Elara's Pov
"Ngayong araw ka rin ba mag-eenroll, Elara?" Lucy asked while we were eating lunch as a family, note the sarcasm there.
"Yes," maikli at tipid kong sagot sa kaniya saka ako kumuha ng isang loaf bread na pinalamanan ko ng nutella. Narinig kong ang paghugot n'ya ng isang malalim na hininga.
"Bakit hindi na lang kayo magsabay na tatlo? Pare-pareho lang naman kayo sa PCU mag-aaral," daagdag na sinabi nito. Inilapag ko ang loaf bread sa ibabaw ng plato saka tumayo mula sa 'king kinauupuan at naglakad na lang paalis.
"El," I took an abrupt step just to avoid bumping with Dad upon seeing him coming into dining area.
"May pera ka pa ba—,"
"Obviously wala, inalisan mo 'ko ng atm at credit cards 'di ba? Nahiya ka pa nga, sana sinama mo na rin pati trust funds ko," may isang sarkastikong ngiting turan ko. Maglalakad na sana ulit ako paalis nang hinawakan nito ang aking kamay.
Napatingin ako ro'n bago ko binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak n'ya.
"Hija, I just want you to learn your lessons—,"
"In a hard way, Dad? Kung galit ako sa 'yo o kung nagrerebelde man ako, karapatan ko po 'yon. It's my way of coping with this damn changes," I murmur and look away as I wipe my tears.
Dire-diretso na 'kong humakbang palabas ng bahay at hindi na kinuha pa ang perang iniaabot n'ya sa 'kin.
"Sasabay po ba sa inyo sina Sir Jet at Sir Saturn?" nakangiting tanong ng family driver namin nang pagbuksan n'ya ko ng pinto ng suv.
"Hindi, at hindi mo sila Sir," I mumbled as a matter of fact.
Totoo naman kasi, mga sampid lang sila rito sa bahay at hindi dapat kinikilala bilang amo.
Napahawak s'ya sa kaniyang batok saka nag-iwas ng tingin.
I made myself busy watching a generic anime on my phone as we're on our heading to PCU.
Mariin akong napapikit at napahawak sa 'king t'yan nang marinig at maramdaman ko ang pagkulo at pagkalam ng aking sikmura.
Nahuli kong nakasulyap sa 'kin si Manong mula sa rearview mirror ng sasakyan, malalamang ay narinig n'ya rin ang pagwawala ng aking tiyan kanina.
"Dadaan po ba tayo sa drive thru, Ma'am?" He asked.
That was a brilliant idea, but no, as much as I want too, I cannot, bukod sa cheque na pambayad ko sa tuition fee para sa enrollment ay wala na 'kong pera sa wallet.
I shook my head and plugged my earphone instead and closed my eyes.
Kaya ko 'to, wala pa naman akong kilalang namatay dahil lang sa isang beses s'yang hindi nakapag-agahan.
"Kharis!" Brittanica waved her hands. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya saka naupo sa bakanteng espasyo ng bench kung nasaan 'to.
My eyes darted on her new bag, it's a limited edition Chanel luxurious bag.
Nag-iwas ako nang tingin nang makitang sumilay mula sa labi n'ya ang mapanuyang ngisi.
"Didn't you bought one? I thought you did." She asked pertaining to the bag.
Ngumiti ako sa kanya.
"Don't tell me, naghihirap na kayo?" medyo natatawa niyang sinabi.
My jaw clenched at that, hindi makapaniwala sa mga naririnig mula sa 'king kaibigan, nagsimula na 'kong makaramdam nang pagkainis.
"Brittanica!" I muttered using my warning voice. She held her hands up in mid-air and laughed like something's really funny when clearly that there is none.
The corner of my lip crane as I narrowed my eyes on her.
"I'm just kidding, Sullivan Aviation Company is far from bankruptcy. Ang taas-taas nga raw ng stock value n'yo," aniya.
Muli lang akong napairap sa kaniya saka tumayo na mula sa bench para pumunta na sa administration office kung saan ko kukunin ang isang enrollment form.
"Alam mo bang may transferee ngayong taon? Parehong mechanical engineering student daw. s**t! Ang gagwapo, sana maging kaklase ko miski isa sa kanila sa ibang mga subject," rinig kong bulong-bulungan ng dalawang babaeng nakasunod sa 'kin sa window 1 ng cashier.
Lumingon ako sa kanila.
Mabilis silang tumahimik at nag-iwas nang tingin dahil do'n. Malakas ang kutob ko na si Saturn at Jupiter ang transferee na tinutukoy nila.
I sighed and mentally shook my head.
Girls' now a days, halos wala ng standards sa lalaki, kahit face value man lang ay hindi na marunong tumingin. I mean, if you do know how to differentiate those that are really handsome, hindi pasok sa banga ang magkapatid na Costello, well atleast para sa 'kin, hindi.
"Elara." Mariin akong napapikit at halos pigil ang aking bawat paghinga habang pilit na nagbibingi-bingihan mula sa pagtawag sa 'kin ni Saturn.
I'm sure it was him, for unknown reason I have the ability to differentiate his voice from Jupiter.
"Gosh! Magkakilala sila ni El? Iba rin talaga, siguro 'yan 'yong bago niyang boyfriend ngayon." I gritted my teeth out of annoyance.
Pumihit ako paharap para sana makita kung sino ang nagsabi no'n kaya lang si Saturn na ang sumalubong sa 'kin bitbit ang isang maliit na bag.
"Do not talk to me, will you?" pabulong kong asik sa kanya.
Umangat ang sulok ng kanyang labi kasabay nang sapilitan nitong pag-abot sa 'kin ng lunch bag.
This is humiliating!
Ano bang akala n'ya kinder ako na kailangang hatiran ng ganitong klaseng baon?
"It's not like I really want to talk to you sister, but my mother who happened to be your stepmom packed a lunch and breakfast for you, si Jupiter talaga ang inutusan niyang maghatid nito sa 'yo kaya lang ay magsisimula na ang orientation nila at pinakisuyo n'ya sa 'kin na ibigay 'to sa 'yo." I pressed my lips into thin line.
Kitang-kita ko kung paano nagbulungan ang mga estudyanteng nakarinig nang sinabi n'ya.
I gritted my teeth even more, and as if he's having fun seeing my reaction he crouched.
"Nagtitimpi na lang kami ni Kuya sa'yo, El, try to disrespect our mom again, I swear El, you wouldn't like what kind of game we have for you," bulong n'ya.
Taas kilay ko siyang tinulak palayo sa 'kin para mabigyan kaming dalawa ng sapat na distansya.
"Is that a threat?" Humalakhak s'ya.
"That's a fair warning and you may also consider it as a brotherly advice, bunso," he mumbled, leaving me and everyone else who have heard our conversation open mouthed.
Nagpupuyos sa galit na kinuha ko na lang 'yong resibo mula sa cashier saka may malalaking hakbang akong umalis.
"There you are, may bagong bukas na resto sa tapat lang ng University, let's try it?" saad ni Brittanica nang makasalubong ko s'ya sa path walk pagkaling ko sa girls' comfort room.
"What's that?" she asked, pointing the damn lunch bag. Itinago ko 'yon sa 'king likuran saka umiling.
"Nothing," sabi ko.
I saw her hide a taunting smile before she nods but I am too stressed and frustrated to keep her gesture in my mind so I was quick to disregard it.
"Tara na?" she asked.
Tumango na lang rin ako, may five hundred pesos pa 'kong nakuha mula sa bulsa ng pantalon ko kanina, I think this will be enough for my food.
"I'll have a club sandwich, roasted vegetable salad with feta and grains, lemon juice for my drink," saad ni Britt saka ibinalik ang menu sa waiter. Tumango ito saka ngumiti pagkatapos maisulat ang mga 'yon sa isang maliit na ledger.
"May I have your order Ma'am?" he asked politely.
"I'd like to have Crudo vegetable salad and a lemon juice as well," I uttered and handed him the menu.
Tumango ito sa 'min saka umalis para sa 'ming mga order.
Sandali kaming natahimik na dalawa habang hinihintay ang mga order namin.
We're both busy with our phones until our food arrived.
"So, that fake news wasn't fake, after all?" panimula ni Brittanica ng panibagong topic.
Natigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya.
She smiled, hindi ko alam kung plastic na ngiti ba 'yon o sadyang paranoid lang ako ngayon.
"I don't wanna talk about it, Britt." She shrug her shoulder.
"Sure," she murmured and continue to savor her food. Gutom na gutom ako kanina pero ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong nawalan ng gana.
I called up the waiter to settle my bill and leave but Britt squealed and flashed a panicky expression.
Tumaas ang sulok ng kilay ko.
"Is there a problem?" She gaze at me with her problematic facial expression.
"I think I left my wallet, can you please pay for my bill also? Hindi naman ata 'yon gano'n kalaki," saad n'ya saka sumulyap sa waiter na nakatayo sa galid namin.
"That would be 3,213.75 pesos, Ma'am," nakangiting sinabi nito sa 'min, maging ako'y nagsisimula na ring magpanic.
Saktong 500 pesos lang ang pera ko, I'm sure my cards won't work. s**t! This is embarassing.
"El." Britt's annoying high-pitched voice brought me back to reality.
"You do have money right?" She asked.
Nagkatinginan kami ng waiter.
I was about to made an excuse to save myself as I saw a hand put a 4 thousands bill on the table, nag-angat ako ng ulo at nakita ang seryosong ekspresyong suot n'ya.
"Let's go," Jupiter mumbled and pull me out from my chair.