Chapter 3

2004 Words
It's already their lunch break nang maisipan nilang magpunta ng school canteen. Tinatamad siyang lumabas para kumain sa fastfood or cafe kaya rito na lamang siya sa may canteen nag-aya. Mabilis siyang naupo sa may pinakamalamig na pwesto rito sa canteen. Mabuti na lamang at airconditioned dito kaya hindi mainit. "You know what I want." Sabi niya kay Rox sabay abot ng isang malutong na one thousand bill dito. Tanging fried chicken lang kasi ang kinakain niya rito dahil hindi niya bet ang mga cheap na putaheng niluluto rito. Napapairap siya habang napapatingin sa paligid. Napakaingay at ang che-cheap ng itsura ng mga istudyanteng naroroon. No wonder, mga walang pera kaya rito kumakain. Akmang kukunin na lamang niya ang phone niya nang mahagip nang tingin niya si Elliot sa may pinakasulok na bahagi ng canteen. Malapit na nga ito sa daanan papuntang banyo. He is eating with his lunchbox at wala man lang ito ni isang kasama. Nang isubo nito ang kinakain ay kita niyang galunggong lang ang ulam nito. Eew! Sakto naman dumarating si Rox bitbit ang pagkain niya nang sitahin niya ito. "Huwag ka munang umupo. Ibigay mo iyan kay Elliot." Sabay baling ng ulo sa may direksiyon nito. Napakunot-noo naman ito. "Why?" "Huwag ka ng magtanong. Just give it to him." At mabilis niya itong inirapan. Kibit balikat na lamang na sumunod si Rox sa kan'ya. Malaki ang utang na loob ng pamilya nito sa mommy niya dahil ito ang tumulong para maisalba ang kumpanya ng mga ito kaya sunod-sunuran ito sa kan'ya. Habang kinakausap ito ni Rox ay hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito mula sa kan'ya. Nang tumalikod si Rox ay nagulat siya dahil bitbit pa rin nito ang food tray na hawak nito. "Why are you still holding that?" "Ayaw niya e. He can buy on his own daw." Nakangusong sabi nito. "What?!" iritableng sagot niya. Ni hindi nga nito makuhang makabili ng softdrinks or juice nito. Sa inis niya ay mabilis siyang tumayo. "Madi, saan ka pupunta?" tanong ni Dorothy na saktong kadarating lang habang may bitbit ding food tray. Pero hindi niya ito pinansin at diretsong nagpunta sa may direksiyon ni Elliot. "Bakit hindi mo kinuha iyong food na ibinibigay ko sa iyo?" mahinang sita niya rito. Mabilis naman itong napalingon sa kan'ya. Seryoso lang siya nitong tinitigan pagkatapos ay ngumiti. Lalo naman siyang napasimangot dahil sa ginawa nito. "Stop smiling, hindi ka kagwapuhan para ngumiti ng gan'yan. Now, answer my question. Bakit hindi mo kinuha iyong binibigay ko? Are you not sick of eating that smelly fish?" parang may pandidiring sabi niya rito. "Eto ba?" Sabay taas nito ng hawak nitong galunggong. "Iw!" Sabay takip niya ng ilong. Kita naman niyang mapait itong napangiti. "Well, pasensiya ka na. Itong mabahong isda kasi na ito ang bumubuhay sa amin." Mabilis naman siyang natigilan at parang may konting kirot sa puso siyang naramdaman. Since childhood kasi ay hindi pa niya nararanasang kumain ng ganoong klase ng mga pagkain. "That's why I am giving you some foods para maranasan mo namang makakain ng masasarap na pagkain paminsan-minsan," inis na sabi niya. "Pasensiya ka na, pero kagaya nga ng sinabi ko sa iyo, hindi ako tatanggap ng kahit na anong bagay mula sa iyo. Gusto kong maging karapat-dapat na tao para sa iyo," seryosong sabi nito. Inis naman siyang napaismid dito at mabilis na nagmartsa paalis. Hindi na niya nagawang sumagot dahil talagang naiinis siya sa katigasan ng ulo ng nerd na iyon. Nang makabalik sa upuan nila ng mga kaibigan niya ay nakangisi ang mga ito sa kan'ya kaya mabilis niya ang mga itong tinaasan ng kilay. "What's funny?" sita niya sa mga ito. Sabay naman na napailing ang mga ito pagkatapos ay nagsimula ng kumain. Siya naman ay nanggigigil habang hinihiwa ang manok. The nerve of that nerd na ipahiya at tanggihan nito. "Madi, chill. Double dead na iyong manok dahil sa iyo," sita ni Dorothy sa kan'ya. Nang tignan niya ang plato niya ay nagkadurog-durog na nga ito. Sa sobrang inis ay pabagsak niyang binitawan ang kutsara at tinidor na hawak niya at inis na napasandal. Makikita mo Elliot, gagantihan kita! Bulong niya sa sarili bago mabilis na tumayo. "Oh? Where are you going?" takang tanong ni Rox sa kan'ya. "In the library. I lost my appetite." At diretso ng tumalikod sa mga ito. Nang akmang bubuksan na niya ang pintuan nang may mahabang kamay mula sa may likuran niya ang nagbukas niyon para sa kan'ya. "Pwede ka nang dumaan, your highness." Nakangiting sabi ni Timothy. Nang makalabas ay nakangiti ito sa kan'ya. "Bakit ka naman nakasimangot? You look beautiful when you are smiling." Ngiti nito sa kan'ya. Mariin niya lamang itong tinitigan pagkatapos ay napailing. "Bolero." At mabilis na rin niya itong tinalikuran. Timothy Dee is a famous varsity player in their University. Matagal na niyang nababalitaan na nagkakagusto ito sa kan'ya pero hindi naman ito naglalakas ng loob para kausapin siya. Timothy is the best example of a perfect guy. Gwapo ito, mukhang mabait, at higit sa lahat maayos at mayaman ang pamilya nito. Siguradong kung ito ang magiging boyfriend niya ay walang magiging problema sa Mommy niya. Hindi katulad ng nerd na iyon. Nang maalala si Elliot ay lalo lamang kumulo ang dugo niya. Kasalukuyan siyang nasa may library at nag-cecellphone. Hindi naman siya talagang nag-aaral kapag nandito siya kung hindi ay nagpapalamig lang. Ayaw niya kasing tumambay sa labas kung saan nakikita lamang niya ang mga jologs na studyante rito sa may University. Nang mapaangat ang tingin niya ay kita niya si Elliot na kapapasok lang. Mabilis naman niyang napaikot ang dalawang bilog ng mga mata niya. As usual, ano pa nga ba ang gawain ng mga nerd kung hindi ang magpakasubsob sa pag-aaral. Pa-simple niyang sinundan ng tingin ang mga ginagawa nito. Alam biyang hindi siya nito napapansin dahil napansin niyang wala itong hilig sa pagmamasid-masid sa ibang mga bagay. Napaarko ang isang kilay niya nang makita ang librong hawak nito. How to be a successful business? Iyon ang title ng libro na binabasa nito. So, pangarap pala nitong magnegosyo? Napaarko ang isang kilay niya at napangisi. Bilog nga talaga ang mundo. Sila na may kumpanya ay walang hilig sa negosyo, samantalang ito na mukhang malabong maging boss ay nangangarap. Halos mapatingin naman sa kan'ya ang lahat ng biglang tumunog ang ringtone niya. Mabilis niyang pinatay ang tawag at nag-angat ng tingin at halos magulat siya nang nasa may harapan na niya si Elliot. "Ano ka ba!" malakas ang boses na sigaw niya rito. Pero nang balingan siya ng Librarian at taasan ng kilay ay mabilis siyang napaismid at hinila si Elliot paupo sa tabing bakanteng upuan niya. "Sinusundan mo ba ako?" sita niya rito. I know she sounds irritated pero naiinis pa rin siya sa ginawa sa kan'ya nito kanina sa may canteen. Mabilis naman itong umiling. "Hindi, sa totoo lang ay duty ko na mamayang konti rito sa may library. Galit ka ba sa akin?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Oo nga pala, he is working here as a part time student librarian. "Ang gusto ko ay kunin mo lahat ng mga bagay na ibinibigay ko sa iyo," seryosong sabi niya rito. Pero nakatitig lang ito sa kan'ya. "Mag-on na tayo kaya dapat lang na nagbibigayan tayo hindi ba?" she needs to sound sweet and concern para mas madali para sa kan'ya ang mapaikot ito. "Pero ayokong isipin nila na pineperahan lang kita." Halos paikutin nga niya ang bilog ng mga mata niya pero pinigilan niya ang sarili. At ito pa talaga ang mamemera sa kan'ya? Like duh, hindi naman siya tanga para payagan ito. "If you really like me, tatanggapin mo lahat ng mga ibinibigay ko sa iyo. Ayaw mo naman siguro akong magalit hindi ba?" Mabilis naman itong tumango at ngumiti. "Okay good." At mabilis na siyang tumayo at isinukbit ang mamahalin niyang bag. "This saturday, may practice kami. I want you to be there, okay?" Mabilis naman itong napakunot-noo. "Uhm, e kasi tutulungan ko pa ang nanay ko sa pagtitinda tapos may itu-tutor pa ako--" "Mas mahalaga pa ba iyon kesa sa akin?" pagpapa-cute niya rito. Mabilis naman itong natigilan. Habang siya naman ay lihim na napapangisi. "Please, babe?" pagpapa-cute niya, alam kasi niyang bibigay din ito kaagad sa pagpapa-charm niya. Malalim itong napabuntong-hininga. "Sige, pipilitin ko na lamang matapos kami ng maaga." "Okay, good! 3pm sharp sa may gymnasium. See you!" At mabilis na niya itong iniwanan habang nakangisi. Humanda ka sa akin, Elliot. Saturday. Halos labin-limang minuto na lamang bago mag-alas tres pero wala pa rin doon si Elliot. Talagang pinapahiya siya ng nerd na iyon sa mga kaibigan niya. Nakangisi naman si Dorothy nang lapitan siya. "Ano na, Madi? Mukhang kumukupas na ang charm mo." Sabay tawa nito ng nakakaloko. Inis na tinaasan naman niya ito ng isang kilay. "What are you talking about?" "Mukhang palagi ka na lamang binabalewala ng nerd mong boyfriend. Mukhang hindi siya masyadong affected sa iyo. I mean, mukhang sira na talaga ang reputation mo rito." Ngisi pa rin nito. "Said who, Dorothy? I am still the queen here. Hindi pa naman tapos ang oras kaya huwag kang atat," inis na sabi niya rito. Nginisihan lamang siya nito bago tuluyang iniwanan. "b***h," mahinang sabi niya. Alas tres na ng hapon at wala pa rin si Elliot kaya halos umusok na ang ilong niya. "Madi, let's start practicing," tawag sa kan'ya ng coach nila ng cheering squad. Inis na lumapit siya rito. Pero nang mapalingon siya sa may entrance ng gymnasium ay kita niya ang humahangos na si Elliot. Mabilis naman siyang napatingin kay Dorothy pagkatapos ay napangisi. Nagsimula na silang mag-practice habang nakatingin lang mula sa may gilid si Elliot. Makalipas ang isang oras ay nag-water break muna sila. "Elliot, wala kasi iyong water guy namin. Pwedeng ikaw muna ang maging runner namin?" Ngiti niya rito. "Oo naman." Mabilis na sabi nito. "Madi, baka pwedeng magpabili ng merienda sa boy mo?" tanong ng isang kasama niya. Sabay-sabay na nag-oo nga pa ang iba. Mabilis naman siyang napatingin dito. "Is that okay with you?" Bahagya itong nagtigilan pagkatapos ay ngumiti at tumango. "Oo naman." "Okay good. Now, ipalista niyo na lamang sa kan'ya lahat ng gusto niyo," seryosong sabi niya sa mga ito. Ilang sandali pa ay isa-isa ng nagsabi ang mga kasama niya. Habang siya naman ay nakaupo sa may gilid habang nagpapahangin sa electric fan na naroroon. Ilang sandali pa ay umalis na rin Elliot at bumalik pagkaraan ng halos isang oras. Halos tagatak ang pawis nito at kitang-kita ang pagod sa mukha. "Kawawa naman si Elliot," mahinang sabi ni Rox. "At bakit ka naman maaawa sa kan'ya?" "He don't deserve what you are doing to him," seryosong sabi nito kaya napaangat ang isang kilay niya. "Don't tell me you like him?" "Why, Madi? Can't I like him?" "Of course you can! Don't worry, kapag natapos na ang dare he is all yours. Wala naman akong pakialam sa kan'ya." Seryosong sagot niya kay Rox pero kay Elliot siya nakatitig. Dinig pa niya ang ibang reklamo ng mga kasama niya dahil sa mali-mali at matagal na pagbibigay nito ng mga pagkain. "Ano ba naman iyan, Elliot! Sabi ko ay large fries ang sa akin, bakit medium lang ito?" "Ang sa akin din, sabi ko ay less ice itong inumin ko bakit ang daming yelo?!" Kita naman niya ang pagod sa mukha ni Elliot pero pilit na ngumiti. "Huwag kayong mag-alala at ipapapalit ko na lang." At mabilis na itong umalis. Mabilis naman na nagsitawanan ang mga kasama niya sa squad. "Ang pangit talaga ng nerd na iyon!" sabi ng isa. "Oo nga! At uto-uto pa!" sabi pa ng isa. "Next time Madi, isama mo ulit siya ha? Para naman may mautusan tayo lagi rito." Harap sa kan'ya ng isa. "Of course, lahat ng iuutos ko ay susundin ng nerd na iyon because I am the queen of this place. And no one can resist me, even Elliot." Ngisi niya sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD