FELICITY
Agad na umahon si Calib sa pool at nagsuot ng bathrobe tsaka naglakad papunta sa living room.
Ewan ko ba ngunit tila bigla nalang nag-iba ang simoy ng hangin. Kung kanina'y nagtatawanan kami ngunit ngayon ay pareho kaming napapaisip kung sino 'yong bisita ni Calib.
Parang bigla lang ako kinabahan dahil biglang sumeryoso 'yong mukha ni Calib.
Ilang linggo na rin akong nakatira dito ngunit ngayon lang ako nakarinig na may bisita siya. Curiosity is killing me now.
CALIB
Habang papalapit na ako sa living room ay tila napansin kong bumabagal din ang paglalakad ko lalo na nang makita ko ang isang nakatalikod na babae na may mahabang buhok. Mataas ang tindig nito at may balingkinitang katawan.
"Who are you?" Agad kong tanong dito nang bigla itong humarap sa akin na siyang dahilan upang mamilog ang mga mata ko.
Kailan pa siya nagbalik ng Pilipinas? At ano namang kailangan niya sa akin? Hindi na dapat siya nagpakita pa sa akin coz I don't f*cking need her anymore.
"Hindi mo na ba ako kilala? Nakalimutan mo na ba agad ako?" Ganti nito tsaka ako nginitian.
"What are doing here?" Diretsang tanong ko dito.
Inaamin kong nagulat ako sa biglaang paglutang niya sa harapan ko dahil hindi ko naman na inasahan na makikita ko pa siya. It's been a long time since then...
"Of course... I'm here to visit my fiance." Ngisi niya.
"You mean ex fiance?" Mariin kong sabi.
"You've never been my ex Calib." Marahang sabi niya at hinawakan ako sa braso.
"Whatever! I don't care. Just leave coz I don't need you anymore Lara."
Agad kong inalis ang kamay niya sa akin tsaka ko siya tinalikuran ngunit bahagya akong natigilan nang makita ko si Felicity na nakatayo at mukhang kanina pa siya nakatayo sa likuran ko. Tila nagulat din siya nang makita ko siya at biglang tumalikod.
Aalis na din sana siya nang hawakan ko ang kamay nito at pinilit ko siyang iharap kay Lara.
"We're getting married. You're invited to my wedding." I half smile at tila may halo ding panunuya ang pagkasabi kong iyon.
"Bitter ka pa rin ba? You're obviously using her just to take a revenge for me. I'm sorry if I suddenly left you that time. I'm sorry if I hurt you a lot."
FELICITY
Agad din akong umahon sa tubig at nagsuot ng bathrobe tsaka dahan-dahan na nagtungo sa living room kung saan naroroon si Calib at 'yong bisita niya.
Mabilis akong nagtago sa may pader nang makita ko ang likod ni Calib. Hindi ko makita 'yong hitsura ng bisita niya sapagkat natatakpan niya ito.
Teka nga, bakit ba ako nagtatago? May dapat ba akong pagtaguan? I'm Calib's Finacee so I don't have to act like a thief inside his kingdom.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga mula sa kaibuturan ng aking kalamnan tsaka ako naglakad palapit kay Calib nang biglang humarap sa akin si Calib na siyang ikinagulat ko.
Agad akong napatalikod. Aalis na sana ako nang maramdaman ko nalang ang mainit niyang kamay sa kamay ko at basta niya nalang ako hinatak at iniharap sa bisita niya.
Isang maganda at morenang babae ang tumambad sa paningin ko. Mukha siyang pang-miss universe dahil sa tangkad at kutis nito. Maganda siya ngunit mas hamak na mas maganda naman ata ako pagdating kay Calib.
"We're getting married. You're invited to my wedding." Giit ni Calib.
Pinagmasdan kong maiigi kung paano siya mag-react doon sa sinabi ni Calib at napansin kong tila nainis siya.
"Bitter ka pa rin ba? You're obviously using her just to take a revenge for me. I'm sorry if I suddenly left you that time. I'm sorry if I hurt you a lot."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at agad akong napaisip. Teka nga...
Napatingin ako kay Calib ngunit hindi niya ako tinitignan at tila umiiwas siya. Mukhang may hindi pa ata ako alam sa pagkatao ni Calib na dapat kong malaman.
"Mahal ko siya. You're just thinking too much." Ganti ni Calib habang nanatili akong tahimik at hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat ng kaganapan. Alam kong may mali ngunit hindi ako makapag-isip ng tama dahil ramdam ko ang kirot sa puso ko.
"You're lying. Alam kong mahal mo pa rin ako Calib. Gumaganti ka lang sa akin ngayon dahil... iniwan kita noon sa araw mismo ng kasal natin."
Tila tuluyang nabasag ang puso ko sa sinabi nong babae. Tama nga ang hinala ko, may relasyon sila noon.
"Just leave Lara." Ani Calib.
"Sino ka ba?" Sabad ko at talagang hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tumahimik lang at makinig sa drama nila. I just want make things clear.
"Oh~ you don't know me. I'm Lara Bonifacio. I'm Calib's fiancee."
Tila sinaksak naman ako sa dibdib nang magpakilala siya akin. Ano ba talaga ang mayroon sa kanila? Past or present?
Napatingin ako kay Calib mukha siyang blangko. Mukha hindi niya inaasahan 'to. May nararamdaman pa kaya siya para kay Lara?
"You're my Ex Lara. You're my past and this woman..." sabay hawak nito sa bewang ko. "This woman is my present and my future."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang dahil sa sinabi ni Calib. Ganoon pa man ay hindi ko pa rin maikubli ang pangangamba. Pangangamba na baka may nararamdaman pa rin si Calib para sa babaeng ito.
"Mommy!" Dinig kong tawag sa akin ni Bliss at nalipat naman ang tingin ni Lara dito. Pansin kong namilog ang kanyang mga mata nang makita si Bliss at napailing.
"Are you crazy? Are you really going to marry this single mother?" Duro nito sa akin.
Papatulan ko na sana siya ngunit pinigilan ako ni Calib.
"Hey! Bakit mo inaaway ang mommy ko?" Ani Bliss. Agad ko din namang hinawakan si Bliss at baka kung ano pang gawin ni Lara sa anak ko. Mapapatay ko talaga siya.
"Hmp! Ipagpapalit mo na nga lang ako... sa may anak pa! Tsk! Kailan pa bumaba ang standard mo Calib?" Mapanuyong sabi nito.
"Are you just going to insult my son? Just shut up if you have nothing good to say." Saad ni Calib dito na siyang lalong ikinagulat ni Lara.
Alam ko namang pinagtatanggol niya lang si Bliss.
"A-anak mo siya? Hindi... hindi totoo yan." Nauutal na saad ni Lara.
Gusto ko sanang sumabat ngunit sa ngayon ay hahayaan ko na muna na si Calib ang humarap sa kanya dahil wala naman akong alam tungkol sa kung anong mayroon sa kanila noon.
To be Continued...
A/N: Pasensya na sa late update. Abangan niyo po ang pagpasok ni Lara Bonifacio sa buhay nila. Matutuloy pa rin kaya ang kasal? VOTE AND COMMENT ^^