Kabanata 5

1105 Words
Kabanata 5 Maingay, magulo ngunit masaya! Kaarawan ngayon ni Jewel, ang bunso ng mga Montecillo ang prinsesa. Lahat ay imbitado ngunit puro mga kabataan lamang ang nandito, darating mamaya ang mga pamilya ni Jewel ngunit sasaglit lang sila dahil para sa mga kaibigan lang daw talaga ang party na ito. "Kanina ka pa namin hinahanap Clair" Nilingon ko si Cyan na naka tube black dress at nakapusod ang buhok. "Ah hinahanap ko kasi sila Ella eh bigla nalang nawala" totoo naman hinahanap ko sila kung bakit kasi bigla bigla silang nawawala eh wala tuloy akong kausap "Ganun ba? Tara hinahanap ka ni Jewel" nagsalita si Autumn na nasa likuran lang ni Cyan. Sumunod ako sa kanila at nadatnan namin sa may gitna ng garden nila ang mga Montecillo na nagtatawanan sa isang lamesa kasama ang tatlo kong kaibigan at pati na rin ang kaisa isang Loyola, naka pula itong longsleeve na bumagay sakanya. "Done checking me out Clair?" Sambit niya sa akin ng pabulong at tila kaming dalawa lang ang makaririnig Inirapan ko siya, hindi dahil naiinis ako kundi natatakot akong makipagsumbatan sa kanya. "Finally Clair!" Agad akong sinunggaban ng yakap ni Jewel, ibinigay ko sa kanya ang regalo ko. Isa iyong kwintas na nakita ko nong nakaraan sa mall habang nagrogrocery. Hindi mamahalin pero kasi pakiramdam kong babagay sa kaniya kaya binili ko na din. "Sorry medyo late" sabi ko sa kanya, ang tagal naman kasi nila Ella eh sinundo kasi nila ako sa bahay tas pagkadating dito ay bigla bigla akong iiwan. "Thats fine, the important thing is you came" tumango tango siya habang sinasabi iyon. Nilingon niya si Jonas na bahagyang nakatitig sa aming dalawa. "Hey Davon, stop staring at Clair as if you're going to eat her, no fights today it's my birthday!" Sermon niya kay Jonas, nilingon ko siya at nakita siyang nagkibit balikat na lang. "Anyway Clair, I will introduce you to this two cute guys, this is Lorenzo and Alonzo Tan" turo pa niya sa dalawang katabi niyang lalaki. Marahil ay kambal sila pero may mole si Lorenzo sa gilid ng kaniyang kanang mata na nagpapagwapo sa kanya . Ngumiti ang dalawa at napansin kong may dimples si Alonzo , isa din siguro iyon sa mga pagkakaiba nila. "Just call me Enzo" nakipagkamay siya sa akin. "Mine is Alon" gaya ni Lorenzo ay nakipag kamay din siya "Alon as in waves?" Nagdadalawang isip pa ako kung itatanong ko ito. Bahagya siyang tumawa ng mahina. "Youre funny, mukhang magkakasundo tayo, but yes Alon as in waves" ngumiti pa ito at mas nangibabaw ang dimples nito. "You know maybe I'm a good matchmaker, what do you think?" Nabaling ang atensyon naming dalawa kay Jewel na ngumingisi kasama na ng mga pinsan niyang tumatawa. "Why not! Clair he's single since birth, malay mo ikaw makakapagpabago diyan" Tuwang tuwa si Ayang sambit ito Natatawa nalamang si Alon habang nagkakamot ng batok, I find him cute tho. "What? You like her Alon?, shes not chinese, shes not even rich! I doubt kung magugustuhan sila nila tita" sabat naman ni Jonas. "Well, I can fight for her and even if shes not rich, wala sa pera ang pagmamahal Davon" ang yabang kasi nitong Jonas. "Just sayin' man" Tumayo na siya at para bang nainis bigla pero lagi naman siyang naiinis eh, pasan niya ang mundo kung baga. Habang hinihintay namin ang pagdating ng pamilya ni Jewel ay naglibot libot muna ako sa garden ng lugar nila, malayo ito sa harap kung saan ginaganap ang party. "So, malaki na ulo mo ngayon dahil feeling mo gusto ka ni Alon?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Jonas sa dilim. "Pakialam mo ba Loyola. Mind your own business Demon" Inirapan ko siya at nagtuloy tuloy sa may bench . "Well, hes just gonna make you a fling or a toy, he's a playboy Clair and he's notorious in that field" nagkibit balikat siya at tumalikod na paalis. "Why do I have the feeling that you are concern?" Lakas loob kong turan sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumisi. "What if I am Clair? Can you do something about it?" Tuluyan na siyang naglaho sa dilim. Hindi ko makalaimutan ang sinabi niya sa akin kanina, ngunit hindi dapat dahil alam ko kung bakit niya iyon ginagawa sa akin, pinapahirapan niya ako at ayoko 'yun. Mamaya maya lang ay bumalik na din ako sa party, sinalubong ako ni Autumn. "We've been looking for you ang sabi ni Jonas ay umalis kana that jerk! " nanggagalaiti sa galit na sabi ni Autumn halatang napagod siya kakahanap marahil sa akin. "Pasensya na, naaliw ako sa garden" totoo naman iyon napakaganda kasi ng garden dito . "Resthouse to nila tita Alyssa, mahilig kasi siya sa garden at bulaklak eh!" "Tita Alyssa the -" pinutol niya ang sinabi ko. "Yup! The one Jewel is telling you na kamukha mo, I found it odd too tho, well madami namang magkakamukha sa mundo" nagkibit balikat na lang ito at hinatak na ako sa loob ng bahay. Nadatnan namin sa loob ang mga kakaibang mukha at namangha ako dahil sila pala ang mga pinaggalingan ng mga lahi ng Montecillo, no doubt nga na magaganda ang lahi nila. "There you are! Akala ko umalis kana eh" Si jewel habang palapit sa akin, hindi ko alam kung clingy lang talaga 'tong isang to o sadyang napakaactive lang niya. Napalingon sa amin ang lahat, naglapitan sila sa amin at tila ba namangha sa akin. "See I told you, pati kayo napatigil" sabat pa ni Jewel na tila ba natutuwa pa. "Is this possible?! Kamukhang kamukha ka ni Alysa iha" sabi ng isang babaeng parang koreana, siguro ay nanay ito nila Jewel dahil sa mata . Obvious kasi eh . "Wait 'till tita Alyssa came and everything will be so magic" sabi ni Autumn sa may likuran ko. Mamaya lamang ay nakarinig kami ng mga yabag ng sapatos papasok sa bahay. "Tita Alyssa, you came!" Patakbong sabi ni Jewel, nakatalikod ako kaya hindi ko pa makita ang kanyang mukha. "Of course princess, happy birthday!" Pagkakataong ito ay lumingon na ako dahil sobra na ang kuryusidad na sa aking katawan. Pagkalingon ko ay namangha ako totoo nga kamukhang kamukha niya ako para bang nagpaphoto copy ka lang ng isang dokumento. Pagkakalas ng yakapan ni Jewel at ng kanyang tita Alysa ay bahagyang napatingin sa akin si Tita Alyssa at ganon nalamang ang aking pagkabigla ng tawagin niya ako sa ibang pangalan. "Jasmine" nauutal pa niyang sabi habang maiiyak na ata siya, humakbang siya sa akin pagkatapos ay yinakap ako. "I found you! My daughter" Ulit pa nito. Sino si Jasmine, at bakit pinagkamalan niya akong siya? Hindi na ako magtataka na nagulat siya dahil pati ako ay nagulat din na magkamukha kami ngunit bakit Jasmine, bakit hindi ito nabanggit sa akin ni Jewel, akala ko ba ay isang lalaki ang anak niya ngunit bakit anak ang tawag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD