CHAPTER 20
Nag aagaw buhay ang limang binata na isinugod sa hospital.
Naging mahigpit sa loob at labas ng maingate at naging restricted area ito kung saan nangyari ang barilan.
Walang pinalabas sa guest at maging si Timothy na kanina pa nag aalala ay walang nagawa. Hindi siya mapalagay at siya lamang ang guest napaikot-ikot sa lobby.
"I need to go out! My wife is not yet here! Sigaw ni Timothy sa front desk.
"Sir we are really sorry po pero we need to follow the orders po. We can't give you a ride without the permission of the head. " tugon ng front officer.
Masyadong maingat ang mga empleyado sa loob ng hotel kaya sa radyo ay naka numerical ang mga impormasyon na lalong nagpapainis sa kalooban ni Timothy. Ang mga putok ng baril kanina ay hindi maalis sa kanyang isipan.
Walang kaalam alam si Timothy na si Jewel na pala at ang limang guard nito ang pinagkakaguluhan sa radyo.
Pasado alas tres nang madaling araw ng tinawagan ng kapulisan si Timothy at agad itong pinayagang lumabas ng villa.
Sumakay ito agad ng shuttle at pagkarating ay sinalubong ng isang pulis.
"Mr. Timothy Green? " paninigurado ni Sarhento Dalisay.
"Yes sir. Anung nangyayari dito? " kabadong tanung ni Timothy.
"Wag po kayong mabibigla. Sumama po kayo sakin at habang nasa byahe ko po ipapaliwanag. "
Agad silang sumakay sa mobile police car.
"Where is my wife?" agad nitong tanung kay sarhento.
"Were on our way going to the nearest hospital sir. " at dito na nanghina si Timothy.
"Five of your men are now in danger. 50/50 po sila ngayon. Ayun po sa tama ng mga bala sa katawan nila himala na lamang ang kanilang pag asa para mabuhay. "
"What!? Direct to the point! Where is my wife!? How is she!? "
"We don't know yet sir kung nasaan po ang asawa ninyo. Ang makakasagot lamang po nito ay ang limang taong nasa pangyayari. Kumikilos na po ang mga kasamahan ko. Bagamat ihanda nyo narin po ang inyong sarili. Wala pa pong lumalapit sa amin upang maging saksi. Gagawa po kami ng paraan para sa iba pang impormasyon. "
"f**k! " Napamura nalang si Timothy.
"Ang ipinagtataka lamang po namin ayon sa security guard ay galit si Mrs. Jewel Lyca Cannor Green noong lumabas ng maingate. Nag-away po ba kayo? Malayo ang agwat ng kabahayan sa property ng Cannor. Makipagtulungan po kayo samin sir. Kukunan rin po namin kayo ng statement. "
Hindi na nakasagot si Timothy.
Nakarating na sila Hospital. Nasa emergency room parin ang lima. Alasais emedya na ng umaga ay hindi parin lumalabas ang Doctor.
May iniwan na kapulisan sa loob at labas ng hospital. Maging sa hotel ay nagcoconduct narin searching sa nawawalang si Jewel. Kinuha rin nila ang files ng mga cctv sa labas ng maingate.
Bukod dito ay nakatanggap na rin sila sa malapit na presento ng mga nawawalang kababaihan ng araw na yun. At mismong sa kanilang presento ay may nagreport na hindi nakauwe ang kanikanilang anak. At ayon pa sa mga nakakita ay sapilitang isinakay ang mga ito sa itim na van.
Lumalabas na mga kababaihan ang target ng itim na van. Human trafficking or kidnap for ransom ang magiging dahilan ng biglang pagdukot sa mga kababaihan nung gabing iyon. Ito ang unang pangyayari sa island ng Palawan na sabay sabay na nawala ang halos 38 kababaihan. May kasama ring mga dayuhan. Isa na rito si Jewel.
Agad na nakarating sa Cannor family ang naganap na pangyayari. Kumalat narin ang balita sa social media. Headline ang pangalan ni Jewel Lyca Cannor Green.
Dahil sa mabilis na kumalat balita, hindi na nakasama si Mrs. Cannor paluwas ng Palawan dahil inatake na ito sa puso at isinugod narin sa hospital.
Si Manang Fe ang kinausap ni Mr. Rowel upang alalayan ang kanyang asawa bago siya magdesisyong umalis.
Ang mag amang Ralp at Roy naman ay nalungkot sa pangyayari. Ninais rin ni Roy lumuwas ng Palawan upang tumulong sa paghahanap ngunit kailangan muna niyang ayusin ang lahat bago siya umalis.
Naunang umalis nung araw na yun si Don Franco. Sakay ng private plane ay marami itong dalang tauhan upang magbantay at tumulong sa paghahanap sa apo.
Si Timothy ay kasalukuyan ngayon na nasa presento at nagbigay na ng kanyang statement noong dumating si Don Franco sa hospital.
Kaya naman agad na pumunta si sarhento at Timothy sa hospital at doon na sila nagpangita at dito narin ibinalita ni Sarhento Dalisay ang naganap na pangyayari.
Kasalukuyan sila ngayon sa kwarto ni Agent Kim na katatapos lamang ang operasyon at nakaligtas na sa kamatayan. Gayun din ang apat pa nitong kasamahan.
Si Drey ay wala pang kasiguraduhan na magigising ngunit ligtas narin ito.
Ayon sa doctor ay kailangan nilang maghintay ng tatlo hanggang pitong araw upang magising ang apat.
Nagsalaysay na si Sarhento Dalisay. Ayon dito ay gumamit nga ng limang itim na van ang mga kalalakihan upang manguha ng kababaihan. At iniwan lamang ang mga sasakyang ito sa daungan.
Natrace narin nila ang mga nag mamay ari ng mga sasakyan na ayon sa kapulisan ay ito ang mga nacarnap isang Linggo na ang nakakaraan.
Ayon parin sa mga ito at planado ang paglusob sa isla ng Palawan at hindi napaghandaan ng mga kawani ng kapulisan.
Kuhang kuha rin sa cctv ng gabing iyon ang tatlong yate na umalis lulan ang mga babaeng binuhat na animoy mga walang malay.
Nang hina si Timothy at napaupo sa silya sa loob ng kwarto ni Kim.
"Saan ang ruta ng mga yate? " walang emosyong tanung ni Don Franco.
"Pinag-aaralan pa po namin ngunit mataas ang posibilidad na Mindanao area po at ang malapit sa Malaysia ay ang Basilan. Kumikilos napo ang ahensya ng gobyerno dahil sa pangyayaring ito. "
"Gawin nyo ang lahat maibalik lang ang apo ko! Name your price! Damn it! Handa akong maglabas ng kahit magkano!!! " sigaw ng matanda.
Binalingan nya si Timothy matapos sumigaw. Tinitigan niya ito ng may nakakatakot at nanlilisik na mga mata na may kahulugan.
Nung araw ding yun ay pinauwi ng maaga ang sampung empleyado ng EMJH.
Agad ding tinawagan ni Don Franco si Rex sa England.
Matapos ang dalawang araw ay dumating si Rex at ang ama ni Jewel na Si Mr. Rowel.
Agad na pinuntahan ni Rex ang presento upang makuha ang lahat ng detalye.
Pagkatapos nito ay bumalik siya sa hotel kung saang villa sila Jewel nag check-in.
Kinuha niya ang lahat ng bawat sulok na kuha ng cctv sa hotel dahil may isang bagay na nakaagaw sa kanya ng pansin.
Galit si Jewel ng mga oras na yun sa anung dahilan gayung hindi naman nag away ang mag asawa ayon sa statement ng asawa nito.
Dito niya nakita ang mga pangyayari. Ang cctv sa hallway, sa lobby, sa beranda na nabuhay ang galit niya sa lalaki, sa maingate at naganap na pagdukot ng mga kalalakihang nakatakip ang mukha at mga balang di malaman kung saan nagmula na halos ikamatay ng kanyang mga kasamahan.
Agad niyang pinuntahan ang kwarto nila Kim, upang hanapin ang umagaw sa kanyang paningin...narito ang brown envelop na nakita niyang kinuha ng binata sa loob ng kwarto nila Jewel.
Binuksan niya ito at dito na tuluyang nahulog ang kaniyang mga luha. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pinakamamahal niya. Wala siya sa tabi ni Jewel upang alalayan ito.
Agad siyang umalis ng hotel at tumungo sa hospital dala ang brown envelop. Madilim at hindi maipinta ang kanyang mukha.
Wala pa itong tulog mula ng malaman niya ang nangyari. Halos 26 hours siyang nasa byahe dagdag pa rito na nasa trabaho ito ng mga oras na tumawag ang matanda.
Ng makarating siya sa kuwarto ni Agent Kim, huminga siya ng malalim. Naroon ang matanda at ang ama ni Jewel kasama si Sarhento Dalisay at agad niyang nakita si Timothy.
Agad niya binitawan ang brown envelop sa table at agad na inundayan ng suntok ang mukha ni Timothy. Hindi siya tumigil hanggang hindi ito dumudugo.
Natigil lamang ang panununtok ni Rex kay Timothy ng namagitan na ang mga police sa labas ng kwarto ngunit sumisigaw ito.
"f**k you man!!!! f**k you!!!! Sinabi ko ng huwag mong sasaktan si Jewel hayop ka!!!!!! Damn you!!!!!" nanggigigil nitong wika.
"Damn it! Enough!" sigaw naman ni Mr. Rowell.
"What is the meaning of this!? Rex what are you talking about!? " nagtitimping galit ni Mr. Rowell.
Agad na pumiglas si Rex sa mga nakahawak sa kanya at kinuha ang brown envelop.
"Annulment paper. She already signed on it! Did you heard me? Malaya na kayo ng babae mo!!! " panimula ni Rex.
"s**t! f**k you man! Kasama mo pa talaga ang babae mo nung oras na yun!!! Oo nakita ni Jewel ang mga yun! Ang paghalik mo sa babae mo! f**k you! Hindi na kayo nahiya! Hayop ka!!! Hindi mangyayari kay Jewel yun p*tang *na mo ka!!! " madiin nitong wika sa galit.
Dahil sa narinig, si Mr. Rowel naman ang sumugod kay Timothy. Ngunit agad naman itong naagapan. Humahagulhol na si Timothy.
Agad na gumawa ng action si Don Franco at harap harapan kay Timothy ay inutusan niyang ipadakip sa police si Jenly Rivera at gawan ng paraan upang hindi makalabas ng kulungan. Ikinagulat ito ni Timothy.
Kilala niya ang matanda at tuso ito. Alam niyang hindi makukulong si Jenly dahil lamang sa sitwasyong ito ngunit sa tumatakbo sa isip ng matanda ay hindi malabong mangyaring gagawa ito ng maduming paraan.
Siya ay makakasuhan ng Adultery dahil sapat ang mga ebedinsya ng mga ito laban sa kanya.
Muli siyang nagkaroon ng problema dahil kapag siya at si Jenly ay makukulong , ang kanilang anak na si Anja..... papaano na....
Hindi makaimik si Timothy. Si Timothy na wala ng lakas na ngayon ay pati sarili ay kaniya ng sinisisi.
****
Mabilis ang pangyayari, galing palengke si Jenly ng mga oras na yun ng bigla na lamang siyang hinuli ng mga pulis sa daan at may dinukot sa kanyang bulsa.
"Positive sir! May droga nga po sir! " sigaw ng isang pulis.
"Isakay na yan! " utos ng head nila.
Gulat na gulat si Jenly. Litong lito.
"Sir wala po akong alam dyan! Maawa po kayo! Sir di po ako gumagamit niyan! Tulungan nyo ko!!!"
"Sir ito rin yung babae sa cctv na kabit ni Mr. Green! Sikat na sikat ka na miss! Drug addict ka rin pala Tsk! Tsk! User" panunutya ng isang pulis
"Tama na yan! Sa presento ka nalang magpaliwanag. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. Do you understand the rights I have just read to you? With these rights in mind, do you wish to speak to me?”
wika ng isang pulis na napaluha nalamang si Jenly.
Mas lalo ng kumapal ang dami ng tao sa palengke upang makiususero at umususera sa mga nangyayari. Ang iba naman ay nakilala agad ang dalaga.
"Ay kababaeng tao ka Jenly! kaganda mo pa namang bata ka! Sinayang mo sus ko! akala ko ba naman napakatalino mo! User ka pala! Kabit din!!!! maitim na kawaling pagmumukha!!! Gold digger! Pweee! Kawawa yung niluko nila, ang tanga din naman ng lalaki eh, dyosa na ang asawa nagawa pang ipagpalit!!!! "
"Oo nga! Nakakahiya! " mga bulungan ng mga tao sa paligid.
Tuluyan ng kumawala ang mga luha ni Jenly.
Sa presento... Agad na dumating ang attorney ng Green family.
"Tsk! Tsk! Malakas ang ebidensiya nila sayo Miss Jenly, hindi kita mapyensahan. Sunod sunod na kamalasan toh sa inyo! Update nalang kita dahil kailangan ko ring lumuwas ng Palawan at----haiii mauna na ako! " aboridong wika ng abogado.
Hindi nga nagtagal ang abogado nito dahil tumawag si Mr. Timmy regarding sa kanyang anak. Naiwan ang mag ina sa presento.
"Anak...... Anu bang nangyari.....? " naiiyak na tanung ng kanyang ina.
"Mama hindi po ako nagdrudrugs..... Hindi ko po alam kung paanong nagkaroon ako nun sa aking bulsa..... "
"Anak alam ko yun! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin ehhhh .... Ikaw! kalat sa social media ang mukha mo...... Balitang balita! Nakita rin ito ng anak mo..... Bakit nangyayari ito.....!? Jenly! Hindi man lang kayo nag iingat!!!!! Sinasabi ko ng mangyayari ito ehhhh!!!!! Hindi ka manlang nakinig sa akin!!!! Maling tao ang binangga ninyo!!!! Ang tanga tanga mo!!!!! "tuluyan ng humagulhol ang ina ni Jenly.
"Mama sorry po....... sorrry..... " umiiyak na tugon ni Jenly.
Napapailing na lamang ang ina niya.
"Mama si Anja please wag nyo pong pababayaan..... "
"Si Anja.....ang apo ko.... Ngayon mo lang naisip ang apo ko! Kinuha na ng magulang ni Timothy...... Jenly!!! Ilalabas nila ng bansa si Anja.... Jenly!!!!! Ang apo ko!!!! " humahagulhol muli ang matanda
"Mama no!!!!! Bakit kayo pumayag!!!!? " sigaw ni Jenly.
"Sa tingin mo ba may magagawa ako!? Galit na galit ang magulang ni Timothy sa ginawa mo! Di ka man lang nag iisip! Sinabi ko na sa iyong hindi na ikaw ang mahal ni Timothy eh!!!! Pinalala mo ngayon ang sitwasyon! Pati kapatid mo nawalan ng trabaho dahil sayo!!!" patuloy na wika ng kanyang inang umiiyak.
"Winasak mo nanaman ang buhay nya Jenly..... Bakit......? Pati ang anak mo sinaktan mo......" lumuluhang tumayo na ito at iniwan ang dalaga...
Flashback......
"Ma, please suportahan nyo nalamang po ako.... gagawa ako ng paraan para bumalik sakin si Timothy, para samin ng anak ko..... Ako ang mas may karapatan kay Timothy dahil may anak kami.... "
"Tumigil ka Jenly! Wala na bang natitirang kahihiyan dyan sa pagkatao mo! Anak lang ang meron kayo! Wala ng nararamdaman sa iyo si Timothy at higit sa lahat kasal na sila!!! " galit na tinig ng ina sa kabilang linya ng telepono.
"Buo na po ang desisyon ko ma. Gusto ko pong makausap si Anja. "
"Sinasabi ko na sa iyo Jenly, hindi kita susuportahan sa gagawin mong yan! Wag na wag mo lang pagsisisihan ang mga hakbang na gagawin mo! Baka nakakalimutan mong makapangyarihang tao yang binabangga mo!" babala ng ina sa anak.
"Tama na po mama. Si Anja po....?"
Sabay abot ng ina ni Jenly sa apo ng makapasok ito sa kwarto ng bata.
Nakalabas na ito ng hospital at kasalukuyan na sila sa isang condo unit na pag mamay-ari ng Green family.
"Hindi ka pa daw natutulog dear sabi ng lola..... Bakit? " lambing niya sa anak.
"Hmmm di pa po kasi ako inaantok mommy eh. "
"Namimiss mo na ba ang daddy? "
"Hmmm slight lang po. Kayo po ang namimiss ko mommy..."
"Gusto mo tawagan natin sya... Si daddy? Kasama ko sya ngayon.... "
"Jenly ! " narinig niyang saway ng ina dahil nakaloudspeaker ito at rinig niya ang sinasabi nito sa anak.
"Hmmmm huwag na po mommy kasi sabi nya, siya daw po ang tatawag sakin kasi busy sya.... "
"Hindi na sya busy anak....wait lang I call you back, video call tayo after ha.... Hmmmm anak favor si mommy, sabihin mo sa daddy na kiss nya ako kasi you want us to be together ha.... " lambing niya sa anak.
At agad namang pinatay niya ang tawag sa anak at idinial niya ang numero ni Timothy. Alam niyang iba naman ang pangalan niya sa phone nito kaya malakas ang loob niyang tumawag dito.
"f**k! " agad na sagot nito.
"Anja want to talk to you. Nasa beranda ako. " agad nitong sabi.
Maya maya ay nakita niyang lumabas na si Timothy pinakita niyang kausap nga niya ang kanyang anak.
"Oh anak nandito na ang daddy.....diba miss mo na sya.....? I told you hindi na sya busy..... "
Tuwang tuwa naman ang bata sa kabilang linya. Nakipagwentuhan pa ito.
Tulad din ng bilin ng ina sa bata ay sinunod nga nito ang ina, kaya naman kahit napipilitan ay saglit na hinalikan ni Timothy si Jenly sa pisnge ngunit agad naman muling hinila ni Jenly si Timothy at hinalikan ito sa labi.
Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang batok at binitawan ang cellphone sa table at naputol na ang tawag sa anak.
Bagamat nabigla si Timothy ay pumiglas siya rito at hinawakan ang dalawang braso ng babae at pwersahang inilayo niya ito.
"f**k you damn woman!" agad nitong sambit.
"I'm just..... I'm sorry..... Mahal na mahal lang kita Ty..... Please bumalik ka na sakin..... "
"Shut up! "
"Gagawin ko ang lahat Ty bumalik ka lang...... Kailangan ka namin ng anak mo..... Isa pa mauunawaan naman ni Jewel yun Ty dahil wala pa naman kayong anak.. Tayo ang mayroon.... " umiiyak nitong sabi at nagmamakaawang yumayakap pa sa kanya...
Dito na sila naabutan ng personal guard ni Jewel. Napangiti si Jenly sa pangyayaring ito.
Present....
Nagulat din siya sa pangyayari..... Hindi niya alam na hahantong sa ganito ang pagmamahal niya kay Timothy.
Labis siyang nasasaktan dahil lahat sila ay unti unti ng nawawala lalo na ang mahal niyang anak.
Si Timothy..... Nasaktan niya ito ng labis..... Walang kasalanan si Timothy dito. Ito ang mga pumapasok sa isipan ng dalaga.
"Hoy ikaw yung artista ngayon sa TV ahhhh!!! yunn oh makinig ka! Tingnan mo!!! Hehe landi mo, may asawa na eh pinatos mo pa! Tingnan mo pareho kayong kulong oh!!!! Ang gwapo ha..... Di kayo bagay miss..... Mas bagay sila ng asawa nya na sinira mo!!! Haiiiiist!!!! Sarap mong katusan! Nawawala ngayon ang asawa ng dahil sa inyo! "
Dito na naagaw ang kanyang pansin. Hindi siya updated sa balita. Hindi parin kasi ito pumapasok sa trabaho. Nawawala si Jewel. Siya ang pinagkakaguluhan nung gabing nakarinig sila ng putukan! Napatutop ng bibig si Jenly sa balitang kanyang narinig. Muli ay napahagulhol siya.
"Ay ang tanga! Iiyak iyak ka ngayon! Boseeeet!!!!! Nasa huli ang pag sisisi nohhh..... Katangahan mo tsk tsk!!!! " panunudyo pa ng isa. O natutuwa ka sa kaligayahan na ikaw na ngayon??? Hahaha useless din pareho kayong kulong! "
****
Patuloy paring nakikipagtulungan ang kawani ng gobyerno sa mga nawawalang kababaihan. Halos isang buwan na ang lumipas buhat ng dumating si Rex sa Pilipinas. Di parin ito tumitigil sa paghahanap sa dalaga.
Si Rex ay agad na napabalikwas sa kanyang hinihigaan ng mag alarm ang kanyang phone dahil nag-activate ang kanyang mini tracker.
Basilan ang itituturong lokasyon nito ng muling madeactivate. Kaya pala hindi gumagana ang kanyang tracker sa alaga dahil sa bundok naglulungga ang mga dumukot sa mahal niya.
Nakuha nya ang exact location nito. Lalo siyang nabuhayan ng lakas. Kahit kailan ay hindi siya nawalan ng pag asa na buhay pa ang kanyang si Jewel.
Agad niyang kinontact si Don Franco. Alas dos ng madaling araw.
"I need men sir. Natract ko na ang kinaroroonan ni Jewel. "