NANG magising ako ay sakit agad ng ulo ang naramdaman ko. Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita.
"Don't move." Rinig kong sabi ni Patrick.
Sinunod ko naman sya at iminulat ang mata. Nagulat ako ng iba ang dekorasyon sa kwarto. Pinabago ba nya?
May inabot si Patrick na gamot sakin. "Here, drink this. Pampawala ng hangover." Ani niya.
Ako naman ay sumusunod lang sa kanya. Inabot nya din ang isang baso ng tubig. Ininom ko naman yon bago magsalita.
"N-nasan tayo?"
Inilagay muna ni Patrick ang baso sa isang table malapit sa kama at tumingin sakin bago magsalita. "We're in Nueva Ecija."
Nagulat ako sa sinabi nya.
"T-teka, bakit tayo nandito? Alam ba nila toh? Pano kung magalit sila? Si Faith? Teka hindi pa ko nakapag off, may trabaho pa ko." Sunod-sunod kong tanong.
Hindi pwede toh. Yung trabaho ko, pano na yun? Hindi pa ko nakapag paalam. Malalagot ako nito!
"Don't worry, I already told them 1 week ago. We're going to be husband and wife soon so your parents agreed to me to take you in a vacation." He seriously said.
Hindi nalang ako nagsalita at pabagsak na humiga sa kama at pumikit. I should call Faith and Dia about this later.
Narinig ko naman ang paglalakad ni Patrick palabas ng kwarto at nang narinig kong nakasarado na ito ay iminulat ko ulit ang mata ko at iginala ang aking mata sa kwarto na toh. Hindi ito kalakihan tulad ng bahay nya sa Manila.
Napabuntong hininga nalang ako at umalis sa kama para pumunta sa bathroom para naghilamos. Nangmakarating ako ay agad akong naghilamos para matanggal ang make up sa mukha ko at naghanap ng mouth wash. Buti nalang ay meron si Patrick dito kaya ito ang ginamit ko. Naisipan kong maligo kaso naalala kong wala pala akong damit dito. I should talk to him about this.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kita ko na umiitim ang baba sa mata ko. I need to sleep early.
Nang makalabas ako ay napahinto ako ng makita ako ang isang babae na may inilapag sa kama. Napatitig din sa akin ang babae bago umayos ng tayo at yumuko sa akin.
"Nandyan lang po pala kayo madam. Pinabibigay po ni Sir Leis itong mga damit para sa inyo." Magalang na aniya at nagpaalam ng umalis.
Ako naman ay tumango lang at nang makaalis ito ay agad akong kumuha ng damit at namula ang pisngi ko ng may nakita akong underwear at bra pero agad akong umiling sa naisip ko at kumuha nalang at bumalik ulit sa bathroom.
Matapos ng trenta minutos ay natapos din ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naka oversized t-shirt na black at high waist maong short na paborito kong suotin. Naghanap ako sa hair blower sa mga cabinet at may nahanap ako. Nang matuyo ang buhok ko ay umabas ako sa bathroom at kinuha ang sling bag ko at bumalik ulit.
Buti nalang ay may dala akong pamone para maitali ko ang itinirintas ko. Kaya ko kaseng i-braid ang sarili ko kaya ito ang ginawa ko. Magkabilang side ang itinirintas ko at nang maitali ko ay agad medyo ginulo ko ito para mag mukhang messy braid. Nang masatisfy ako at kinuha ko ang liptint na bigay sakin ni Dia dahil daw ang putla kong tignan. Nang mailagay ko ito sa labi ko ay nilagyan ko din ng konti ang cheeks ko para gawing blush on.
Tinignan ko ulit ang sarili ko at napangiti ako. Para akong hindi maputla dahil dito. Nagsinop na ako bago lumabas at iligpit naman ang damit na ibinili sakin ni Patrick. Mabait naman sya pero medyo nakakatakot kaya maraming lumalayo sa kanya dahil sobrang seryoso ang mukha niya, pang mangangain ng buhay. Kaya pati ako nahihirapang kausapin sya pag kinakausap nya ako. I feel like when I said one thing that he didn't like or bad he'll eat me alive.
"Hakiel! Magagalit kuya Leis mo pag pumunta ka dyan!" Rinig kong pagbabawal ng malapit sa pinto.
"But it's kuya's room! I want to see kuya!" Sigaw ng isang bata.
Agad akong tumayo at binuksan ang pinto at nakita ko ang isang maid at batang lalaking umiiyak. Napatingin naman sakin ang maid.
"P-pasensya na po ma'am, gusto po kase nyang pumunta dyan pero baka po kase natutulog kayo kaya binabawal po namin si Hakiel." Aniya.
Tinignan ko naman ang batang lalaki bago tumingin sa maid at bahagyang ngumiti.
"It's okay, he can stay here if he wants to." Ani ko at binuksan ng tuluyan ang pinto. "Here baby." Pag aaya ko. Nag aalangan ito kung papasok ba sya o hindi pero pumasok parin na ikinangiti ko.
"Don't worry about him, I'll take care of him." Ani ko at tumango ito. "Ahm, where's Patrick?" Tanong ko.
"M-may pupuntahan lang daw po sya saglit ma'am." Sagot nito.
Tumango nalang ako at nagrequest ng pagkain para sa bata. Nang mawala na ito ay isinarado ko na ang pinto at tinignan ang bata na pinunasan ang kanyang pisngi.
Lumapit ako ng konti sa kanya at umupo sa lapag.
"Okay ka lang baby??" Tanong ko at nag aalangang umiling.
"Huwag kang matakot sakin. Ako nga pala si Elena Victoria, pwede mo akong tawaging Ate Ria o Ate Elena." Pagpapakilala ko.
"H-hakiel po." Nauutal niyang sabi.
Dahil wala akong alam kung paano magpatahan ng bata ay kumuha ako ng lollipop sa sling bag ko at binigyan sya. Kinuha naman niya ito at parang gumana ang ginawa ko.
"S-salamat po ate Ria." Pagpapasalamat niya. Napangiti naman ako at tahimik lang hanggang sa maging okay sya.
Ganon parin kami sa pwesto namin ng matapos naming maubos ang binigay kong lollipop. Nikita ko siyang lumapit sya sakin at humingi pa ng isa. Binigyan ko naman sya at patagal ng patagal ay nagku kwentuhan na kami.
"Kaya ayun po, pumunta ako dito sa kwarto ni kuya Pat. Pinapayagan naman po ako nila Ate Mila tuwing pumupunta ako dito pero ngayon ayaw nila kaya umiyak po ako." Pagku-kwento nya.
"Ahhhhhh kaya pala, gusto mo dito ka matulog mamaya para mabantayan kita?" Tanong ko
"Talaga po ate Ria?" Tanong din niya na may kislap sa mata.
Tumango naman ako. "Oo naman, basta sasabihin natin yan sa kuya mo, baka pagalitan tayo eh. Nakakatakot kase kuya Pat mo." Ani ko.
"Hindi naman po ahh. Mabait po si Kuya, seryoso lang po talaga ang mukha nya palagi pero mabait po sya." Pagtatanggol nya sa kuya Pat niya.
Lihim akong napangiti sa sinabi ni Hakiel dahil para siyang si Faith. Ganyan din sya sa iba pag sinasabi ng iba na nakakatakot ako. Ginulo ko nalang ang buhok nya.
"Ate Ria?" Ani ni Hakiel.
"Hmmmm?"
"Gala po tayo bukas." Aniya.
"Sige ba, basta magsasabi tayo kay kuya Pat mo."
"Sige po!" Maligayang anito.
May narinig kaming sasakyan sa labas.
"Si kuya Pat po yun!" Maligayang sigaw ni Hakiel. "Tara po sa labas ate Ria! Puntahan po natin sya!" Pag aaya ni Hakiel.
Hindi naman ako makatanggi kaya hinitak niya ako pababa at wala pa kaming tsinelas kaya medyo masakit sa paa at pinapagalitan na si Hakiel ng mga maid pero hindi niya ito pinakinggan kaya muntikan na akong masubsob.
"Kuya!" Masayang bati ni Hakiel.
Ako naman na hingal na hingal ay hindi nakatingin sa kanya.
|Giiigglesss|