Chapter 4

1066 Words
"Kuya!" Masayang bati ni Hakiel. Ako naman na hingal na hingal ay hindi nakatingin sa kanya. "Hey, how's your day going, baby?" Tanong ni Patrick kay Hakiel. "It's great po! Ate Ria and I became friends! I have friends kuya!" Masayang ani ni Hakiel na nakahawak parin sakin. "Hmmm.... that's good, but your Ate Ria is tired." Ani ni Patrick. Naramdaman ko naman ang kamay ni Hakiel at tinignan ko sya. "Ate Ria, are you tired po?" Tanong nya. Umiling ako. "No baby, I'm not." "But kuya said your tired. So I'm sorry po Ate, dapat I didn't pull you downstairs." Nakayukong aniya. Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya. "It's okay, okay? Don't sorry about it." Ani ko. Tumango naman si Hakiel at lumapit sa kuya Pat nila. Ako naman ay tumayo dahil para akong naglalampaso sa nangyari, nakakahiya. "Welcome home" bati ko sa kanya at yumuko ng konti. Nang tignan ko sya ay nakatingin lang sya sakin pero agad din siyang natauhan at tumango sa akin. "Ma'am! Nakalimutan nyo po ang tsinelas nyo!" Rinig kong sigaw ni Mila. Agad akong napatingin sa taas ng hagdag. "Nako, nag abala ka pa. Tataas naman nako pero salamat." Nakangiting ani ko. Tumango naman ito at binati si Patrick bago nagpaalam na umalis. "Okay ka na ba?" Tanong ni Patrick sa akin na ngayon ay kandong na si Hakiel. Wala naman na akong nararamdamang hilo kaya tumango ako. "Kuya! Tara sa Park!" Ani ni Hakiel at tumingin sakin. "Sama ka Ate Ria!" Nakangiting ani ni Hakiel. Nagkatinginan naman kami ni Patrick. "Sure baby, but you need to wear a sleepers first before we go out." Ani ni Patrick at agad namang nagpababa si Hakiel sa kanya at tumakbo sa taas. "Be careful baby!" Sigaw ko sa kanya. Nang kami nalang dalawa ay agad akong nagsalita. "K-kuhanin ko lang yung sling bag ko." Pagpapaalam ko at umalis na. Nang magkuha ko ito ay pumasok muna ako sa bathroom para mag polbo at magpabango. "Okay naman tong damit ko diba?" Tanong ko sa sarili ko mula sa salamin. Napailing nalang ako. Aish! Bahala na! Umalis na ako sa kwarto at isinukbit na din ang sling bag ko. 4 pm naman na kaya maganda itong oras para pumunta sa park. Nakita ko silang nagkukwentuhan sa baba at ngayon ko lang nakitang ngumiti si Patrick. Siguro dahil palagi syang seryoso nung nasa Manila pa kami. "Ate Ria!" Maligayang sigaw ni Hakiel kaya agad namang napatingin si Patrick sakin. Ngumiti naman ako at bumaba na. "Tara na ba??" Nakangiting tanong ko. "Opo! Tara na kuya, igala na po natin si Ate Ria sa park! Tapos bukas sa bukid nila Lola!" Masayang ani nito. Mahina namang natawa si Patrick at tumango kay Hakiel. Naglakad na sila kaya ganon din ang ginawa ko. Nang makalabas kami ako may isang matandang nagdidilig ng halaman ang kumaway sa gawi namin. Kinawayan naman ito ni Hakiel. "Magandang hapon po Mang Tero." Bati ni Patrick. "Magandang hapon po Lolo Tero!" Bati naman ni Hakiel. "Magandang hapon po." Bati ko naman. "Magandang hapon din sa inyo, aalis ba kayo? Bubuksan ko na ba yung gate?" Tanong nito. "Hindi po. Maglalakad lang po kami papuntang park." Sagot ni Patrick. Napatango tango naman ito at ngumiti samin. "Nako, anak. Ingatan mo itong magandang dalagang ito. Ingat kayo" Anito. "Opo Manong." Sagot ni Patrick. Pakiramdam ko ay namumula ako. Hoy Elena Victoria! Tigilan mo yan! Baka makita ka! Nang makalabas kami ng gate ay bumaba sa pagkakandong si Hakiel at hinawakan ang kamay namin Patrick na para kaming pamilya. Inilibot ko naman ang paningin ko. Siguro ay subdivision ito. Maraming mga bata ang naglalaro dito pero hindi iyon naging sagabal pag may dadaang sasakyan. Medyo malaki ang park nila kaya maraming mga batang naglalaro sa clubhouse. May mga istudyante ding sumasaya at nakita ko ding may basketball court sa likod ng clubhouse pero hindi kami doon pumunta dahil gusto ni Hakiel sa swing. Habang si Hakiel ay nagkikipaglaro sa ibang mga bata sa swing ay nakaupo lang ako sa isang bench na medyo malapit sa playground. May bibilhin lang daw si Patrick kaya ako muna ang nagbabantay kay Hakiel. Habang tinignan ko ang paligid ay narinig ko ang phone ko na nagri-ring kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Hello? This is Elena Victoria speaking." Panimula ko. "Frenie where are you??" I know who is this. "I'm here in Nueva Ecija." Sagot ko "Hindi man lang nag aya! Nag inuman lang tayo kagabi tas nandyan ka na!" Sigaw nito. "Wala akong masyadong matandaan kung anong nangyari kagabi pero nakita ko si Patrick bago ako mawalan ng malay." Pagku-kwento ko. "Hays, so ako lang mag isa dito mag isa? Ouch girl, I'm so hurt!" Pagda-drama ni Dia. "Hays, tumigil ka nga dyan. May pasalubong ka pag nakauwi ako. Okay?" "Sabi mo yan ahh! Walang bawian! Nako pag talaga, wala kang inuwing pasalubong, magtatapo na talaga ako dahil si yummy fiance mo yung pinagtutuunan mo ng atensyon." Anito na ikinailing ko. "Oo na." "Oh! Nga pala, may balita ako about Faith." Pag-iiba niya ng topic. "Spill it out." "Okay-okay, sabi ng pamangkin ko, may nakakaaway na lalake si Faith pero dahil matapang ang ating Faith. Our girl always win!" Masayang sabi ni Dia. "They bullied her? Or not?" Seryosong tanong ko. "Bullied? I think but prinototektahan naman sya nila Adrian at Alrian so no need to worry." Sagot ni Dia. "Salamat Dia. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sayo." Sabi ko sa kanya. "Always welcome frenie ko! Pasalubong ko ah! Bye bye na muna ah, magpapaganda na ako para pumasok. Love lots! Keep safe there! Mwuah!" At nawala na ang linya. Nang mawala ang tawag ay agad kong tinext ang number ni Faith para ipaliwanag na mawawala muna ako pansamantala. Buti nalang ay okay lang sa kanya kaya makahinga ako ng maluwag. Inilagay ko na ang phone ko sa sling bag at tinignan si Hakiel na ngayon ay nasa slide na masayang nagpapadulas kasama ng mga kalaro nya. "Soft drinks?" Ay! kabayong bundat! Napasapo ako sa nagulat ng marinig ang boses ni Patrick. "You okay?" Tanong ulit nya. "Y-yes." Sagot ko. "Here, It's royal and piattos. Baka nauuhaw ka na at nagugutom." Anito at ibinigay sakin ang royal at piattos. Wala ng nagsalita samin at nagsimula nalang kaming kumain habang pinagmamasdan si Hakiel. |Giiigglesss|
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD