Halos alas singko na rin nang matapos silang magbalot ng mga lootbags na ipamimigay sa mga orphanage. Nang tumayo siya ay parang nangawit ang buong katawan niya dahil sa pagod. Idagdag pa na nagbiyahe siya ng malayo kaninang umaga. Kaya akmang aalis na siya para sana magpunta na sa may kwarto niya nang tawagin siya ni Elliot. "Where are you going?" sita nito sa kan'ya na nakalabas na pala ng opisina nito. "Sa kwarto ko, gusto ko munang magpahinga dahil masakit ang katawan ko," seryosong sabi niya. "And who told you na pwede kang magpahinga kapag gugustuhin mo?" Inis na tinignan naman niya ang relong pambisig niya. "I assume that I can rest dahil tapos na ang office hours." "Why, Miss Silva? Office staff ka ba? As far as I'ved remember ay personal assistant kita." Taas kilay na s

