K2

1114 Words
*BANG* Saktong tumama sa ulo ni Arthur Saavedra 'yong tira ko. Isang bala lang ang pinakawalan ko ngunit kitang kita ko na dalawa ang tumama dito. Isa sa dibdib at isa sa ulo nito.  Kasabay nang pagbagsak ni Arthur ay nagkagulo na din ang mga tao sa loob at labas ng Casino.  Maliban sa akin ay natitiyak kong may isang pang sniper sa paligid. Hindi lamang ako ang nandirito. Ngunit sino naman kaya siya? Mabilis akong bumaba ng rooftop bago pa man nila ako mahuli ngunit sa kalagitnaan ng building ay biglang may humarang sa akin.  May takip ang kanyang mukha at alam kong hindi siya kabilang sa mga guwardiya ng Casino. "Sino ka?" I asked. "Mahalaga pa ba 'yon?" Tugon nito tsaka ako sinugod.  Mabuti nalang ay mabilis ang kamay ko at bago pa man siya makalapit sa akin ay nauna nang dumapo ang kutsilyo sa leeg niya.  Tinanggal ko ang takip nito sa mukha. Hindi ko siya kilala ngunit kilala ko ang markang nasa leeg niya. Isa siyang miyembro ng isang g**g. Ang Pentagon. Bago pa man nila ako mahuli ay tuluyan na akong nakababa ng building at kaagad na nagpalit ng damit at nagbihis babae naman. Paalis na ako gamit ang motor ko nang may isang taong pamilyar sa akin ang sumagi sa paningin ko. "Papa?" I muttered to myself.  Instead na umalis ako sa lugar ay kaagad akong bumaba ng motor at sinundan 'yong taong nakita ko na kamukha ng aking ama ngunit bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko.  Saan na 'yon? Saan siya napunta? Nagpalinga linga ako sa magulong paligid hanggang sa maramdaman kong may kung anong bagay na tumurok sa balikat ko.  Napalingon ako. Ngunit sa isang iglap ay bigla nalang akong nahilo at nakaramdam ng matinding antok.  SOMEONE'S POV "Master, nandito na po 'yong sniper na pumaslang kay Mr.Saavedra." ani ng isa sa mga nanilbihan sa akin. "Sige, dalhin niyo siya sa basement. Tawagin niyo nalang ako kapag gising na siya." Tugon ko habang nakatalikod parin ako sa kanila. Ano kaya ang motibo niya? Bakit niya pinatay si Mr.Saavedra na isa sa mga shareholder ng Casino. Natitiyak kong may connection dito ang Pentagon. FELICITY'S POV Nagising ako nang nakagapos ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa silya. Ano 'to? Nasaan ako? "Mabuti naman at gising kana." Isang boses ng lalaki ang nagsalita. "Sino ka?" I asked. "Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan. Anyway, welcome to the Heaven's Gate." Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. He-heaven's gate? Ang isa sa pinakasikat na g**g na kalaban ng Pentagon. "Ano ang motibo mo? At sino ang nag-utos sa'yo na gawin 'yon?" Sa pagkakataon ito ay humarap sa akin 'yong lalaki na may nanlilisik na mga mata. Parang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. "Wala akong sasabihin sa inyo!" Tugon ko. "Ipinadala ka ba ng Pentagon?" He asked again. "Hindi ko alam ang sinsabi niyo! Wala akong anumang ugnayan sa kanila!" Giit kong muli. "Kung hindi ka galing sa Pentagon ay sino ang nag-utos sa'yo na paslangin ang isa sa mga shareholder ng Casino ng Heaven's gate?" Muling nanlisik ang mga mata nito.  "Wala kayong mapapala sa akin." I replied. "Okay. Madali naman akong kausap." He snapped at agad namang nagsilapit ang mga lalaking nakaitim at armado. "Ano 'yon master?" Tanong nang isa. Master? Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang g**g Master ng Heaven's Gate. "Kill her." Utos nito tsaka tuluyan nang umalis. Sa isang pilantik lamang ng kanyang daliri ay mabilis na kumikilos ang mga bata niya ngunit nagkakamali siya sa akin. *Bang, bang* Sunod sunod ang dalawang putok ng b***l ang umalingawngaw para sa dalawang tao na parehong sakto sa noo ang tama. Kailangan ko nang umalis dito bago pa man ako tuluyang mahuli ulit ng master nila. SOMEONE'S POV "Master! Paumanhin ngunit nakatakas po ang babaeng sniper at naubos lahat ng bantay sa basement." I gripped. "Then what are you waiting for? Hanapin niyo siya ngayon din!" I shouted out at kaagad din naman silang kumilos. Kung nagawa niyang takasan ang mga bantay ko sa basement, ibig sabihin ay hindi lang siya basta killer. Isang siyang professional killer. Curiosity hits me now. Gano'n pa man, I am Laures Calib Jacinto. I'm the g**g Master of Heaven's Gate at hindi siya makakatakas sa kamay ko. FELICITY'S POV "Mommy!" Salubong sa akin ni Bliss. "Oh? Ba't gising kapa? Anong oras na ah!" Giit ko. "Inaantay kasi kita mommy." Sabay pa-cute nito. "Okay, so now that I'm already here ay matulog ka na din. Hindi ba't may pasok ka pa tomorrow sa school?" Binuhat ko na siya at ipinasok sa kwarto. May sarili na siyang kwarto pero sa ngayon ay tabi muna kami matulog at buong araw kaming hindi magkasama. "Good night mommy... I love you." Sambit niya. "Good night Son. I love you too." I replied tsaka ko ito hinalikan sa noo. Alam kong sa oras na ito ay pinaghahanap na ako ng Heaven's Gate. I leave no trace kaya sana lang ay hindi nila ako matunton at huwag nang madamay si Bliss. Pagkatapos ng araw na ito ay hindi na din ako kasapi sa underground society kaya sana nga magiging maayos din ang lahat. Hindi sana ako pumalpak ngayong araw kung hindi dahil kay papa. Saan kaya siya nagpunta at bigla nalang siyang naglaho? Napailing ako. Ang mabuti pa siguro ay wag ko na siyang isipin pa. Habang natutulog na si Bliss nang mahimbing ay pinagmasdan ko itong maiigi at hindi ko alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mukha ng g**g Master ng Heaven's Gate. Kinabukasan... Late na ako nagising at si nanay Esing na ang naghanda ng lahat para sa pagpasok ni Bliss sa school. Mabuti nalang at ginising ako ni Bliss para magpahatid sa school. Kaya agad din naman akong kumilos. We're on our way to school nang biglang may humarang na kotse sa daraanan namin. Parang ganito rin ang nangyari sa akin seven years ago kung saan namatay ang buong pamilya ko. "Nanay Esing, dito lang kayo sa loob ng kotse ni Bliss. Wag na wag kayong lalabas." I warned. Lumabas ako ng kotse at hinarap 'yong mga kalalakihan na naglakas loob na harangin kami. Marahil ay pinadala sila ng Heaven's Gate. Paano nila ako natunton? Bago pa man nila mapa-putok 'yong mga b***l na hawak nila ay nabalian na muna silang lahat ng kamay sa akin. Hanggat maaari ay ayokong pumatay  harap ng anak ko kaya naman puro bali lang ang natamo nila mula sa akin. Agad akong bumalik sa loob ng kotse nang paglingon ko ay-- Wala na si Nanay Esing at Bliss. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD