"Elliot, hindi mo kailangan mamili. Sorry, but I need to go." At mabilis na siyang lumabas na hindi man lamang hinintay ang sagot ni Elliot. Mabuti na lamang at sasakyan niya ang ginamit nila kagabi. Mabilis siyang sumakay doon at pinaandar iyon. Kita niya pa ang paghabol ni Elliot sa kan'ya mula sa may side mirror ng sasakyan. Yes, hindi niya masisisi ang Nanay nito dahil alam niyang nabigla ito sa nadatnan nito. At ang isa pa, ayaw niyang pahirapan si Elliot. Ayaw niyang makasira sa magandang samahan nilang mag-ina. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya pero hindi niya na ito pinagkaabalahang tignan dahil alam niyang si Elliot lang naman ang tatawag sa kan'ya. Nang hindi ito tumigil ay mabilis siyang huminto sa may gumilid at pinatay ang cellphone niya. Halos alas onse na

