Halos ilang araw na rin siyang binabantayan ni Elliot at hindi talaga ito pumapayag na naiiwanan siyang mag-isa. Kahit kapag magdi-dinner ay magkakasama silang tatlo nina Roxanne. Hindi nga niya alam kung siya ba talaga ang third wheel o ito. "Elliot, baka pwede naman akong mag-ikot sa mall? Naiinip na kasi ako rito," maktol niya rito habang pinaglalaruan niya ang buhok niya at nakaupo sa may sofa sa loob ng opisina nito. "Later, sasamahan na lang kita," sagot nito at ni hindi man lamang siya nilingon. "Can I just go alone?" seryoso rin na tanong niya. Bigla naman may kumatok kaya natigil ang usapan nila at pumasok si Roxanne kaya mabilis na napaikot ang bilog ng mga mata niya. As usual, panay din ang pasok nito sa opisina ni Elliot kahit hindi naman kailangan. Nagpapapansin dahil tak

