Malungkot na naupo siya sa upuan na naroroon sa may kwarto at inilabas ang cellphone na ibinigay ni Elliot. Mabilis niyang dinial ang number ng Mommy niya para matawagan. Nakakailang ring lang ito nang mabilis nito iyong sinagot. "Hello, Mom?" "Hello, Madi? How are you my baby? Na-mimiss na kita," malamyos na sabi ng Mommy niya dahilan para pangilidan siya ng mga luha. "I miss you too, Mom. Don't worry Mom, kapag natapos na po ang mga problema natin ay magta-travel tayo ng magkasama," pilit na pinapasigla ang boses niya. Hindi niya alam pero kapag naririnig niya ang boses ng Mommy niya ay tila miss na miss niya ito. "Sana nga Anak, how I wish we can still fulfill that," malungkot na sabi nito. "Huwag ka ng malungkot Mommy, magiging okay din ang lahat." At bahagya siyang ngumiti ka

