Bigla naman siyang nailang dahil sa sinabi ni Gildo kaya mabilis siyang tumayo. Marahan pa nga siyang nahilo pero hindi niya iyon pinahalata. "I will get you some drinks." At mabilis na siyang umalis para magpunta sa may kusina. Malalim siyang napabuntong-hininga dahil hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang nararamdaman nito. Sa totoo lang kasi ay wala pa sa isip niya ngayon ang mga ganitong bagay lalo na at napakarami niyang mga problemang kinakaharap. Akmang bubuksan niya ang ref nang bigla na naman siyang makaramdam ng hilo kaya napahawak siya may hawakan nito. Pinilit niyang patatagin ang sarili at hinawakan ang noo niya. "Madisson, are you okay?" Dinig niyang tanong ni Gildo. Mabilis naman siyang kumuha ng maiinom nito at nakangiting lumabas. "Yeah, I am sorry to keep

