Chapter 5

2027 Words
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong nang papalapit na si Elliot sa kan'ya. "Huh?" gulat na sabi niya, ni wala siyang maapuhap na salita dahil maging siya ay wala rin maisagot. "Anak Elliot, sino iyang magandang babaeng kasama mo?" biglang tanong ng nanay nito. "Si Madi po, girl--" "His schoolmate," mabilis na sabi niya. Kita naman niya ang lungkot sa mga mata nito at napilitang tumango. "Opo, kaeskwela ko po nay," "Aba kung ganoon ay papasukin mo sa bahay natin at dito na siya maghapunan. Abay saktong-sakto at nakapagluto ako ng masarap-sarap ngayon." Nakangiting sabi ng matandang babae sabay hila sa kan'ya papasok. Wala siyang nagawa kung hindi magpatianod na lamang. Malaya niyang tinignan ang bawat sulok ng bahay ng mga ito. Aamin niya, kahit maliit lang iyon at masikip ay malinis at organisado. "Pagpasensiyahan mo na ang bahay namin," bigla ay sabi ni Elliot. Marahan naman siyang tumango. Tama naman talaga ito, kung susumahin ay baka kasing laki lang ng banyo ng kwarto ng mommy niya ang buong bahay ng mga ito. "Paano kayo nakakatagal sa ganitong klase ng lugar?" seryosong tanong niya rito. "Sa isang mahirap na kagaya namin, maayos at maganda na ang lugar na ito." "I can't imagine myself living in this kind of area," hindi mapigilang sabi niya. Mapait naman itong napangiti. "Alam ko Madi, kaya magsisikap ako. Magtatapos at magsisipag ako para yumaman at maging karapat-dapat para sa iyo." "At paano naman kung hindi mangyari iyon? What if forever ka ng maging mahirap?" taas kilay na sabi niya. Over her dead body, hindi niya kakayaning mamuhay bilang isang mahirap. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kesa mangyari iyon. "Hindi mangyayari iyon Madi, ipinapangako ko sa iyo na magsusumikap ako. Mahihintay mo ba ako?" seryosong tanong nito. Yuck! Of course not, walang kasiguraduhan ang sinasabi nito. At ang isa pa, Elliot will never be her kind of man. Pero mabuti na lamang at dumating na ang nanay ni Elliot at tinawag sila. 'Elliot Anak, Hija, halina kayo at nakahain na." Sabay ngiti nito at nagpatiuna na sa may maliit na kusina. Ipinanghila pa siya ng upuan ni Elliot. Mariin niyang tinitigan ang mesa. Plastic lamang ang mga plato at mangkok ng mga ito at may tatak pa ng isang brand ng sigarilyo. Gusto na namang umikot ng mga bilog ng magkabilang mata niya pero pinigilan niya ang sarili. This house is so cheap! "Hija, okay ka lang ba? Ayaw mo ba ng ulam?" nag-aalalang tanong ng Nanay ni Elliot. "Uhm, actually. I don't really like eating with plastics. Don't you have any ceramic plates?" may pandidiring sabi pa niya. Kita naman niyang nagkatinginan ang mag-ina bago marahang napangiti sa kan'ya. "Ah, oo nga pala. Pasensiya na at ikukuha kita ng babasagin." At mabilis na tumayo ang nanay nito at nagpunta sa cabinet na naglalaman ng ilang pirasong babasaging baso at plato. Nang mailapag nito ang plato at baso ay akmang uupo na ito nang magsalita ulit siya. "I am sorry but do you have any table napkins?" seryosong sabi niya. "Table napkins? Pasensiya ka na hija at hindi ko alam iyon," nahihiyang sabi nito habang alanganing nakangiti. "Madi, sorry pero wala kaming ganooon dito," biglang sagot ni Elliot. "That is fine, tissue will do," maarteng sabi pa niya. Kailangan ay punasan muna niya ang mga tinidor at kutsara niya para makasigurado na walang naiwan na mikrobyo. "Sandali lang at ibibili kita." At mabilis na tumayo ang Nanay nito. "Nay, ako na lamang po." Pigil ni Elliot dito at mabilis na lumabas. "Pagpasensiyahan mo na rito sa amin, Hija. Hindi naman kasi nasabi ng anak ko na may darating siyang bisita para sana kahit papaano ay nakapaghanda ako," nahihiyang sabi pa ng Nanay nito. "That is okay. I think, ganoon din naman," pasaring niya. "Madi, eto na iyong tissue." Bigla ay sabi nang kadarating lang na si Elliot. "Thanks." At mabilis na niyang pinunasan isa-isa ang plato, tinidor, kutsura at baso. Kita naman niyang nakatitig lang sa kan'ya ang mag-ina hanggang sa matapos siya sa ginagawa. "I'm sorry, don't think na maarte ako. I just want to make sure that it's really clean," seryosong sabi niya rito. Wala siyang pakialam kung ano pa man ang iisipin ng mga ito sa kan'ya. Ito talaga siya at hindi niya iyon babaguhin. "Huwag kang mag-alala Hija, naiintindihan namin." Ngiti pa rin ng Nanay ni Elliot. Nang magsimula silang kumain ay hindi niya naisip na gaganahan siya. She really must say ba masarap magluto ang nanay nito. "Elliot, I have to go, kanina pa naghihintay ang driver ko sa may kanto." Sabi niya kay Elliot at mabilis nang tumayo. "Hatid na kita." At mabilis na rin itong tumayo. Ni hindi na siya nagpaalam sa Nanay nito na busy sa pagliligpit ng pinagkainan nila. "Hindi ka ba nagsasawa rito sa klase ng buhay niyo?" "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo nito sabay ayos ng sirang salamin nito. "Look at your house, ang liit-liit, wala kayong TV, wala rin kayong wifi at higit sa lahat wala kang cellphone," over reacting na sabi niya sabay pang nanlalaki ang mga mata niya habang nagsasalita. Pero hindi niya namalayan ang parang maliit na butas at muntik na siyang matapilok. Mabuti na lamang at mabilis siyang nahila ni Elliot at napahawak siya sa may balikat nito. Pero nanlaki ang mga mata niya nang biglang magdikit ang mga labi nila. Mabilis pa sa alas-kwatrong itinulak niya ito at napahawak sa mga labi niya. Damn! It can't be! This nerd is her first kiss! Sa sobrang inis niya ay napasigaw siya at pinaghahampas ito sa may dibdib. "Ano ka ba, Elliot! Why did you do that?!" At lalo niyang nilakasan ang ginagawa. "Madi, pasensiya na. Hindi ko sinasadya. Aksidente lang iyon," hindi rin maipinta ang mukha nito nang sabihin iyon. "No! You've done that on purpose! Sinadya mo iyon para lang mahalikan ako! I hate you, Elliot!" At mabilis na niya itong tinalikuran at nag-martsa papaalis at hindi na ito hinayaan pang magsalita. Akmang susundan pa siya nito nang samaan niya ito ng tingin. Wala siyang pakialam sa mga taong nakikiusyoso sa paligid. "Nice one, Elliot! Iba din palang tumuka iyong nerd na iyon!" "Swerte mo, Elliot!" Isa lang iyon sa mga naririnig niya habang naglalakad siya. Pero diretso lang siya sa paglalakad at tila walang naririnig. Nang makita siya ni Froilan ay mabilis siya nitong nilapitan. "Miss Madi, akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo roon. Talagang malalagot po ako sa Mommy niyo," kinakabahang sabi nito. "Tara na, Froi." Seryosong sabi niya at mabilis nang sumakay sa loob ng sasakyan nang pagbuksan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove-on sa nangyari sa kanilang dalawa ni Elliot kaya mabilis niyang nasalat ang mga labi niya. Nandidiri siya, mamaya ay uubusin niya ang isang buong toothpaste. Pero bigla rin niyang naisip na parang sumobra naman ang reaction niya kanina. Hindi ba sa mata nito ay mag-jowa silang dalawa? Hindi kaya magtaka naman ito? Gagawa na lamang siya ng alibi bukas. Nang makarating sa mansyon nila ay nasa may dining table na ang Mommy niya at kumakain ng dinner. Mabilis naman siyang humalik dito sa may isang pisngi. "I didn't wait for you dahil alam kong kumain ka na," seryosong sabi ng Mommy niya. Marahan lamang siyang tumango. "I will go upstairs, Mom." At mabilis na siyang naglakad papunta sa may hagdanan. "Hows your school? Baka naman puro kalokohan ang inaatupag mo roon? Wala akong maaasahan kay Froilan dahil alam kong magkakampi kayo," biglang sabi nito. "Don't worry Mom, I will graduate this school year. Hindi kita ipapahiya sa mga investors mo," walang ganang sabi niya. "That is good then." Hindi na siya sumagot at nagsimula nang humakbang papaakyat. Nang makarating sa may kwarto niya ay basta na lamang niyang itinapon sa may malaki at malambot niyang kama ang bag niya at pabagsak na umupo sa may massage chair niya na naroroon at napapikit. She maybe have everything pero bakit tila wala namang pagmamahal sa kan'ya ang mommy niya? Mabuti pa ang Nanay ni Elliot, mapagmahal at maalaga sa anak nito. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya at nagising siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa may bag niya. Tamad niya itong kinuha at walang lakas na sinagot. "Who's this?" "Hello. May I speak with Ms. Madisson Silva?" sabi ng boses babae mula sa may kabilang linya. "This is from **** Gasoline, we would like to inform you na dadalhin na namin the next day iyong ni-rent niyong mascot. Pupunta na lamang siya--" "Wait," putol niya sa sinasabi nito. "Why, Ms. Silva? Is there any problem?" "I only want the costume, walang kasamang tao. Kami na ang bahala roon." Nakangising sabi niya. "Ganoon po ba? Okay po, walang problema." Mabilis na rin niyang pinatay ang tawag at mabilis na pumasok sa may banyo. Nawala na ulit ang inis niya dahil mapagtritripan na naman niya si Elliot. Aaminin niya, she is a bully because of her Mom. Sa ganitong paraan lang naman niya nararanasan maging masaya. Kahit na minsan ay nakakasakit na siya ng ibang tao. She will take revenge, lahat ng hinanakit niya sa Mommy niya ay ibabaling niya sa ibang tao. And no one is exempted, even Elliot. Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa University para maaga niyang makita si Elliot. Nang makita niya itong nakayukong naglalakad sa may hallway ay malakas niya itong tinawag. "Elliot!" Nang mapatingin ito sa kan'ya ay kita niya ang pamumula ng magkabilang mga pisngi nito. Dahil sa bagal nitong maglakad ay siya na ang kusang humila rito. Daig pa nito ang babae kung kumilos. Wala nga siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng ibang mga istudyante na naroroon. "Hi, Madi. G-Gusto ko sanang mag-sorry doon sa nangyari sa atin kagabi. Alam kong galit--" "Elliot, don't mind that. Napagisip-isip ko kasing masyadong over iyong reaction ko last night. I mean, I shouldn't act that way dahil wala naman masama dahil mag-boyfriend naman tayo," seryosong sabi niya rito. She needs to act sincere sa mga sinasabi niya. Kita naman niya ang biglang panliliwanag ng mukha nito. "Really? Mabuti naman kung ganoon, akala ko ay galit ka sa akin. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa iyo." Mapapataas na sana ang kilay niya pero pinigilan niya ang sarili. "Oo naman. Uhm, Elliot," pa-sweet na tawag niya rito. "Uhm. Bukas kasi ay kailangan ko ang tulong mo para sa laro bukas ng hapon, baka lang kasi pwede mo akong tulungan?" At pinapungay pa niya ang mga mata niya. Mabilis naman na napangiti si Elliot. "Oo naman Madi, kahit ano basta ikaw." "Talaga?! Thank you talaga, Ner-- I mean Elliot!" At hinawakan pa ang magkabilang mga kamay nito at pinisil. Pero siya rin ang kusang humiwalay nang maramdaman niya ang init ng palad nito at tila maliit na boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga palad niya. "Sige na. I need to attend my class. See you tomorrow!" At mabilis na itong iniwanan na tila tulala pa rin dahil sa ginawa niyang paghawak ng kamay nito. Nang makarating sa room nila ay nakaabang na roon ang mga kaibigan niya. "Madi, may hindi ka sinasabi sa amin." Nakangising sabi ni Dorothy. "What are you talking about?" takang tanong niya. "I heard you two kanina. Anong nangyari sa inyo? Tinutoo mo na ba ang pakikipagmabutihan sa mahirap na nerd na iyon?" At lalong lumaki pa ang ngisi nito. "Oh my! Is is true, Madi?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Rox sa kan'ya. Nangyari? Kunot-noong isip niya. At nang maisip ang hindi sinasadyang kiss nila ni Elliot ay napahawak siya sa mga labi niya at napasinghap. "So it's true?!" hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Rox. "Of course wala! Ano bang pinagsasabi niyo? Ako? Papatol sa nerd na lalaking iyon? Kahit anong mangyari, hinding-hindi mangyayari iyon. Hindi ko kailanman pinangarap makapag-asawa ng mahirap. Hindi ako nababagay sa kan'ya. I deserve much better. So don't talk nonsense!" hysterical na paliwanag niya sa mga ito. Kita niyang napatango-tango lang ang mga ito. "How about your plan for tomorrow?" tanong ni Dorothy. Bigla naman siyang napangisi. She is so excited kung ano ang magiging reaksiyon ng nerd na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD