"Hindi kita—" "Stop, Madisson. I am tired, marami pa akong mahalagang bagay na dapat gawin. Itatawag na lamang kita ng taxi," walang emosyong sabi nito. "Sinasabi mo bang hindi ako mahalaga?!" galit na sabi niya. Kita naman niyang nabilis itong napakunot-noo at tila naguguluhan sa mga sinasabi niya. "May sinabi ba akong hindi ka mahalaga?! Damn, Madisson! Mababaliw ako sa iyo!" At tuluyan na itong naglakad papasok sa loob ng bahay nito. Pero mabilis niya itong nasundan at nakapasok bago pa nito maisara ng tuluyan ang pintuan. Saglit lang siya nitong tinitigan pagkatapos ay umiiling na naglakad papunta sa may kwarto nito. "I am gonna sleep here," seryosong sabi niya. Pero hindi siya nito pinansin at muling umupo sa may upuan nito na nasa may gilid ng kama nito at muling tinignan an

