Halos dalawampung minuto pang nawala si Elliot bago ito dumating and she admits na may konting habag siyang naramdaman nang makita niya ang hapong itsura nito. He looks like a beggar, pawis na pawis at ang dumi-dumi pa ng damit nito dahil sa mga nadikit na chocolates at cheese sa puting damit nito.
Nang matapos maibigay ni Elliot ang mga meriendang ipinabili ng mga ito ay napabaling ito sa kan'ya at ngumiti.
Mabilis naman siyang natigilan at pinakatitigan ang mukha nito. Ni hindi man lang ito nagreklamo, nagalit o wala man lang siya ni konting inis sa mukha nito.
Bigla naman itong nagulat nang sadyain itong banggain ng isa sa mga kasama niyang lalaki na si Xian, dahilan para mahulog ang nerdy eye glasses na suot nito.
Kita niyang nginisian lang ito ni Xian bago tuluyang apakan ang salamin.
"Ops! I am sorry, Bro!" Sabay ngisi nito ng malawak.
Kita naman niyang mabilis na napaluhod si Elliot at kinapa-kapa ang sahig para salatin ang salamin nito sa mata.
Akmang lalapitan at tutulungan niya ito nang mabilis itong nalapitan ni Rox at tinulungan.
"Elliot, here is your glasses, medyo naputol lang sa may dulo pero huwag kang mag-alala, I have tape here." At mabilis na itong umalis para kuhanin ang bag nito.
Siya naman ay nakamasid lang at nakatingin kay Elliot, he looks pityful dahil sa itsura nito ngayon.
"Here." Sabi nang kadarating na si Rox sabay bigay ng glasses nito.
Nang ganap na maisuot nito ang salamin ay mabilis siyang hinanap ng mga mata nito. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito bago tuluyang bumaling kay Rox. "Thank you."
Is he expecting her na siya ang tutulong dito?
"You're welcome. Hayaan mo ang Xian na iyon, I know na ikaw naman ang naisipan niyang pagtripan," seryosong sabi pa ni Rox sa lalaki.
Really, Rox? At talagang mukhang kinikilig pa ito sa nerd na iyon. So disgusting! Ngiwing kausap niya sa sarili.
"Hi, Madi!"
Napalingon naman siya sa boses na nanggaling sa may likuran niya at kita niya si Timothy na nakangiti sa kan'ya habang may hawak itong bola.
"Hi," alanganing sagot niya rito.
Dinig naman niya ang biglang sigawan ng mga kasama niya na tila kinikilig sa kanilang dalawa.
"Make a move, Bro!" sigaw pa ng nakangising si Xian na kaibigan ni Timothy.
"Madi, would you be our team muse for this coming intramurals?" Nakangiting sabi ni Tim sa kan'ya.
Mabilis naman siyang natigilan at napatitig sa mga mata nito. He is handsome, pero bakit tila iba kung tumitig ang mga mata ng nerd na Elliot na iyon?
Mabilis naman siyang napailing. No, huwag mo siyang isipin.
Nang makarinig ng mga bulungan ay bigla siyang nagising mula sa pag-iisip.
"Are you declining my offer, Madi?" malungkot na tanong ni Tim sa kan'ya.
"Ha? Wala pa naman akong--"
"You shook your head awhile ago, girl," biglang singit ni Dorothy.
Bigla naman siyang natigilan. Damn! Oo nga, pahamak talaga ang Elliot na iyon!
"Huwag mo naman sana akong i-turn down please, Madi?" malumanay na sabi pa ni Tim.
"Of course!" Nakangiting sabi niya.
"Wow! That is awesome, thank you Madi."
"No worries."
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Tim dahil mag-uumpisan na ang practice ng mga ito.
"Uhm. May ipag-uutos ka pa ba?" bigla ay sabi ni Elliot na nakalapit na pala sa kan'ya.
Bago sumagot ay tinignan niya muna ito mula ulo hanggang paa. She just wonder how much are those cheap clothes cost.
"Kumain ka na ba?" imbis na panglalait ang lumabas sa bibig niya ay biglang ito ang natanong niya.
"Ha? Hindi pa." Sabay kamot nito sa likuran ng ulo nito.
Bigla naman siyang napataas ng kilay pagkatapos ay kinuha ang isang supot ng pagkaing ipinabili niya kanina. "Here, take this. Huwag mo ng subukang tumanggi dahil magagalit lang ako sa iyo," diretsong sabi niya rito at hindi na ito hinintay pang makapagsalita.
"Ikaw? Paano ka? Wala kang--"
"Don't mind me, alam kong gutom ka at mas kailangan mo iyan, marami akong pambili hindi katulad--" pero bigla siyang napahinto. She sounds rude, dapat pala ay maging mabait siya kay Elliot dahil baka bigla itong magalit sa kan'ya at masira ang dare. "I mean, hindi pa naman talaga ako gutom. Kainin mo na iyan." Bahagyang ngiti niya rito. Ang plastic mo, Madi! Sigaw niya sa isip.
Ngumiti naman ito sa kan'ya. "Thank you Madi, ito ang unang pagkakataon na makakakain ako ng mahal na burger," nahihiyang sabi nito.
Hindi mapigilang mapaarko ng isang kilay niya. He is really honest.
"Don't worry, just tell me everything you want to eat and I'll buy it for you since ako naman ang nakakaluwag sa ating dalawa," seryosong sabi niya rito.
Kita naman niyang bahagya itong napayuko. "Hindi ko gagawin iyon, hindi ko sasamantalahin ang kabaitan mo. Girlfriend kita kaya dapat--"
Pero bago pa ito matapos ay mabilis niyang tinakpan ng isang kamay niya ang bibig nito.
"Ssshhh! Elliot, just be quiet dahil baka may makarinig sa iyo at malaman ni Mommy. Ayaw mo naman sigurong paglayuin niya tayo hindi ba?" pagbabanta niya rito.
"Oo nga pala. I am sorry Madi, sana ay huwag kang magalit sa akin," mabilis na sabi nito. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito.
Gustuhin man niyang mapangisi ay pinigilan niya ang sarili.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ulit ang practice nila at panay pa rin ang utos ng iba niyang mga kasama kay Elliot.
"Madi, hindi ka ba naaawa sa kan'ya?" seryosong tanong ni Rox sa kan'ya.
Mabilis naman siyang napataas ng isang kilay.
"Why should I? At ang isa pa, ginusto niya iyan kaya hayaan mo siya." Sabay hawi ng buhok niya at nilampasan na ito at napasimangot.
Bakit ba tila awang-awa at concerned na concerned ito sa lalaking nerd na iyon?
Nang mapalingon sa nakaupong si Elliot sa may bench ay seryoso lang itong nakatitig sa kan'ya habang nakangiti. Pilit tuloy siyang gumanti ng ngiti rito.
Halos mag-aalas siyete na ng gabi nang matapos ang practice nila at talagang hindi siya nito iniwanan.
"Madi, hatid na--"
"No thanks, I have a driver." Sabay punas ng pawis niya sa may gilid ng leeg gamit ang likod ng palad niya.
"Ito, gamitin mo." Sabay lahad nito ng puting panyo nito sa kan'ya.
Mabilis naman siyang natigilan at napatitig doon.
"Huwag kang mag-alala, malinis iyan. Hindi ko pa ginamit iyan. Malinis maglaba ang mama ko," seryosong sabi pa nito.
Alanganin pa niya itong kinuha bago ito ipinahid sa may gilid ng leeg niya. Muntik na siyang napasinghap bg maamoy ang pabango nito. Hindi ito kasing bango ng mga mamahaling pabangong naaamoy niya pero may ibayong amoy ito na napakasarap sa ilong.
"Baka gusto mo munang kumain--"
"Do you have money?" putol niya sa sinasabi nito.
"May kinita naman ako sa pagtu-tutor ko at sa tingin ko ay kakasya naman na iyon para sa ating dalawa," seryosong sabi pa nito.
Napataas naman ang sulok ng labi niya. "If you are planning to date me in those cheap fastfoods, I am sorry Elliot but no thanks," hindi mapigilang pasaring niya rito.
Kita naman niya ang pilit na ngiti sa labi nito. "Ganoon ba? Sige, huwag kang mag-alala dodoblehin ko ang pagtu-tutor ko para magkaroon ako ng sapat na pera para mai-date ka sa mas mahal na kainan," seryosong sabi nito at bahagyang ngumiti.
"Okay," iyon lamang ang nasabi niya para maputol na ang usapan nila. Pagkatapos ay mabilis na siyang naglakad palabas para puntahan ang sasakyang naghihintay sa kan'ya.
Akmang sasakay na siya nang muli siyang tumigil at humarap kay Elliot.
"Saan ka ba nakatira? I can drop you by para hindi ka na mamasahe," seryosong sabi niya rito.
"Hindi na Madi, okay lang ako. Mag-aabang na lamang ako ng jeep diyan sa may kanto. Mag-iingat ka." At bahagya pa itong kumaway sa kan'ya.
Bahagya lang siyang tumango at pumasok na sa loob ng sasakyan. Habang umaandar iyon ay malaya siyang nakamasid kay Elliot na nakangiti pa rin sa kan'ya kahit na hindi na siya nito nakikita dahil heavily tinted itong sasakyan nila.
"Froi, magtago ka muna riyan saglit tapos sundan mo iyong lalaki na iyon," seryosong sabi niya kay Froilan na driver niya.
"Iyon po bang nerd na kausap niyo kanina, Miss Madi?"
Bahagya naman siyang tumango.
Ilang sandali pa ay kita niya si Elliot na naglalakad papunta sa may paradahan.
Halos punuan ang mga jeep kaya hindi ito makasakay. Ilang sandali pa ay mas pinili na lamang nitong sumabit doon.
"Froi, dali sundan mo na," sabi niya rito nang medyo nakalayo na ang sinasakyan nito.
Ilang minuto lang ay huminto na ang jeep at mabilis itong bumaba sa may eskinita.
"Froi, dito ka lang ha? Bababa lang ako," mabilis na sabi niya rito.
"Pero Miss Madi, gabi na ho. Delikado na ang lugar, baka mapagalitan po ako ng Mommy niyo," sabi ni Froi habang nagkakampt ng ulo.
Mabilis naman siyang nagtaas ng isang kilay. "Sino ba ang kakampi mo rito ha, Froi? Remember nang tinulungan kitang makipagkita riyan sa girlfriend mong katulong sa kabilang bahay?"
Lalo naman itong napakamot ng ulo. "Hay nako Miss Madi, alam ko namang gagamitin mo na naman sa akin iyan. Sige na ho, basta mag-iingat kayo."
Mabilis lang siyang tumango at lumabas na. Nang ganap na makalabas ay amoy na amoy na niya ang ihip ng mabahong hangin. Matao ang lugar na iyon, malayong-malayo sa scenario na lagi niyang nakikita sa subdivision nila.
Maraming mga batang nagkalat kahit gabi na, maraming nagtitinda ng kung anu-anong hindi naman niya alam kung ano ang tawag. Maraming mga matatanda ang nakwekwentuhan at nagsusugal. Ang mga lalaki naman ay nag-iinuman sa may gilid.
"Miss, ako bang hinahanap mo?" sigaw ng isang lalaki sa may gilid.
Imbis na sagutin ay inismiran lamang niya ito at nagmamadali nang naglakad. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at sinundan si Elliot.
Nang may makita siyang babae na mag-isang nakaupo sa may gilid ay nilapitan niya ito.
"Excuse me, I am looking for Elliot? Do you know his place?" seryosong sabi niya.
Kita naman niyang napamaang ang babae. "Po?"
"I said, I am looking for Elliot. Do you know him?" kunot-noong sabi niya.
"Sorry Ate, pero wala po akong pera." At mabilis na itong tumakbo.
Baliw ba iyon? Tanong niya sa isip.
Napailing na lamang siya at nagsimulang maglakad ulit nang makita niya sa may di kalayuan ang hinahanap.
"Nay, ako na ho ang magliligpit diyan." Nakangiting sabi ni Elliot at kinuha ang balde habang ipinapasok ang ilang mga isda na nasa may banyera.
"Salamat anak, ha? Alam kong pagod ka na sa eskwela at part time job mo pero tinutulungan mo pa rin ako," malungkot na sabi ng babae.
So ito pala ang nanay ni Elliot? She looks too old kumpara sa Mommy niya. Magulo ang buhok nito, madumi rin ang damit nito at puno ng ugat ang mga kamay nito. May kapayatan din ito.
"Huwag kang mag-alala Nay, kapag naka-graduate ako ay hindi mo na kailangan gawin ito. Ilalayo na rin kita rito sa magulong lugar na ito, ipinapangako ko iyan," seryosong sabi ni Elliot sa nanay nito habang nakatitig dito.
Kita naman niyang ngumiti ang nanay nito at mabilis na niyakap ang anak. "Salamat anak, napakabuti mo talaga. Napakaswerte ko at ikaw ang ibinigay sa akin ng Panginoon. Mahal na mahal kita, Elliot."
"Mas masuwerte po ako sa inyo Nay, dahil ginagawa niyo ang lahat para sa akin. Mahal na mahal ko po kayo." At gumanti ito ng mahigpit na yakap sa ina.
Habang siya naman sa may sulok ay biglang natigilan at hindi niya namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata niya. Bakit ganoon? Mahirap lang ang mga ito pero bakit mukhang masaya at nagmamahalan ang mga ito? Pero bakit siya na mayaman ay tila walang halaga sa mommy niya? She never heard of those words all of her life. Ni hindi niya naramdaman na mahalaga siya sa Mommy niya. Pera lang ang mahalaga para rito.
"Madi?"
Bigla siyang natigilan at nanlaki ang mga mata nang mapalingon kina Elliot na nakatitig na pala sa kan'ya.