"Ate Ria! Ready ka na po ba?" Tanong ni Hakiel.
"Oo naman baby. Ready na si Ate." Nakangiting sagot ko.
"Kuya! Ready na po si Ate Ria, tara na po kila lola!" Ani ni Hakiel.
"Okay-okay, we will but first buckle up for safety." Patrick said.
Ginawa naman namin iyon at nagsimula na kaming umalis. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na din kami. Isang munting kubo lang andon at may malaking espasyo na para siguro sa pagbibilad ng palay at storage room ata ang nasa gilid ng munting kubo. Meron ding mga matataas na puno na siguro ay matagal ng nakatanim. Akala ko ay isang mansyon ito pero hindi, isang payak lang na pamumuhay ang nandito.
"Hakiel! Be careful! Baka madapa ka!" Sigaw ni Patrick pero hindi nakinig si Hakiel na sinisigaw ang pangalan ng lola niya.
"Lola Imelda! Lola Imelda! Andito po kami!" Masayang sigaw nito.
Bumukas naman ang pinto ng munting bahay at lumabas ang isang matandang babae na nakangiti.
"Apo!" Masayang sigaw nito.
Pumunta naman si Hakiel at niyakap ang kanyang lola. Pinugpog naman si Hakiel ng halik galing sa kanyang lola.
Inaya naman ako si Patrick na pumunta sa kanila kaya tumango ako at nagsimula na kaming maglalakad papunta sa kanila.
Nang makapunta kami ay agad na nagmano si Patrick at niyakap ang kanilang lola. Medyo napangiti ako ng makitang ganon si Patrick sa kanyang lola, siguro ay hindi naman talaga sya masama, he's a lieutenant after all.
Nang makita ako ng ako ng lola nila ay agad akong nagmano bilang paggalang.
"Ang ganda naman ng asawa ng apo ko!" Maligayang ani nito sakin na ikinagulat ko.
Asawa?? Agad???
"Fernan! Halika dito! Andito ang asawa ng apo nating si Patpat!" Pagtatawag ng matandang babae.
Medyo natawa ako ng tinawag nitong Patpat si Patrick.
"La! Patrick, hindi Patpat" Pagtatama niya.
"Nako tumigil ka Patpat! Fernan! Halika dito!" Sigaw ng lola nila.
Napakamot naman sa ulo si Patrick na parang sumuko na sa kanyang lola. So ganito pala sya pag dating sa mga lola nya. So cute!
"Oh! Andito nako!" Ani ng mandang lalake na papalapit samin.
Siguro ito ang lolo nila.
"Lolo!" Masayang ani ni Hakiel.
Bigla namang ngumiti ang matanda at niyakap ang kanyang apo. Lumapit naman sa kanya si Patrick para magmano at niyakap din ang kanyang lolo.
"Bilisan mo dyan. Andito yung asawa ng apo natin!" Masayang sigaw nito.
"Abay! Teka lang! Ang sakit na ng likod ko. Hinanap ko pa yung tungkod ko." Medyo iritadong sagot ng asawa ni lola.
"Nako apo, tayo na ang lumapit sa kanya. Mabagal ng lumakad ang asawa ko dahil sa kantandaan na din namin." Sabi sakin ni lola.
Tumango naman ako at inalalayan si Lola. Medyo pinipigilan kong matawa kase sobrang cute nila kahit nag aaway sila.
Nang makalapit ako ay agad akong nagmano at niyakap naman niya ako.
"Medyo malabo na ang paningin ko pero alam kong maganda itong asawa ni Patpat namin." Sabi ng lolo nila Hakiel.
Ngumiti naman ako. "Salamat po, pero hindi po kami mag asawa." Ani ko.
Napakunot naman si lola at tumingin kay Patrick.
"Apo, hindi ba ito asawa mo? Ang gandang dalaga neto. Gusto ko sya para sayo. Nako Patpat! Pakasalan mo na toh!" Ani ng lola nya.
"La, wag kang mag alala. Magiging asawa ko din sya, okay?" Sagot niya.
"Pano kung may ibang lalaking umagaw sa kanya at iyon ang pakasalan nya?" Ang loloko naman nya ang nagtanong na parang sinusubukan sya.
"Lo, subukan lang ng ibang agawin fiance ko. Makakapunta sila ng impyerno agad." Sagot ni Patrick habang nakatingin sakin.
Natawa naman ang lolo nya.
"Lahi ka nga ng Galvez apo." Natatawang ani ng kanyang lolo.
Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko pero hindi ko alam kung dahil sa takot o kilig.
"Nako kayo talaga! Tigilan nyo yan!" Sigaw ni lola. "Ikaw talaga Fernan pati itong si Patpat, tinuturuan mo ng ganyan!" Pagbabawal niya.
"Hindi ka mapapasakin kung hindi kita prinototektahan sa mga lumalandi sayo dati noh" Natatawang ani ni lolo na parang may may naalala.
"Sabagay. Oh sya tara na sa loob, sakto at tapos na ang niluluto kong pagkain." Pag aaya ni lola samin.
Nang makapasok kami ay panay ang kwento sakin ng kanilang lola at lolo. Ganun din ng kami ay naghain at kumain. Buti nalang sanay akong kumain ng kamay ang gamit dahil palagi kaming nagbu-boodle fight ng mga kaklase ko nung college.
Nang matapos kami ay si Patrick ang pinaghugas nila ng pinggan kahit ako naman ako ang nagvo-volunteer kanina. Ipinakita sakin ng lola nila ang mga pictures ni Patrick dahil inalagaan nila ito nung nasa ibang bansa ang magulang niya para magtrabaho. Si Hakiel naman ay nasa duyan kasama ng kanilang Lolo.
"Alam mo Apo, ikaw lang ang unang babaeng ipinunta nya dito." Pagku-kwento ni lola. "Ang sabi sabi kase nya noon, ang babaeng unang ipapakilala niya at ipupunta nya dito ay asawa nya kaya ganun nalang kami kanina kasaya ng makita ka naming kasama nya."
Hindi ako makapagsalita sa nalaman ko. Yes, fiance ako ni Patrick pero hindi pa naman kami kasal kaya bakit sya pumayag na dito kami pumunta?
Nang matapos akong kwentuhan ni Lola ay sinabihan niya akong maglibot libot muna dahil hindi kailangan na muna nyang matulog. Kaya sinunod ko sya.
Napagpasyahan kong sa mga matataas na puno maglibot dahil ang gandang pagmasdan ng mga ito at gusto kong tignan ng malapitan. Sa paglilibot ko ay nabigla ako ng makitang nasa harap ko si Patrick at may bigla nalang may nagbato ng isang mangga pwesto namin.
"Those kids" Inis na sabi nya at tumingin sakin. "Dapat sinama mo ako kung dito ka maglilibot, may mga batang nambabato dito."
Hindi ako makagalaw sa lapit namin. This is the first time na sobrang lapit ng mukha nya sakin! Yung puso ko! God help me!
Nakaramdam naman si Patrick na hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla kaya agad naman syang lumayo.
"S-salamat..." Ani ko.
Hindi naman sya nagsalita at para akong binabantayan. Bumalik nalang ako pabalik ng bahay at dun nalang nag stay. Si Patrick naman ay pumunta kila Hakiel.
Napasapo ako sa puso ko na hanggang ngayon ay ayaw paring maging normal.
Send help!!!!!!
|Giiigglesss|