The next day. "Madi! You are so beautiful, friend!" manghang sabi sa kan'ya ni Rox habang minemake-upan siya ng isang make-up artist sa may classroom nila, ngayon na kasi ang intramurals nila at kinuha nga siyang muse ng team nina Timothy. "I already know that," simpleng sabi niya. "Alam mo, kung kasing ganda mo lang siguro ako at kasingyaman ay wala na akong mahihiling pa," may himig na inggit na sabi pa ni Rox. Mariin naman siyang napatingin dito. Kung alam lang ni Rox kung gaano kalungkot ang buhay niya sa bahay nila ay hindi nito masasabi iyon. Nang matapos ay sakto naman ang pagdating ng ni-rent niyang costume kaya mabilis siyang lumabas,para puntahan si Elliot sa may paborito nitong lugar. "Elliot!" tawag niya rito. Kita naman niyang natigilan ito at natulala. Alam niyang g

