CHAPTER 21 Panay ang pagluha ng mga mata ni Jewel ng siya ay magising. Hindi siya makapagsalita. May nakasalpak na tela sa kanyang bibig. Nakatape ang kanyang mga kamay sa likuran gayundin ang kanyang mga paa. Lahat sila ay pareho ng kanyang sitwasyon. Ang ilan ay hindi pa nagigising. Sa bilang niya ay labing lima silang kababaihan sa loob ng kwarto. Mayroong bintana na bubog na siyang nagbibigay ng liwanag sa amin. Nakikita niya ang kalangitan. Nakakaramdam na siya ng gutom at pagkauhaw. Walo na silang gising na at nag uusap ang kanilang mga mata. Napansin niyang iba't ibang lahi silang nasa loob ng kwarto. Kusang tumigil ang kanyang mga mata sa pagluha. Naririnig niya ang ugong ng sinasakyan nila. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa yate sila ngayon o anumang sasakyang pandagat.

