Chapter 1

1472 Words
Kharis Elara's Pov "Si Dad po dumating na?" nakangiting tanong ko kay Manang pagkapasok ko ng mansyon galing sa school. She plastered a weak smile on her lips and nodded at me. "Nasaan po—," Natigil ako sa pagsasalita at nilingon ang kusina kung saan nangaling ang tawanang narinig ko. Nabasag ang katahimikan na bumabalot sa mansyon dahil sa pagsakop nang tawa na 'yon ng isang babae,  mabilis akong kinutuban. "Nasa kusina, may mga bisita kayo. Magbihis ka na lang muna, Elara, bago mo sila harapin." My brows creased immediately. Inalis ko mula sa 'king likuran ang backpack na suot saka 'yon iniabot  kay Manang bago ako tuluyang tumungo sa kusina. Dad's eyes shifted on me from a familiar woman, sa tapat nila ay dalawang lalaking na sa wari ko'y mas matanda ng ilang taon sa 'kin. I tried to smiled but failed as my emotions overpower me. Sabay silang tumayo ni Lucy, ang dati naming kasambahay na nakarelasyon n'ya noong nabubuhay pa ang Mommy ko, and now that my mother is dead, he already has the guts to house her here, may mga dala pang panibagong peste! "Elara, come and join us for dinner." Nakangiting anyaya sa 'kin ni Dad, na  animo'y ayos lang ang lahat at hindi n'ya napapansin ang tensyong nabuo sa paligid. "What are you doing here?" I asked, directing my question to her. Pilit siyang ngumiti sa 'kin at halos pumutok na ang mga litid ko sa 'king leeg nang makita ko kung paano ipinulupot ni Daddy ang braso n'ya sa bewang ng malanding babaeng 'yan na kamuntikan nang sumira sa pamilya namin. "Elara," Daddy called me with his warning voice, mapakla akong ngumiti sa kanila habang naiiling. "Hindi ka na nahiya Dad! Wala pang isang taon na patay 'yong Mommy ko pinalitan mo na agad s'ya—at isang dating katulong pa ang ipinalit mo!" I scoffed.  Lucy looked down. A young man sitting on the opposite chairs of dining table stood up to  join and comfort Lucy. Seryoso ko siyang pinakatitigan. His set of brown eyes were complimented by the eyeglasses that he wore and the sharpness of his jaw that is like sculpted to perfection will be the death of someone. Inalis ko ang mga mata ko sa kaniya at muling ibinalik 'yon kay Dad na nakalapit na sa 'kin ngayon. "I can't believe that while you were growing old, you're becoming fond of recycling someone else's trash!" paahisterya kong sinabi kay Dad. Umigting ang panga n'ya at umambang sasampalin ko. Sharpness in my eyes as I gave him death glares doubled. "Go on, Dad! D'yan ka naman magaling 'di ba ang saktan ako?" buong tapang kong tanong. Unti-unti nitong binaba ang kamay n'ya na sinabayan nang paglalam ng kanuyang mga mata. Without my consent, a tear escaped from my eyes. "Ang selfish mo, hindi mo muna hinayaang makapagluksa ako nang maayos bago mo pinalitan ang Mommy ko. Sana ikaw na lang ang namatay!" "Elara," Dad's frantic of a baritone voice bring me back into reality. Nag-angat ako nang tingin sa kanila ni Lucy. It's been what? Halos magtatatlong buwan na ata silang nagsasama rito bilang mag-asawa. Kailan ba sila dumating? Sana hindi na lang sila bumalik. "Naglasing ka kagabi? Kanino ka natutong uminom? At paanong nakapasok ka sa bar? You're still a minor!" He declared. Mabilis na umangat ang sulok ng aking kilay. "Money always make things possible, Dad." Umigting ang panga n'ya dahil sa sinabi ko, Lucy on the other hand tried to hush him from his impending rage. "Nakipaghalikan ka pa? Hindi kita pinalaki para maging pakawala!" puno ng galit ang matang asik nito. Binitawan ko ang kutsara't tinidor saka ako kumportableng sumandal sa 'king kinauupuan habang pinagmamasdan siyang magpuyos sa matinding galit. "Hindi talaga! Kasi hindi naman ikaw ang nagpalaki sa 'kin, halos wala ka nga sa mga importanteng araw sa buhay ko 'di ba? Nasaan ka ba?" I paused for a moment and plastered a taunting smile on my lip as I looked at them both. "Nagtatago sa ilalim ng palda n'ya?" I shut my eyes and let my fury took over me after I've felt Dad's iron-like hand slapped my cheeks. "Jackson," rinig kong awat ng asawa nito sa kaniya. Pilit kong pinigilan ang mga luhang nagbabadya nang kumawala sa 'king mata. "I've been very patient of you Elara, pero sumosobra ka na! I am still your father and I deserve to be respected!" mala-kulog ang boses na asik n'ya. I looked away only to meet Jupiter's pool with nothing on it. Sa kauna-unahang pagkakataon ay karamdam ako ng hiya sa kaniya kahit na hindi naman ito ang unang beses na nagkasagutan kami ni Dad habang nasa paligid lang namin siya, or maybe because it was the first time that he hit me, at sa harap pa mismo ng bago niyang pamilya. Binawi ko rin kaagad ang mga mata ko nang marinig kong magsalita si Daddy. "Grounded ka! I'll cut your access on your credit cards pati na rin sa iyong atm cards, at simula ngayon hindi ka na lababas ng bahay na 'to nang hindi ako pumapayag!" he shouted. Mabilis na nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig. He can't do that to me! I shook my head simultaneously and stood up from my chair. "Until when?" tanong ko sa kaniya, unti-unting kumalma ang paghinga ni Daddy. "Hanggang sa magtino ka na," he muttered with finality and rose to his feet, dahilan para maiwan kaming tatlo ni Lucy at Jupiter sa harap ng hapag kainan. "Hija,  kakausapin ko ang Daddy mo para hindi n'ya na 'yon gawin—," "Stop playing nice will you? Kasi kung mabuti ka talagang tao at mayroon kang delikadesa, hindi ka sana kumabit sa Daddy ko dati at hindi mo sana s'ya pinakalasan kaagad pagkatapos mamatay ng Mommy ko!" I spat angrily. "Elara stop it," ani ni Jupiter sa baritonong boses. I looked at him and rolled my eyes before I snatch my phone from dinning table and walk out as well. "What is it?" I said hastily, coming out from the french window.  I stood up relunctantly and looked down over the balustrade, there I saw Jupiter dipping his feet on the pool with a book on his hand. Nerd. "I just wanted to know if it's true or just a hoax that your father, the Great Jackson Sullivan married a maid, your family made rather Lucillia Alegre." Mariin kong ipinikit ang aking mata saka sumandal sa balustre. I breathe deeply and redeemed my composure. "That's just a hoax, right? I mean, why would Tito Jackson do that anyway?" She asked once more, hindi ko na alam ang sasabihin kay Britt o kung dapat ko bang kumpirmahin na totoo nga ang balitang 'yon o kung itatanggi ko ba 'to. "Britt, I'll call you later, may aayusin lang ako." Hindi ko na s'ya hinintay pang magsalita at pinatay ko na kaagad ang tawag. Nakakahiya! Kung si Britt na bestfriend ko na mismo'y gano'n na ang reaksyon paano pa kaya ang ibang tao? This is damn scandal, and reputation wrecking. I moved away from the balustrade and turn at to the french door. May malalaking hakbang na tinungo ko ang opisina ni Daddy kung saan naabutan ko silang nag-uusap ni Lucy. "Dad—," "Elara please," agap n'ya ngunit hindi ako nagpatinag. Determinado akong makakuha ng matinong dahilan mula sa kanya kung bakit n'ya ipinakilala ang babaeng 'yon sa publiko. He could marry her if he really wants too, pero sana tinago n'ya na lang 'yon mula sa madla. "Naglabas na kayo ng statement na nagsasabing kinasal ka sa gold digger na 'to?" I fired up. Pagod ang mata, and probably fed up with this Argument. He gaze at me with a hint of disappointment. "Kailan mo ba rerespetuhin si Lucy ha?" aniya sa seryosong boses. Mabilis at paulit-ulit akong umiling sa kaniya. "Probably, never! Hindi pa ba sapat na pinakasalan mo s'ya? na pati ang dalawa niyang anak ay dito na sa mansyon nakatira? Why do you have to introduce her to public? What's next, you'll claim her sons as yours? Ipagagamit mo na rin ang apelyido natin sa kanila?" Tumayo si Daddy saka isinangkal ang kamay n'ya sa ibabaw ng kaniyang working table. "If only Jupiter and Saturn would allow me to do that, I will," he snarled at me. Unbelievable! "You should stop donating your money on charities Dad, after all you have charity case for wife," anas ko saka padabog na lumabas ng opisina nito. Saglit akong natigil sa paglalakad nang makasalubong ko si Jupiter sa living room at bitbit pa rin ang isang libro. Mabilis na umangat ang dulo ng kilay ko saka s'ya inirapan. "Brat," he murmured, making me looked at him again. Bago pa man ako makapagsalita para bugahan s'ya ng apoy ay walang pasintabi n'ya na 'kong nilampasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD