Tahimik kaming bumyahe sa bahay namin, wala akong ni isang mang salita ang nanggaling sa kanya, seryoso siya at kumikislap pa ang mata niya na nagpapahiwatig na umiyak siya. Ngayong gabi ko napagtanto na hindi siya gaya ng inaakala ko, dahil napakadilim pala talaga ng kanyang nakaraan, sino ako para humusga. Wala pa nga ata sa kalahati ang alam ko tungkol sa kanya. Kung sana ang maalala ko na ang lahat, hindi sana ako nahihirapang basahin siya. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, nang lingonin ko siya ay deretso pa rin ang tingin niya at hinihintay lang akong bumaba. Nagbuntong hininga ako at napagdesisyonan ko ng bumaba. Agad agad kong tinungo ang aking silid at humiga, pagod na pagod ako at gusto ko na lang matulog. "Kailan daw makukuha ang resulta Clair?" Pangungulit na naman

