kinakabahan ako. Mabilis na t***k ng mga puso ko. Hindi mapakali sa kinauupuan, kung hindi lang nakaaircon ay malamang pagpapawisan ako. Nagtataka ba kayo kung bakit unease ako? ito kasi ang gabi na ipapakilala ako dito bilang isang Jasmin Rose Montecillo at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Halo halo na! excited na natutuwa na kinakabahan at natatakot. Kanina pa nga din ako inaayusan ng mga designer dito sa kwarto ko! dito din kasi sa bahay ang venue ng party. Pinasuot naman ako ng isang white dress na para akong nagdedebut na parang ikakasal! bakit ba kasi white? pwede namang red o black o blue nalang. Napatingin ako sa kumatok na pinto at doon sumilip ang isang taong gustong gusto kong iwasan sa lahat. Jonas gusto ko na siyang iwasan dahil sa mga nangyayari, ayokong mas lumalim

