Hinihintay ko si Alon ngayon dahil pupunta kami sa bookstore, may klase pa kasi siya ng isang oras eh kaya naghintay na lamang ako dito sa may cafeteria. "wala kanang klase?" napaangat ako kay Jonas na ngayon ay nakaupo na sa tapat ko. umiling naman ako dito. "hinihintay ko nalang si Alon, sasamahan niya kasi ako---" pinutol niya ang sasabihin ko. "alam ko" nabigla ako sa sinabi niya, alam niya? hindi na lamang ako umiimik. "kapag ba ako na ang sumama hindi na siya makakasama pa?" huh? bago pa makapagreklamo at makasagot at hinila na niya ako. sinakay niya ako sa kotse niya at pinaharurot ito sa kung saan. "saan mo ko dadalhin ?" tanong ko dito. si Alon ! baka madatnan niya ko doon na wala. "well, sasamahan kitang bumili ng mga libro mo" simpleng sabi niya sakin habang nasa kalsad

