Dahil sa napagtanto ay buong araw siyang hindi mapakali. Totoong gusto niyang magkaroon ng anak pero hindi muna sa pagkakataong ito. Nagtatalo tuloy ang isip niya kung sasabihin na niya ito kay Elliot o hindi pa. Marahan naman niyang hinaplos ang maimpis niyang tiyan at napangiti ng bahagya. "Are you for real, baby? Don't worry, iingatan kita at hindi kita pababayaan." Mabilis siyang napapikit habang ini-imagine ang itsura ng magiging anak niya. Kung paano ito kalungin at alagaan ni Elliot at kung sino ang magiging kamukha. Dahil doon ay totoong napangiti na siya ng malawak. Pero kaagad din iyon napalis nang maalala ang mga problemang kinakaharap niya. Pero bigla niyang naisip na hindi pala,siya dapat magpa-stress. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong blessing kaya kailangan niya

