Matagal bago kami natapos dahil tila nakipagkwentuhan pa sina mommy sa mga doktor na wari ay kakilala nila ang mga ito. Alas sais na ng gabi kami natapos sa pagkuha ng dugo ko at dugo nina mommy at daddy. "Jonas ikaw na muna ang maguwi kay Clair hah? Pagod na ata kasi siya" Sabi ni mommy Alyssa, pinakiusapan ko sila na kung maari ay Clair na lamang ang itatawag sa akin dahil hindi naman ako sanay sa Jasmine dahil hindi iyon ang kinagisnan ko. "Walang problema tita" sagot naman ni Jonas na ngingiti ngiti pa sa kanila. "Salamat sa pagsama dito Jonas, napakalaking tulong nito sa amin" pasasalamat ulit nila kay Jonas "Welcome po tito, welcome kayo dito sa hospital anytime sinabi ko naman na po kay daddy and he said I should accommodate you here busy kasi siya dahil nasa New York siya, hin

