Happy reading ?
"Ate! Nasa honor students daw ako sabi ni ma'am Cassandra!" Masayang balita sakin si Faith.
"Congratulations baby! Yaan mo pag uwi ni ate dyan magbo-boracay tayo o kaya naman Palawan!" Bati ko sa kanya.
"Talaga ate?! Hindi ka nagbibiro?" Tanong nya sakin.
"Oo naman, kelan pa ako nagbiro ha?" Sabi ko.
"Ewan hahaha!" Sagot nya.
"Nako! Ikaw talaga. Nga pala baby saan mo gustong mag aral sa susunod na taon?" Tanong ko.
"Ahm, wala pa po akong alam eh." Sagot nya.
"Ahh, take your time baby. Susuportahan ka ni ate kahit saan ka mag aral okay?"
"Salamat ate, I love you!" Ani nya.
"I love you too baby."
"Sige ate mamaya nalang po. May practice po kami ng sayaw ni Aakil, yung kinukwento kong duwag sa dilim." Natatawang ani nya.
Narinig ko namang may sumigaw na lalake sa kabilang linya.
"Hindi ako duwag! Bansot!" Sigaw ng lalake.
"Maka bansot ka, duwag. Eh isang dangkal lang naman kulang para maging magkasing laki na tayo." Sagot ng kapatid ko.
Nasagutan naman yung Aakil at ang kapatid ko. Napailing nalang ako sa kanila. Hayst, dalaga na nga talaga ang kapatid ko.
Tinignan ko ang phone ko para i end na ang call. Nang magawa ko iyon ay ibinulsa ko ang phone ko at humiga sa duyan. Buti at pumayag yung may ari nito na dito muna ako dahil presko ang hanging dito. Ayoko kaseng mag kulong sa bahay, nakakatamad.
Habang nakatingin lang ako sa mga dahon na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin ay iniisip ko kung anong magiging buhay namin ni Patrick kung kasal na kami. Last of October ang kasal namin at medyo kinakabahan ako dahil it means na may panibago akong kakaharapin sa buhay at yun ay ang pag buo ng isang pamilya.
Alam ng Diyos kung gaano ko na kamahal si Patrick at natatakot akong sabihin kay Patrick ito dahil iningatan ko itong puso ko at baka masira lang kung sasabihin ko sa kanya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah. Eto buko juice, palamig ka muna. Medyo mainit eh." Sabi ni Patrick at ibinigay sakin ang buko juice.
"Salamat, nasan pala si Hakiel?" Tanong ko.
"Nasa kwarto nya, kasama sila manong Tero. Manonood daw sila." Sagot nya at napailing pa.
Natawa naman ako. "Pinilit na naman ba si lolo Tero?" Tanong ko ulit at tumango naman sya.
Napailing nalang ako dahil alam kong kinulit lang ni Hakiel si Lolo Tero para manood kahit na may gagawin pa ito.
Bumangon ako para makainom ng mabuti. Tumabi naman sya sa akin dahilan para kabahan ako.
"H-huy! Mabigat ka. Baka bamagsak tayong dalawa." Kinakabahan kong sabi.
"Ansakit naman magsalita, mas mabigat ng sya." Pabulong na sabi nya na ikinatingin ko na kanya.
"Anong sabi mo?" May inis sa boses ko.
Agad itong ngumiti. "Kako sasaluhin naman kita pag nahulog ka sakin, kaya wag kang mag alala." Kumindat pa ito.
Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang naputol ang tali ng duyan.
"Tangina mo ka Patrick!" Sigaw ko habang nasa lapag parin dahil sa sakit.
Ansakit! Kingina! Yung pang upo ko!
Nang mahawakan ko braso ni Patrick, hindi ako nagdalawang isip na diinan ang kuko ko. Narinig ko naman syang umaaray sa ginawa ko.
Aba! Hindi lang ako yung pwedeng masaktan sa ginawa nya!
"Kingina mo ka!" Pagmumura ko sa kanya.
Panangiwi lang ito at tinitiis yung sakin ng kuko ko.
Ilang minuto kaming ganon ng maramdaman kong tumayo si Patrick at pinagpag ang sarili. Nang matapos sya ay maingat nya akong inalalayang itayo. Kahit na maingat at ramdam ko parin yung sakit.
"Masakit ba?" Tanong ni Patrick sakin.
Agad namang sumama ang mukha ko at tinignan ko sya.
"Mukha bang hindi?" Inis na tanong ko.
Napakamot nalang ito ng batok saka tinuluyan nya akong pagpagin ang summer dress na binili nya sakin. Pasalamat sya at dark green itong suot ko, dahil pag puti toh malilintikan talaga sya sakin.
Napahinto kaming dalawa ng muntikan ko na syang mahalikan ng paglingon ko. Napatingin ako sa mata nya. His eyes are brown. Nakakaingit, itim kase akin. Pero kahit na ganon ay ramdam ko ang pagbilis ng puso ko.
Napapikit ako ng maglapat ang mga labi namin. Its just a simple kiss but my heart is pounding so fast. Akala ko ay hanggang doon lang yon pero mali pala ako. Naging malalim ang halikan naming dalawa, hindi ko alam pero para akong nanghihina. Napaghiwalay lang kami ng naubusan kami ng hininga.
Sa hindi malamang dahilan ay gumalaw ang kamay ko at masuyong inilapat iyon sa pisngi ni Patrick habang nakatingin parin kami sa isa't isa. I feel weak...
"Elena...." Mahinang sabi ni Patrick.
"Patrick..." Mahinang ani ko.
"Will you.....marry me?" Tanong nya sakin.
Inilapit pa nya ang kanyang mukha sa sakin.
"I know, you will be my wife soon but I want a proper way to propose to you. I know, this is not your ideal place when someone proposes to you but even so..... I still want to tell you this. Will you marry me?" Bulong nya sakin at lumuhod sa harap ko at kinuha ang box na may singsing sa loob na yon.
The ring is a silver color with a blue gem in the middle. It's so beautiful.....
Sa kasihayan ng nararamdaman ko ay mapaiyak ako at tumango sa kanya.
"Oo, Patrick... I will marry you. I will." Maligayang kong sabi habang umiiyak parin.
Bigla nalang napatalon si Patrick at sumigaw sigaw pa.
"Yes! Yes! Yes!" Masayang sigaw ni Patrick at mahigpit akong niyakap. Natawa nalang ako sa inasal nya.
Pinugpog pa niya ako ng halik na mas ikinatawa ko.
"Tangina mo ka, isuot mo na yan sakin tas ayusin mo yung sinira mong duyan." Natatawang kong utos sa kanya.
Inilagay naman nya ang sising sa daliri ko at napangiti sya sakin bago nya ako tignan.
"It fits on you" nakangiting ani nito.
Napangiti naman ako at niyakap siya.
Nang makita kong nasa balkonahe si Hakiel na kasama sila Mila at ang iba pa. Masaya kong itinaas ang kamay ko na may singsing. Napangiti naman sila Mila at pumapalakpak naman si Hakiel.
"Elena?" Bulong sakin ni Patrick.
"Hmm?"
"I love you" Bulong nya.
Napangiti naman ako at naiiyak na naman sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
"I love you too Patrick" Masayang sagot ko.
I felt so happy and contented.
|Giiigglesss|
[Sayang bawal ipakita yung pic ng singsing]