K1

1066 Words
Naramdaman ko nalang na may kamay na gumagapang sa binti ko at pagdilat nga ng mga mata ko ay isang lalaki ang tumambad sa paningin ko ngunit hindi ko makita nang malinaw ang itsura ng mukha niya at tila umiikot parin ang paningin ko. Hindi ako makagalaw nang normal at tila ba biglang nawalan ng lakas ang katawan ko.  Hinang hina ako at nahihilo. Ang huling pagkakatanda ko ay kasama ko ang tatay ko at pagkatapos no'n ay wala na akong matandaan. "Sino ka?" Tanong ko doon sa lalaki. "Hello babe." Ani nito at naramdaman ko nalang ang mainit nitong mga labi sa leeg ko. "A-anong gagawin mo? Wa-wag po..." nanghihinang saad ko ngunit tuloy parin siya sa ginagawa niya. "C'mon babe, don't act like you're an innocent. Just be wild and make me satisfied tonight." Hindi ko alam ang sinasabi niya. Bakit niya ginagawa sa akin 'to? Sino ba siya? At nasaan ba ako? "Wag... maawa ka sa akin." Pagmamakaawa ko ngunit sa halip na tumigil ay unti unti niya nang inalis ang saplot ko.  "Wag..." I cried.  "Wag..." "Wag!" Agad akong napabalikwas ng kama.  I took a deep breath at marahang napasabunot sa sarili ko. Napanaginipan ko nanaman ang nangyari sa akin Six years ago. Anim na taon na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino 'yong taong gumahasa sa akin.  Anim na taon na ngunit malinaw parin sa akin ang masaklap na nangyari sa akin no'n.  Nalaman kong ipinusta ako ng tatay ko sa sugal kaya nangyari sa akin 'yon at mula no'n ay hindi narin siya nagpakita pa sa akin. Muli akong napabuntong hininga at tumayo na ng kama at naglakad papuntang kusina para kumuha ng tubig.  Umaga na din pala. Mabuti pa ay maghanda na ako ng breakfast habang tulog pa ang prinsipe ko. Bago pa man siya magising ay tapos na ako sa paghahanda ng makakain nito. "Good morning Mommy." Humihikab na bati niya sa akin. "Good morning Bliss." Tugon ko tsaka ko ito binuhat at hinalikan sa pisngi. "Mommy pupunta naba tayo sa school?" Tanong nito. "Yes baby. It's your first day at school so you'd better eat your breakfast now. Okay?" Giit ko at muli ko siyang ibinaba. "Yes mommy!" Halos abot tenga nitong tugon. Matagal na niyang gustong mag-aral at ngayon na limang taon na siya ay ipapasok ko na nga siya sa kindergarten. At tama kayo ng iniisip. Si Bliss nga ang naging bunga ng nangyari sa akin anim na taon na ang nakararaan. Ganoon pa man ay ni minsan ay hindi ko siya kinamuhian. Anak ko parin siya at wala siyang kasalanan sa nangyari sa akin. Kung tutuusin ay kung hindi dahil sa kanya ay baka sumuko na ako sa buhay ko.  Seven years ago, nawala sa akin 'yong pamilya ko dahil na-ambush kami at walang awang pinagbabaril 'yong van na sinakyan namin. Ako at 'yong tatay ko lang 'yong naka-survive. Ngunit sa kasamaang palad ulit ay tila nawala na sa katinuan 'yong tatay ko at nagawa pa akong ipusta sa sugal nang maubos na ang yaman niya. Wala na sana akong pamilya kung hindi dumating si Bliss. Si Bliss nalang ang mayroon ako ngayon. "Mommy bakit po kayo tulala? Iniisip mo po ba si Daddy?" Ani ni Bliss na siyang dahilan para magbalik ang diwa ko. "Uhm, hindi anak so you'd better not to mention your dad or else I'll cut your tongue." I replied then tap his head.  "Pero mommy kailan ko po ba siya makikilala?" He asked again. Recently napapansin kong marami na siyang tinatanong tungkol sa ama niya and sometimes I don't know how to deal with it dahil kahit ako man ay hindi ko kilala ang ama niya. So I have no choice kung hindi sabihin sa kanya ang totoo kahit nasa murang edad pa siya.  At sa totoo lang ay hanggang ngayon ay kumukulo parin ang dugo ko tuwing naiisip ko 'yong ama ng anak ko. "Hindi ko pa alam anak. Pero sa ngayon ay ipagdasal mo nalang na wag kami magtagpo ng landas at baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya." Giit ko. "Mommy, don't be so rude at my Dad." Giit niya tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Kahit sa murang edad niya ay mukhang naiintindihan niya naman ang kalagayan namin pero isa parin siyang bata na naghahanap ng isang ama. "Yepiiee!" Hiyaw nito pagkalabas namin ng bahay.  Hinatid ko na siya sa school kasama si nanay Esing na siyang katulong ko sa pag-aalaga kay Bliss. Agad na din akong nagpalit ng kasuotan at nagbihis lalaki. Parte ito ng trabaho ko. Mula sa pagkatao ni Felicity Xuan ay ako na ngayon si Felix. Isa akong myembro ng underground society kaya kailangan kong itago ang totoong pagkatao ko para sa kapakanan ng anak ko. Paano at bakit nga ba ako nasali sa underground society? Simple lang naman.  Una, gusto kong ipaghiganti ang pamilya ko. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkawala nila na hindi magawa ng batas. Pangalawa, ang trabaho kong ito ang siyang dahilan kung bakit namumuhay kami ngayon ng matiwasay. Pangatlo, ang underground society ang kumupkop sa akin nang maulila ako. Parang pangalawa ko din silang pamilya. Ngunit muli, para sa kapakanan ni Bliss ay titigil na ako. Kakalimutan ko ang lahat para kay Bliss. Ito na ang huling araw ko sa trabahong ito. "Ito ang subject mo ngayon Felicity." Ani Mr.Wong na siyang namumuno sa cluster namin tsaka inabot sa akin ang isang litrato. Litrato lang naman ito ng isang medyo may edad ng lalaki. "Siya si Arthur Saavedra. Isang mayamang negosyante na siyang nangunguna pagdating sa p**********n. You have to kill him at hindi ka pwedeng pumalpak." "Saan ko siya makikita?" I asked. "Mamayang gabi ay makikita mo siya sa isang casino na lagi niyang pinupuntahan at 'yon na ang pagkakataon mo." Saad ni Mr.Wong. "Sige Mr.Wong. Ako na ang bahala sa isang 'to." Giit ko naman tsaka umalis na.  Marami na akong natapos na tasks kaya madali lang para sa akin 'to.  Bago pa man sumapit ang gabi ay nakapwesto na ako sa tapat ng building kung saan 'yong casino. Nandito ako ngayon sa rooftop at inaabangan ang pagdating ni Arthur Saavedra. Gamit ng sniper ay kitang kita ko mula dito ang bawat taong pumapasok at lumalabas sa loob ng casino.  Bilang na bilang ko na ang guwardiyang nakapalibot sa casino. Mukhang hindi naman ako magkaka-problema dito.  To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD