K3

1018 Words
FELICITY "Mr.Wong dinukot ng Heaven's Gate 'yong anak ko. What should I do now?" I asked. Bilang Ina ay kanina pa dapat ako natataranta ngunit hindi pwede. Kailangan kong tibayan ang loob ko. Kailangan kong kumalma para makaisip ako ng paraan para mailigtas ko ang anak ko. "Hindi ka pwedeng basta-bastang sumugod sa Heaven's Gate Felicity. Alam mo kung gaano kalawak ang g**g na 'yon. Marami silang galamay at malamang sa puntong ito ay inaasahan na nila ang pagsugod mo. Hindi kana makakalabas doon sa oras  sumugod ka ngayon." Ani ni Mr.Wong. "Iyon na nga Mr.Wong. Pero paano naman si Bliss?" Giit kong muli. "Hindi nila sasaktan ang anak mo dahil gagamitin pa nila ito bilang pain sa'yo." Tugon nito. "So anong pwede kong gawin ngayon?" Tanong ko at alam kong si Mr.Wong ang makakatulong sa akin sa ganitong pagkakataon pagkat marami na siyang alam na taktika sa pakikipaglaban. "Nakita na nila ang totoong anyo mo kaya hindi ka pwedeng pumunta doon bilang si Felicity. At this point, kasalukuyang naghahanap ng bagong butlers ang Heaven's Gate at 'yon lamang nakikita kong pagkakataon mo para makapasok sa loob bilang si Felix ngunit mag-ingat ka nang mabuti dahil baka makilala ka nila." Napatango ako. "Salamat Mr.Wong." Saad ko tsaka tumalikod na. Bliss, antayin mo si Mommy. LAURES CALIB "Master! Hindi po namin nahuli 'yong babaeng sniper." Balita sa akin ng isa sa mga butler ko. Napahinto ako sa pagtugtog ng piano ko at napahawak sa b***l na nasa tabi ko. *BANG* Isang putok, isang butler ang bumulagta sa sahig. "Isang babae lang hindi niyo pa mahuli-huli?" Giit ko. "Master, 'yong anak at katulong niya lang po ang nahuli namin." Sabi ng isa pang butler na halatang natatakot na barilin ko. "Linisin niyo ang kalat at iharap niyo sa akin 'yong anak niya." Utos ko at mabilis naman silang kumilos. "Let me goooo!" Isang batang lalaki na nagpupumiglas ang tumambad sa paningin ko. "Master, nandito na po ang anak niyo este anak ng babaeng sniper." Giit ni Zayne na pinagkakatiwalaan ko at head ng butlers ng buong Heaven's Gate. Tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin at napatingin sa bata. I'm a bit speechless for a few moment at napatingin ulit kay Zayne and he just gave me a 'sabi-ko-sa'yo-look. Itong batang ito, bakit parang nakikita ko sa kanya ang image ko noong bata pa ako? "What's your name?" I asked. "My name is Bliss Xuan at sino ka naman?" Pagbalik niya ng tanong sa akin. "Don't you dare to ask my name kid. Are you not afraid that I might kill you?" Giit ko at hinawakan ko ito sa chin. "I'm not afraid because I know you still need me to catch my mom." He answered confidently. "Where's your mom?" Tanong kong muli. "Why would I tell you? Hanapin niyo siya kung kaya niyo." This kid is a smart one. "Don't such a foolish kid or else I'll kill your nanny." Banta ko ngunit hindi ko man lang ito nakitaan ng takot. "Hey Mister! If you would do that, my mom will probably kill you as well." How dare this kid to call me MISTER where everyone's calling me a MASTER. "Put him away from me!" Utos ko at agad nilang inalis sa paningin ko 'yong pilosopo at sutil na bata. "Zayne, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" I asked at tumango naman ito. "Of course Master. Naibalik na sa dating bilang ang butlers ng Heaven's Gate." Saad pa niya. "Gusto kong makita 'yong mga butler na sinasabi mo at baka mamaya ay kasing lambot lang din sila ng basang papel." Giit ko. FELICITY Kasama ang iba pang bagong butler ay nandito kami ngayon sa malawak nilang harden at nakatayo kami na tila ba mga sundalo. Darating daw ang master ng Heaven's Gate upang suriin kami. "Magandang araw sa'yo Master!" Sabay sabay naming sabi pagdating niya. Habang naglalakad siya at tila ba binubusisi ang bawat isa sa amin ay lumalakas ang kalabog ng puso ko. Katapusan ko na kapag nakilala niya ako. *dugdug...* Halos mabingi ako sa lakas ng kalabog ng puso ko nang huminto siya mismo sa harapan ko at biglang kwinelyuhan ako. Hindi kaya... nakilala niya ako? "Ikaw ang tanging pinaka-maliit dito. Sigurado ka bang kaya mo?" He asked. "Opo Master!" Tugon ko habang binabago ko ang boses ko. "Anong pangalan mo?" He asked again. "Ako po si Felix Master!" Tugon kong muli. "Sige, patunayan mo sa akin. Ipag-drive mo ako." Saad niya tsaka hinagis sa akin 'yong susi ng kotse. Ano daw? Ipag-drive siya? Ang dali naman. Pero teka, kailangan talasan ko ang mga mata ko dahil baka nandito lang sa loob ng bahay na'to si Bliss. "Saan po tayo pupunta Master?" Tanong ko. "Just follow the map." He answered coldly. Kung noong nakaraan ay nanlilisik ang mga mata niya, ngayon naman ay halos kulang nalang ay magyelo ang bawat matapunan ng tingin niya. Kamusta na kaya si Bliss? Sana nga ay hindi siya sinasaktan. Oh my gosh! Watch out Elay! May kalaban... Agad akong lumabas ng kotse at matapang na hinarap 'yong killer na nagbibihis Ninja. Para kay Bliss kakayanin ko 'to. *Bang, bang!* Dalawang putok ang pinakawlan ko ngunit mabilis na nakailag 'yong ninja at bigla nalang sumulpot sa harapan ko tsaka ako sinunggaban ng espada na pakiramdam ay kaya akong tibagin sa isang hataw lang dahil sa sobrang talim nito. Mabuti nalang at hindi ako natamaan. Patuloy ako sa pagpakawala ng putok nang biglang naputol 'yong hawak kong b***l dahil tinamaan ito ng espada niya. Pwes! Ipapatikim ko sa kanya ang galing ko sa Kung Fu. Mabilis siya ngunit mas mabilis ako kaya naman sa huli ay ang sarili niyang espada ang kumitil sa buhay niya. Teka, bakit parang kanina pang may nakatitig sa akin? Crap! Parang kanina pa nga ako pinagmamasdan ni Calib Jacinto. And damn! Hindi man lang siya gumalaw at nanatiling nakaupo kahit nanganganib na ang buhay niya. Kaagad akong bumalik sa loob ng kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. Saan kaya kami pupunta? Makikita ko kaya doon si Bliss? Miss ko na 'yong anak ko. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD