itchen.
"Hindi naman, we're just talking some ramdom stuffs." Tugon ko dito.
"I told her to kick your ass." Saad naman ni Itchen.
"Tarantado!" Sabay batok nito kay Itchen tsaka ako hinawakan sa kamay at kinaladkad palayo sa kapatid nito.
Ngayon ko lang napagtanto na napaka-seloso pala ni Calib. Every time that I am surrounded by the other guy, lagi ko nakikita 'yong ganoong tingin niya. Those glaring eyes... it seems like he wanted to eat me alive.
"Ano bang pinag-usapan niyo?" This time mukhang mahinahon na siya.
"Kahit ano." Tugon ko at umupo sa gilid ng pool hanang pinapanood si Bliss at Zayne na nagtatampisaw sa gitna.
"Ano nga?" Pagpupumilit niya at tinabihan pa ako sa pag-upo.
"Bakit mo ba tinatanong? Ano bang pakialam mo?" Bara ko dito.
"May pakialam ako kasi mahal kita." Diretsa naman nitong sagot.
Parang bahagya naman akong hindi nakahinga sa sagot niya. Ang bilis mga tol! Kinilig naman ako bigla.
"Eh... hindi mo naman ako girlfriend." Sambit ko kahit na tunog pabebe na ewan na ako.
"Hindi naman talaga kita girlfriend eh." Bahagya akong napanganga sa sinabi nito.
Kasabay no'n ay tila may kumurot sa puso. Kung sabagay... hindi niya naman talaga akong girlfriend kaya bakit na ako nasasaktan? Truth hurts?
Wag ka umiyak sa harapan niya Felicity! Lulunurin kita sa pool kapag umiyak ka!
"Hindi kita girlfriend kasi magiging asawa na kita."
Sa pagkakataong ito ay bigla nalang may tumulong luha sa pisngi ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Pinagloloko mo naman ako eh" hampas ko sa braso nito.
"Mukha ba kitang niloloko?" Seryosong saad niya ulit habang nakatitig sa mga mata ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Paano kung ayaw kitang maging asawa?" Patanong kong sabi dito at napakunot naman ang noo niya.
"Edi pipilitin kita. Sa ayaw at sa gusto mo ay wala kang magagawa dahil akin ka lang." Sabay yakap nito sa akin ng mahigpit.
Tsk! Si Calib Jacinto nga pala itong kausap ko.
"Will you be my wife Miss Felicity Xuan?" Bulong nito sa tenga ko at halos nagtatalon naman sa tuwa ang puso ko nang dahil sa tanong niya.
"Pero may anak na ako." Katwiran ko at syempre mas mabuti na ang malinaw.
"Alam ko. Handa naman akong maging tatay kay Bliss at sa mga magiging anak pa natin." Tugon niya.
Bigla tuloy akong may naalala sa sinabi niya.
"Noong nasa Pentagon pala tayo, nabanggit mo na... hindi siya tagapag-mana ng Pentagon dahil anak mo siya, anong ibig mong sabihin do'n?" Tanong ko muli.
"Syempre ayoko mapunta si Bliss sa Pentagon kaya mas mabuting akuin ko siya." Sagot nito at napatango lang ako.
"Hindi mo pa sinasagot ko sa tanong ko Felicity." Paalala nito.
Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya at marahang hinaplos ang mukha niya.
"Oo naman. Payag ako. I do! Dahil mahal kita maging si Laures Ibarra ka man o si Laures Calib Jacinto." Pansin ko ang biglang pagliwanag ng mukha nito nang marinig ang sagot ko tsaka ako hinalikan sa labi.
"Ang corny niyo!" Dinig kong sabi ni Itchen tsaka kami tinulak ni Calib papunta sa pool.
"Yes! We're getting married!" Hiyaw ni Calib.
"Talaga po?" Dinig kong sabi ni Bliss at tumango lang ako.
"Congrats sa inyo!" Ani Zayne.
"Congrats big bro!" Ani Itchen.
"So magiging Daddy na po kita Mister?" Tanong muli ni Bliss.
"Definitely!" Tugon ni Calib.
Lahat kami ay nagsasaya sa pool nang biglang may dumating na butler.
"Paumanhin po Master ngunit may naghahanap po sa inyo." Saad nito.
Bigla naman kaming natahimik. Sino?
To be Continued...
A/N: Abangang kung sino ang bisita. VOTE AND COMMENT ^^