bc

Her Nerd Ex-Deal-SPG

book_age18+
5.4K
FOLLOW
28.7K
READ
billionaire
revenge
sex
arrogant
badgirl
dare to love and hate
drama
bxg
nerd
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Paano kung bigla mong kailanganin ang tulong ng lalaking sinaktan, ikinahiya at minaliit mo noon? Are you ready to face his revenge? Paano kung hilingin niya sa iyong papangitin ang sarili mo at magdamit bilang isang nerd at maging sunod-sunuran sa lahat ng mga gusto nito? Gagawin mo ba alang-alang sa malaking pabor na hinihiling mo sa kan'ya? Or you will still remained as the high, sofisticated, elegant and beautiful Madisson Silva na takot maging pangit at mahirap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hey, what are you going to do with Elliot?" tanong ni Rox isa sa mga kaibigan niya sa University. "What do you want me to do with him?" Taas kilay na tanong niya rito. Simula kasi kahapon ay hindi na siya tinatantanan ng mga kaibigan niya dahil excited ang mga ito sa gagawin niya kay Elliot. If you were going to ask who is Elliot, he is the smarty nerdy boy here in their University. Lagi niya itong napapansin o nahuhuli na nakatingin sa kan'ya ang it scared the hell out of her. He doesn't look that ugly but duh. Is he expecting her to like him too? Ang tulad nito ay hindi nababagay sa kagaya niyang ipinanganak na mayaman, maganda, matalino. She is almost perfect at hindi sa kagaya lang ni Elliot Lennox siya mapupunta. "Hey, Madi! Elliot is coming," anunsiyo sa kan'ya ni Rox. Kaagad naman siyang napangiti at mabilis itong nilapitan. "Hi!" Nakangiting bati niya rito. "A-Ah, hi!" nauutal na sagot nito at hindi makatingin sa kan'ya ng maayos. "You are Elliot, right?" Ngising tanong pa rin niya rito. Bahagya naman itong tumango at hindi pa rin makatingin sa kan'ya ng maayos dahilan para lihim siyang mapaismid. Such a pity nerd boy. "Uhm, I am so hungry kasi. Can you join me for lunch, please?" Malawak na ngiti pa niya rito. Kita naman niyang mabilis na napatingin sa kaibigan niyang si Rox si Elliot. "Ah, may gagawin pa kasi si Rox ngayon. Hindi ba Rox?" Nanlalaki ang mga matang tingin niya rito. "What? I don't--" Pero mabilis na niyang tinapakan ang isang paa nito bago pa nito matapos ang sasabihin. Kahit kailan talaga ay napakabobo nitong si Rox. Sa kanila kasing magkakaibigan ay siya lang ang pinakamatalino. "Ah oo nga pala. Yeah, mauuna na ako, Madi. Bye!" At mabilis na itong naglakad paalis. Mabilis naman siyang napalingon kay Elliot habang nakangiti. "So let's go?" "Uhm, ano kasi e. Ah--" At napakamot ito sa may ulo nito. Lihim ulit siyang napaismid dito. I know that he would say that he doesn't have any money. Alam naman niya na mahirap lang ito and it was a major turned off for her. Takot na takot kasi siyang maghirap. She loves money, she loves shopping, she loves travelling and she can't afford to lose her status. "Don't worry, my treat." Ngising sabi pa rin niya rito. "No. I have money," seryosong sabi nito na nakapagpatigil sa kan'ya. Bakit tila may kakaiba sa mga mata nito? Pero mabilis din niyang ipinilig ang ulo bago tuluyang ngumiti. "Okay!" At mabilis na itong hinila sa labas ng University at dumiretso sa paborito niyang cafe. "Let's order." Nigti niya rito at tinawag na ang waiter para humiram ng menu. Ilang minuto lang ay bumalik na ang waiter at iniabot na sa kanila ang menu. Kita naman niyang natigilan at tila pinagpawisan ng malapot si Elliot nang mabasa nito ang mga presyo ng mga pagkain dito. "Are you okay?" Taas kilay na tanong niya rito. Mabilis naman itong tumango at pinunasan ang noo nito gamit ang puting panyo na hawak nito. "I can treat you instead if you want. Alam ko naman na wala kang pera," diretsang sabi niya rito. "Hindi, ako ang lalaki kaya ako ang magbabayad. Sige na mag-order ka na." Matigas na sabi nito at bumalik na ulit ang paningin nito sa menu na binabasa nito. Mabilis naman siyang natigilan at napatitig dito. Why she has a feeling na kakaiba itong si Elliot? He is a nerd, yes. But something is really strange, may kakaibang appeal ito na hindi maitatanggi kahit hindi naman ito kagwapuhan. "Okay ka lang ba?" biglang tanong nito dahilan para mapaayos siya ng upo. "Y-Yes, of course," bakit ba siya nauutal? Kinikilig ba siya kay Elliot? No way, Madi! Kastigo niya sa sarili. Pagkatapos ng ilang segundo ay dumating na rin ang order nila pero nagtaka siya dahil tanging tubig lang ang order nito. "Wait, are you not hungry?" Kunot-noong tanong niya rito. "Okay lang ako, kainin mo na iyang pagkain mo," seryoso pa rin na sabi nito. "Tila nakaramdam naman siya ng kaunting pitik ng konsensiya. Alam naman niya kung gaano kahirap ang lalaki. "Huwag mo akong kaawaan. Yes, hindi kami mayaman. At ang totoo niyan, halos isang buwan ko ng allowance iyang pambili ng order mo pero okay lang. Ako ang lalaki kaya hindi ako papayag na pagastusin ka," seryosong titig nito sa mga mata niya. This is the very first time na nakaramdam siya ng paghanga sa isang lalaki. At ang pinakamatindi, sa isang mahirap na nerd pa. Pagkatapos niyon ay bumalik na naman ito sa pagiging tahimik. "Ah, Miss Madi, tapos ka na ba?" biglang tanong nito pagkaraan ng isang oras. "Why?" Taas kilay na tanong niya. "Kailangan ko na kasing umuwi. Tutulungan ko pa ang nanay ko sa pagtitinda sa may kanto. Saan ka ba umuuwi? Hatid na kita," seryosong sabi nito na nakapagpaismid sa kan'ya. "Hahatid mo ako?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Mabilis naman itong tumango. "Yes." "Do you have a car? Paano mo ko ihahatid? Isasakay mo ba ako sa tricycle or sa jeep?" tila nandidiring tanong niya rito. Mabilis naman itong natigilan at napayuko. "Oo nga pala, hindi ka isang ordinaryong babae lang." "Hey, Madi!" Biglang bati ng kadarating na si Reiner sa kanila bago pa siya tuluyang makasagot. Bigla naman itong napatingin kay Elliot at biglang napangisi. "Who's this, Mads? Ganito na ba ang mga type mo ngayon?" Sabay tawa nito ng nakakaloko. "May sasakyan ka ba?" biglang tanong ni Elliot dito na nakapagpatigil sa kan'ya. Kita rin niya ang pagtataka sa mukha ni Reiner. "Yes, why? I don't have any plan on taking you home, bro," tila nandidiring sabi pa ni Reiner dito. "Pwede bang ihatid mo si Miss Madi para sa akin? Kailangan ko na kasing umalis. Ingatan mo sana siya pauwi." Pagkatapos ay sumulyap sa kan'ya. "Mauna na ako." At mabilis na siya nitong tinalikuran at naglakad papunta sa may cashier pagkatapos ay dire-diretso na itong lumabas ng cafe. "What a nerd!" Ngising sabi ni Reiner. "So mads, let's go?" Bigla naman siyang napangisi at mabilis na kinuha ang Dior bag niya. "let's go your ass!" At mabilis na tumalikod para iwanan ito. Mabilis naman niyang kinuha ang mamahalin niyang cellphone para tawagan ang driver niya. "Hello, Froilan. Sunduin mo na ako ngayon dito sa may cafe, dalian mo!" At mabilis nang pinatay ang tawag. Inis na inayos niya ang buhok niya habang inip na naghihintay. How dare that nerd to leave her alone kasama ng mahangin at feeling gwapo na Reiner na iyon. Ilang sandali lang ay dumating na si Froilan kaya mabilis itong bumaba at pinagbuksan siya nito ng pintuan sa may backseat. "Ang tagal mo!" Inis na sabi niya rito bago tuluyang sagutin ang nagriring na cellphone at iharap ang mukha sa may camera. "Hey, Madi! Kwentuhan mo naman kami," Nakangising tanong ni Dorothy, isa sa mga kaibigan niya. Naka-group videocall kasi sila sa may Messenger. "The nerve of that nerd!" At mabilis na ipinaikot ang mga mata niya. "Why? What happened?" seryosong tanong ni Rox. "Bigla ba naman akong iniwan kay Reiner at gusto akong ipahatid?! Damn him, ano bang akala niya? Na may gusto ako sa kan'ya? Kung hindi lang nga dahil sa dare niyo sa akin ay hinding-hindi ko papansinin ang mahirap na nerd na iyon. He's not even that handsome in the first place!" nanggagalaiting sabi niya sa mga ito. Mabilis naman na napangiti ang mga ito. "Oh my! Si Madisson Silva? Bigla na lang iniwanan? Damn girl! Kakaiba ang nerd na iyon ha?" alaska pa sa kan'ya ni Rox. "Shut up, Rox!" inis na sabi niya. "Looks like you're gonna failed this time, Madi," Ngisi pa sa kan'ya ni Dorothy. "What?! Hell no, Dorothy! Hindi ang isang Elliot lang ang magpapabago ng status ko sa University. Just look girls, in no time. Elliot and I will be officially a couple." Ngisi niya sa mga ito bago mabilis na pinatay ang tawag. Kinabukasan ay sinadya niyang magsuot ng mas sexy'ng damit at magpaganda pa lalo kahit na ang totoo, she doesn't need to do that because she is a inborn queen. Nang makita niya si Elliot sa may gate ay mabilis niya itong tinawag at ngumiti. "Hi!" "Hi," nahihiyang sagot nito. "I just forgot to ask for your cellphone number yesterday. Hindi tuloy kita matawagan," kunwari ay malungkot na sabi niya rito. "Uhm, wala kasi akong cellphone," nahihiyang sabi nito. Mabilis naman siyang napakunot noo. Really? Is he telling the truth or he is just avoiding her? Nag-eexist pa ba sa panahon ngayon ang mga taong walang cellphone? Mukhang pinapahirapan siya ng dukhang nerd na ito. Nakakabwiset! "Pero kung gusto mo ay ako na lang ang kukuha ng number mo, makikitawag na lang--" "No need," putol niya sa sinasabi nito. "Nagkikita naman tayo rito sa school so I guess no need for chitchats. At isa pa, baka mapagastos ka pa sa load na gagamitin mo." Taas kilay na sabi niya rito. Kita naman niyang lalo itong nahiya at napayuko pa. "Meet me later at 2pm sa may gilid ng gymnasium, I have something to tell you." At mabilis na siyang tumalikod dito. She needs to end the dare, naalibadbaran na siya kay Elliot. For goodness sake, gaano ba kahirap ang pamilya nito? I bet hindi nakakakain ang mga ito ng tatlong beses sa isang araw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook