PROLOGUE

1954 Words
PROLOGUE Home for the Angels, Manila... I sat on the edge of my bed, my small hands clasped together as I stared out the window. The sun was setting, casting a warm orange glow over the orphanage's courtyard. Rinig ko ang ingay ng tricycle sa labas at ingay ng ibang kotse sa kalsada. I had been living at Home for the Angels for as long as I could remember. Wala na akong maalala kung sino ang nanay ko, sino ang tatay ko, hindi ko rin alam kung may kapatid ba ako o ako lang ang anak ng pamilya ko na ibinigay dito. Itong lugar na ito? It was a place of laughter and tears, of hope and despair. But for me, it was home. Wala naman akong choice, my own family never gave me a chance to choose. As I gazed out the window, inisip ko kaagad si Adler. We share secrets, dreams, and adventures. Adler was the one person who truly understood me, and who made me feel seen and heard. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Ngayon ay eleven years old lamang ako, pero siya ay thirteen na. Dalawang taon lamang siyang narito sa Home of the Angels, pero ngayon ay nasa interview na siya, dahil may gusto nang umampon sa kaniya. "Aampunin na kaya si Adler? Ate Solene?" Tinignan ko ang batang naririto sa tabi ko. Ngumiti ako sa kaniya at inayos ang buhok nito patalikod sa kaniyang tainga. "Hindi ko alam, Shiela. Pero kung kukunin siya, hindi ba ay masaya? Makakalaya na siya at magkakaroon ng pamilya," sagot ko. "Aampunin din po ako?" "Oo naman! May magmamahal sa 'yo at aampunin ka, Shiela." Niyakap naman niya, nang tumaas ang tingin nito sa akin, habang siya ay nakayakap. "Ikaw? May aampon po ba sa 'yo, Ate Solene?" Natawa naman ako sandali, hindi ko alam ang sagot. Sa murang edad ay nawalan na ako ng pag-asa. Napagod akong magtanong sa sarili ko kung bakit, hindi pa ako naampon. Pinanood ko ang mga dati kong kasama na ampunin at naiwan ako rito. Sanggol pa lamang ako ay narito na ako. Just then, the door burst open, and Adler himself walked in. His messy black hair was sticking up in every direction, and his bright blue eyes sparkled with mischief. Lumayo naman si Shiela sa pagkakayakap sa akin. "Adler!" Saka naman siya tumakbo papalapit kay Adler. "Inampon ka na? Iiwan mo na ba kami?" Hindi sinagot ni Adler si Shiela at binuhat ito't inupo sa kabilang kama. Pinagmasdan ko lamang siya, alam ko na ang dahilan kung bakit siya narito. Magpapaalam na siya, tulad ng mga naging kaibigan ko rito. Maiiwan din ako. "Sol," tawag niya, using his made-up nickname for me. Ngumiti naman siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Pinagmasdan ko lamang ang kaniyang asul na mata. "They adopt me," sunod niya. I smiled, feeling a warmth spread through my chest. Mabuti naman sa kaniya't umiwas na lamang ng tingin. "What are you looking at?" Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Napahinga naman ako nang malalim, pinipilit ang mga mata na huwag lumuha. "Just looking out the window," saad ko. "Watching the sunset," sunod ko pa. Adler nodded, lumapit pa siya sa akin, joining me at the window. Together, we gazed out at the fading light, the stars beginning to twinkle in the night sky... for the last time. "Babalik ako," ani niya, his voice low and serious. Iyan din ang sabi ng ilang kaibigan kong naampon, ngunit isa sa kanila ay hindi nagpakita. "Sol, tignan mo ako." Namumuo ang luha kong humarap sa kaniya. Kita nito ang pagpatak ng luha ko na madali naman niyang pinunasan. "Masaya ako sa 'yo, Adler. Hindi ka na mahihirapan dito." Umiling naman siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit na siyang naging dahilan kung bakit ako humagulgol. "Babalik ako, Sol. Babalik ako... papakasalan kita pagbalik ko." Naghalo ang iyak at tawa sa akin. Sa lahat nang umiwan sa akin ay siya lang ay may kakaibang sinabi, papakasalan daw niya ako. "B-Bata pa tayo." Hindi niya pinansin ang sinabi ko, bagkus hinubad niya ang nakasukbit na singsing sa kwintas nito. "Pangako ko sa 'yo. Babalik ako, para pakasalan ka. Hintayin mo ako." I nodded, feeling a lump form in my throat. I knew that Adler didn't mean every word he said, pero tinignan ko lamang siyang isuot sa akin ang kwintas na may singsing. It was a gold ring with red stone sa gitna. "Adler, ready mo na ang gamit mo," utos ni Ate Gemma. Pinagmasdan ko lamang siyang tumayo at inangat naman ang tingin ko sa kaniya, saglit lamang nang dampian nito ng halik ang noo ko. "Wait for me, okay? See you later, Sol." Iyon na ang huling salita niya na narinig ko matapos ang two years. Suot-suot ko pa rin ang necklace na may singsing na ibinigay niya sa akin. Isusuot ko iyon, kapag kasya na sa daliri ko. Ngayong araw ay ang kaarawan ko. Thirteen na ako ngayon, dalawang taon na rin ang nakalipas nang magkaroon na ng pamilya si Adler at buwan lamang ang nakalipas nang si Shiela naman ang ma-adopt. "May mga bisita mamaya, Solene. Maging mabuti kayo, ha? Bibisita rin mamaya si Mayor. May pasalubong iyon!" Pinagagaan nito ang loob ko, kaya ngumiti na lamang ako. "Thank you po, Ate Gemma—" Hindi ko iyon natapos nang may tumawag kay Ate Gemma, kaya't tumingin na lamang ako sa gate namin. May dumaan na pamilya mula sa labas ng gate. Natuwa akong pagmasdan sila lalo't hawak-hawak siya ng kaniyang ina. "Sige! Umiyak ka! Kapag makulit ka, iiwan kita r'yan, oh! Sige! Papaampon kita sa iba!" Hila-hila niya sa anak niya, habang siya naman ay may hawak na asul na plastik na may lamang gulay. Malapit lang naman ang palengke rito, kaya't alam kong doon sila galing. Bakit kaya ganoon ang pananakot nila? Papaampon, ibibigay sa guard, papahuli sa pulis. Ganoon ba kapag may pamilya? Samantalang kami, natatakot naman na hindi maampon. Natatakot na baka lumaki na lamang dito at sundin ang daily routine chart namin. Mula sa gate ay may humarang na magarang kotse, ngunit hindi naman iyon ang kotse ni Mayor Atienta. Kumunot ang noo ko nang may lumabas na animo'y modelo na gwardya na hindi ko maintindihan. Tinignan ako n'yon at dumiretso sa office ni Miss Mary. Iniayos ko na lamang ang mga laruan ng mga kasama ko sa lapag ng peke naming damo sa garden. Maging ang upuan nila ay inayos ko, nang tawagin naman ang pangalan ko ni Ate Gemma. Para siyang hindi magkandaugaga, nang lumapit siya sa akin. "Solene! Solene! Ayusin natin ang buhok mo! Magbihis ka ng maayos!" Nanlaki agad ang mata ko. Alam ko ang ibig sabihin n'yon sa tuwing sinasabi nila ang salitang iyon. "Magpapakabait ka, ha? Hindi ko narinig kung sino ang usapan nila, pero nakita kong itinuro ka ng lalaki mula sa portfolio mo!" Naluluha akong tignan ni Ate Gemma. Maging ako ay napaluha na rin sa harapan niya, habang nakaupo sa sarili kong kama. "Mag-iingat ka, Solene. Dadalawin mo kami, ah? Big time ang Daddy mo—" Kumatok sa pintuan nang tumingin kami ni Ate Gemma. Si Miss Mary iyon na nakangiti naman sa akin, "Solene, halika." Tumungo naman ako at lumapit kay Miss Mary. "Gemma, paayos na ng gamit ni Solene. Salamat." Hinawakan ni Miss Mary ang likod ko, habang iginagayak ako sa kaniyang office. Sa harap ng pintuan niya ay imbis na buksan—lumuhod ito sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko. "Solene? Mula sa loob ng opisina ko ay may magulang na magbibigay sa 'yo ng apelido. Maraming salamat at naging angel ka sa mga kapatid mo rito sa loob, Solene." Tumayo naman na si Miss Mary at binuksan ang pintuan, I walked in, my heart pounding with excitement and nerves. Ganito ba ang pakiramdam ng mga kaibigan ko? Magkakapamilya na ako! Sa mismong kaarawan ko pa! Bumungad sa akin ang lalaking nakita ko sa gate. Siya ba ang magiging daddy ko? Tumabingi pa ang mukha kong pagmasdan siya. "Solene, siya ang butler mo." Butler? Ano naman ang ibig sabihin n'yon? Kaanak ba iyon? "Hello, Miss Sol." Agad akong napalunok nang tawagin niya akong Sol, kahit sino man ay walang tumawag n'yon sa akin maliban sa isang batang nakilala ko at umalis dito sa orphanage, dalawang taon na lumipas. "K-Kumusta po," nahihiya kong bati. Hindi ko nabanggit ang pangalan niya, dahil hindi naman siya nagpakilala. Nagpaalam ito kay Miss Mary, at nang bumukas ang pintuan ay ibinigay naman ni Gemma ang gamit ko. Nagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko. Ang hirap magpaalam sa kanila, ganito ang pakiramdam ng mga kaibigan kong lumisan nang maampon sila. Mas masakit pala mang-iwan, kaysa sa iniwan. Sa pag-apak ko palabas ng puting gate ay nalungkot ako may saya. Pagbukas nito ng pintuan sa kotse ay kumaway na ako sa mga naiwan ko. Sa pagpasok ko ay sinundan ko ng tingin ang lalaki, but before I could ask any questions—ang lalaking sumundo sa akin ay nagsalita na nang makapasok. "Your... father is waiting for you. He's eager to meet you and take you home." Father? Hinihintay na ako ng daddy ko? May daddy na ako! Ano kaya itsura ng mommy ko? As I stepped out into the bright sunlight, nang makarating na kami sa isang bahay na malaki ay nanlaki ang mata ko. Ganito kayaman ang umampon sa akin? Ang laki! Bumaba ang lalaking butler at dala-dala n'yon ang gamit ko. I saw a strange woman waiting for me, nakaway pa ito sa pintuan. Sa kaunting paglalakad nang makalapit ako ay mariin akong nitong niyakap. "Ito ba si Solene? Kay gandang bata! Kaya pala gustong-gusto ni Young Master." Ang inakala kong nanay ko ay hindi, siya pala ang mag-aalaga sa akin. My eyes scanned the house, searching for faces. Hindi ko pa kasi nakikita ang daddy ko. Where is he? "Miss Solene, here is the letter from your..." Humina ang boses niya at tumingin naman sa babaeng may katandaan na, "From your father," pagpapatuloy nito. Binuklat ko iyon. Hello, Sol. Happy Birthday, My dear Sol. Yours truly, Daddy Niyakap ko naman ang papel na iyon. Natutuwa na alam niya ang kaarawan ko! Mabilis akong lumingat. "Nasaan po siya?" Nagkatinginan nanaman silang dalawa. "Ako na ang magpapaliwanag sa kaniya." Ang matandang babae. Lumapit naman ito sa akin. "Solene, ang... D-Daddy mo kasi, hindi pa siya maari magpakita sa iyo. B-Busy kasi siya, Solene." Napanguso naman ako. "Ang Mommy ko po? Narito po ba siya?" Natawa naman si ang ginang sa harap ko. "Sa ngayon, Solene. Iyon muna ang masasabi ko. Narito kami ng Jett para sa 'yo." Jett pala ang pangalan ng lalaking butler ko. "Tawagin mo na lang akong 'Nay Lourdes, Solene." "Paano ko po makakausap si Daddy? Ano rin po ang pangalan niya? May picture ka po n'ya?" Sunod-sunod ang tanong ko. Gustong-gusto ko talaga malaman, dahil ito lamang ang unang pagkakataon na magkaroon ako ng magulang. "Sa ngayon ay hindi mo pwede malaman. Iyon ang utos sa amin ni Young Master, Solene." Ibig sabihin kahit ang pangalan niya ay hindi ko alam? Maging ang mukha nito? Nanghina ang tuhod ko, paano ko siya kakausap? "Pero kung gusto mo siya makausap, maari kang sumulat, Solene. Sigurado akong susulat din siya sa iyo..." Sa pagsabi ni 'Nay Lourdes, ay madali kong kinuha ang papel at lapis sa bag ko. Hello, Daddy! Ang laki po ng bahay niyo! Masaya po akong magkaroon ng Daddy! Kahit hindi ko po kayo kilala ay nagpapasalamat po ako. Para kayong stanger! Pero ako kilala niyo at alam niyo birthday ko! Thank you, Daddy Stranger! Love, Amara Solene...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD