Chapter 2

1532 Words
It's already 2:01 in the afternoon at wala pa ang nerd na si Elliot. The nerve of that man! Talagang ang beauy niya pa ang paghihintayin nito?! Malapit na siyang maubusan ng pasensiya pero kailangan niyang magtiis para sa reputation niya sa mga kaibigan niya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga ito? Ilang sandali pa at kita niya ang hinihingal na si Elliot. As usual, mukha pa rin itong basahan sa itsura nito. Palibhasa walang pera. "Sorry kung na-late ko, marami pa kasi akong ginawang--" "I like you," putol niya sa sinasabi nito dahilan para mapamaang ito. "H-Ha?" Nakaawang ang bibig tanong nito na tila gusto pang tumulo ng laway. Akala ba niya ay matalino ito? Bakit hindi nito naintindihan ang sinabi niya? "I said, I like you. I want to be your girlfriend," seryosong sabi niya rito. Gusto na kasi niyang matapos ang deal na iyon. Kailangan kasi ay maging boyfriend niya ito sa loob ng dalawang linggo. "S-Seryoso ka ba?" nagugulat pa rin na tanong nito. "Mukha ba akong nagbibiro ha, Elliot? Just tell me if you don't--" "I like you..so much," seryosong titig nito sa mga mata niya dahilan para siya naman ang mapatigil at mapamaang. Bakit kung tignan siya nito ay tila totoong-totoo ang sinasabi nito? Hindi niya maintindihan pero bigla na lamang parang kumabog ang puso niya. "Madisson?" agaw nito ng pansin niya nang hindi pa rin siya magsalita pagkaraan ng isang minuto. "Ah? Yeah, then that's it. It's official, we are in a relationship," ngisi niya rito para mawala ang kaba niya kahit ang totoo ay gusto niyang pagpawisan. "Sigurado ka na ba sa akin? Hindi kami mayaman, hindi ako gwapo---" "Stop right there." Taas kilay na sabi niya. Kita naman niyang napakunot noo ito. "Are you saying that I am blind? Yes, I know that you are not rich and handsome, hindi ka rin mabango, hindi ka rin attractive, hindi ka marunong magdala ng damit, pero alam ko na matalino ka so I like you," diretsong sabi niya rito. "Hindi kita maililibre sa mga mahahaling restaurant, hindi ko mabibili ang mga gusto mo," malungkot na sabi nito na tila hiyang-hiya ito sa sarili nito. Lalo naman napataas ang kilay niya. Atleast, he is honest. "There is no problem with that. Kaya kong bilhin lahat ng gustuhin ko," seryosong sabi niya rito. "I really like you Madisson, pero ang gusto ko ay pormal akong manligaw sa bahay niyo," sabi pa nito na nakapagpatigil sa kan'ya. Masyado na yata itong lumalayo. She don't have any plan na seryosohin ito. At lalong-lalo ng hindi matutuwa ang mommy niya kapag nalaman nitong nakikipagmabutihan siya sa isang kagaya lang ni Elliot. "Oh! That is okay, my mom is not here. She is in a business trip abroad. And I am sure she don't mind. Hindi naman tumitingin sa social status ang mom ko," alanganing ngiti niya rito. Of course that is not true. Mahalaga para sa mommy niya ang estado ng isang tao lalong-lalo na sa lalaking mapapangasawa niya. Nakita naman niya ang biglang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Elliot. Kitang-kita niya ang kagalakan sa mukha nito at tila nakahinga ito ng maluwag. Nang biglang tumunog ang buzzer hudyat ng last class niya ay mabilis siyang nagpaalam dito. "I am sorry but I need to go, male-late na kasi ako sa class ko. See you!" At mabilis na siyang tumalikod dito bago pa ito makapagsalita at napairap. "Nerd," mahinang bulong niya. Nang makapasok sa room niya ay mabilis na lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan niya habang nakangisi. "So, what happened?" Excited na tanong ni Rox sa kan'ya. Mabilis naman siyang napangisi at napataas kilay sa mga ito. "I told you, walang kahirap-hirap. We are officially dating." "You mean, kayo na?" biglang singit ni Dorothy. Ngumisi lang siya rito at tumango. "Ibang klase ka talaga Madi, idol talaga kita!" Exaggerated na sabi pa ni Rox habang napapitik. Napangisi lang siya rito at bahagyang umiling. "You know me girls, I am not a Silva for nothing." At lalong lumaki ang ngisi niya. "Ano ng plano mo niyan?" seryosong tanong ni Dorothy. "Ano pa ba? Edi paiikutin ko siya sa mga palad ko for a month. Ang sarap pa namang gawing laruan ng nerd na iyon. And I know, walang palag iyon kahit na anong gawin ko sa kan'ya." "Galing mo talaga, Madi!" At nakikipag-apir pa sa kan'ya si Rox pero hindi niya ito pinansin. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang prof nila kaya nagsiupo na ang mga ito sa mga kan'ya-kan'yang upuan. Kinabukasan ay halos alas-otso na ng umaga nang makarating sila ng University. 8:15am ang klase niya kaya may oras pa naman siya. Napataas ang kilay niya nang makita niya si Elliot sa labas ng gate habang may hawak itong isang pirasong bulaklak. Mukhang hinihintay siya nito. "Froi, dito na lang ako," biglang sabi niya sa may driver niya. Ang balak niya sana ay lampasan na lamang ito at magkunwaring hindi ito nakita tutal ay wala naman itong kamalay-malay na siya ang nasa loob ng sasakyan pero biglang nagbago ang isip niya. Mabilis naman na hininto nito ang sasakyan at mabilis itong bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Ni hindi na niya nakuhang magpasalamat dito at taas noong naglakad. Nang makita siya ni Elliot ay biglang lumiwanag ang mukha nito. "Good morning, nandito ka na pala." Nakangiting bati nito sa kan'ya. Bago niya makuhang sumagot ay napabaling siya sa paligid dahil dinig niya ang mga nagbubulungan. Sila ba? Wala na bang taste ngayon si Madi? Yuck! Pumatol siya sa poor. Sinamaan lamang niya ng tingin ang mga ito at mabilis ang mga itong napayuko. No one will dare to mess up with her. Malakas ang impluwensiya ng mommy niya rito sa may University kaya walang sinuman ang pwedeng umaway sa kan'ya. Siya lang ay may karapatang gumawa ng gulo. "What is that?" Turo niya sa mga dala nito. "Ah oo nga pala. Binilhan kita ng bulaklak at tsokolate." Sabay abot dito ng isang piraso ng pulang bulaklak at malaking choco mucho. "Pasensiya ka na kung iyan lang ang nakayanan--" "Bakit nag-abala ka pa? Sana ay ipinangbaon mo na lamang ang pera mo," seryosong sabi niya rito. "Hindi mo ba nagustuhan?" parang nalulungkot na sabi nito. Gusto sana niyang sabihin ditong natural hindi, it is her first time to received such a cheap gifts. Nang hindi siya kaagad nakasagot ay muli itong nagsalita. "Huwag kang mag-alala, may tinanggap akong tutor makakapag-ipon ako para mai-date kita sa mamahaling--" "You don't have to. Marami akong pera, ako na lamang ang manlilibre sa iyo." At nagsimula na siyang naglakad papasok sa may gate. "No. Ayoko." Mabilis naman siyang natigilan at napahinto dahil dito. Napakunot siyang tumitig dito. "What do you mean?" "Ayaw na ayaw kong gagastusan mo ako Ms. Madi, ako ang lalaki at makakagawa ako ng paraan." Titig nito sa mga mata niya. Magproprotesta pa sana siya pero mas pinili na lamang niyang huwag na. "It's time. Kailangan ko ng magmadali," iyon na lamang ang nasabi niya. "Hatid na kita sa room--" "No! I am good," mabilis na tanggi niya. Ayaw niyang ipaalam sa mga tao na mag-boyfriend kuno sila. "Ikinahihiya mo ba ako?" seryosong tanong nito. Mabilis siyang napakunot-noo. Mabuti at napigilan niya ang sarili niya dahil gusto niyang isigaw sa mukha nito ang malaking oo. "Of course not, ayoko lang na malaman ni Mom na may boyfriend na ako. Nangako kasi ako sa kan'ya na hindi magbo-boyfriend until I finished my course," seryosong sabi niya and atleast that is true. Hindi man siya ganap na binawalan ay siya mismo ang kusang nangako rito. Ayaw niyang ma-dissappoint ang mom niya dahil ito na lamang ang kasama niya. Her father left her when she was still a child. Marahan naman itong ngumiti at tumango. "Okay. Naiintindihan ko. Sige na, late ka na. Mag-iingat ka." At bahagya pa itong kumaway sa kan'ya. Marahan siyang natigilan. He maybe look like a nerd but he don't act like one. The way he speak, the way he look at her is different. Lalaking-lalaki itong umasta. Nang marahan siya nitong tapikin ay tiyaka lamang siya napakurap. Damn! Bakit ba ilang beses na siyang natitigilan dito? "Yeah, bye!" At mabilis na siyang naglakad papalayo habang hawak niya ang puso niyang tila kumakabog. Nang makarating sa may classroom ay kita niyang tila nakaabang na sina Rox at Dorothy sa kan'ya. At nang makita nila ang hawak niyang bulaklak at chocolate ay napangisi ang mga ito. "Uy! Ang sweet naman pala niyang nerd mong boyfriend. May pa-flowers at chocolate pa! Sana all!" Nang-iinis na sabi ni Dorothy habang nakangisi. Inis na sinamaan niya lamang ito ng tingin at binalingan si Rox. "Sa iyo na iyan. Itapon mo kung hindi mo gusto." At mabilis na inilapag sa harapan nito ang dala niya. "Wow! Sarap kaya nito. Wala ng bawian ah?" Nakangiting sabi ni Rox at mabilis ng binuklat ang chocolate. Siya naman ay pasandal na umupo at seryoso lang na nakatingin sa may white board. Panaka-naka siyang sumusulyap kay Rox na busy'ng-busy sa pagkain ng choco mucho niya. A part of her want to grab that chocolate. Sa kan'ya iyon e! Inis na bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD