DADDY STANGER: KABANATA 1

1212 Words
HELLO, DADDY STRANGER KABANATA 1 “SOL!” Malakas na tawag iyon ng classmate ko. Tatlong taon na ang nakalipas nang maampon ako ni Daddy Stranger. Kahit anong search ko nga sa pangalan niya ay laging naka-shade ang mukha niya—o hindi naman kaya ay naka-blur. “Taray ni Amara Solene Alva!” Tumaray na lamang ako sa kaniya. “Emily,” tawag ko naman sa kaniya na pinanlakihan na lamang ako ng mata. Lumapit naman ito sa akin at ibinigay ang telepono nito. It’s a brand new phone—sixteen ata iyon. Iyon new phone upgraded version ng apple. “You should tell your Daddy to buy you a new one.” Taas-taas pa ng kaniyang kilay sa akin at tila pinakitaan naman ako ng ganda ng camera niya. Tinignan ko ang telepono ko. Fifteen iyon, parang halos last year lang ata ito. Kada may labas ang apple ay may ipinadadala ang daddy sa akin, kahit sinabi ko naman na ayos lang—nagagamit ko naman ang luma ko. “Alam ko naman na next day—mayroon ka na rin nito. Wait? Ditch tayo? Shopping?” Nanlalaki pa niyang mga mata kaya’t umiling naman ako. Ang hilig-hilig talaga ni Emily na mag-ditch ng class, nahihirapan ako kung minsan dahil nadadawit din ang pangalan ko. Nakakahiya naman kay daddy. “Wala akong pera,” sagot ko. “Girl! Hindi ako maniniwala!” Sabay hablot naman ng cellphone ko at agad naman iyong binuklat saka naman may ipinakita sa harap ko. “You have Amex, Sol! Aanhin mo ang black card mo kung itatambay mo lang d’yan sa cell phone case mo? God! So, baduy! Parang casing ni Yaya Marie!” I know, she’s the typical mean girl. Lahat nang makita niyang hindi kanais-nais ay lalaitin niya—but she is the truest person na nakilala ko. There are times na nakakapikon na siya, pero hinahayaan ko na lang. She’s Emily Royals. Lagi siyang binabansagan ng BDB, Blonde Dumb b***h, pero lagi niyang kini-claim na ang ibig sabihin daw ng BDB is Beautiful Delicious Blonde. “Ugh! Nakakainis kaya! Kinuha ni Daddy ang card ko, dahil lang sa bwesit na teacher na ‘yon.” Taray niya pa. Kinuha ko naman ang card ko saka isinuksok naman iyon sa cardholder mula sa case ng phone ko. “Hindi ka nga kasi napasok sa class niya, Emily. Natural lang na ibabagsak ka niya.” “You can’t tell that! Kaya hindi ako napasok, dahil hindi naman maganda ang turo niya. Walang napasok sa isip ko. It’s like it's making my head hurt! Paano kapag nagkasakit ako sa utak kakaisip ng mga pinasasagot niya? Who’s the father of science? I don’t even know the surnames of my Yaya’s! Iyan pa kaya?” Mahilig akong makinig ng rants niya. Siya lang naman kasi ang nakakasama ko lagi sa school. I don’t have friends, they used to call me the golden child, dahil lang naampon ako ng isang hindi kilalang elite na tao. Nag-aaral ako sa isang elite school na tanging mga you know ang nakakapasok sa paaralan na ito. Sadly, hindi man ito ang gusto kong school ay wala naman akong magagawa, dahil ito ang pinili ng daddy sa akin. Nakakabanas nga lang, dahil marami ang nakamata sa akin. Parang kanina lang ay sinabi kong hindi ako sasama sa kaniya sa pag-ditch, pero ngayon ay bitbit niya ako papalabas ng building nang agad namang bumagsak ang bagong telepono ni Emily sa lapag. “Oh! Sorry!” May accent na boses ni Camilla. Pupulutin ko na sana ang telepono ni Emily nang sipain naman niya iyon na ikinagulat ko. “Bagay pala sa ‘yo ang nagpupulot ng basura.” Nakatingin niyang wika sa akin na ikinakunot ko naman ng noo. “Camilla? Tigilan mo nga kaka-accent mo. You’re not even French.” Sabay kuha ni Emily ng phone ni Camilla na hawak-hawak lang din nito at ihinagis sa labas building. “The hell, Royals!” Galit niyang sigaw kay Emily. “Camilla, dear. I don’t mind if you kick my new brand phone, and I hope you don’t mind if I toss your cheap phone. Sabihin mo na lang sa Daddy mo na magpa-project siya ulit sa lungsod niyo, tapos hindi natatapusin para malaki ang mabubulsa niya mula sa pinaghirapan ng bayan—then, pabilis ka ng new phone mo.” Kita ko lalo ang galit niya kay Emily at humarap naman sa akin. Hinila naman ako ni Emily at kinuha naman ang phone niya sa kamay ko. “Bakit mo kinuha? Dapat siya ang kumuha n’yan, hindi ikaw.” “Hindi naman nakakababa ng pagkatao kung pupulutin ko ‘yan.” Ngumisi naman siya sa akin. “Kaya siya galit na galit sa ‘yo, dahil nabuking ang Daddy niya sa pangungurakot at pagbili ng illegal dahil sa daddy mo.” Natawa naman siya sandali sa akin at napailing. “Hindi mo ba talaga nakikita ang daddy mo? Strange na hindi mo pa nakilala,” sunod niya pa. “Wala akong alam kung sino siya, pagpasok ko sa school ay may apelido na akong Alva.” Nagkibit naman siya ng balikat at agad na niyakap ang braso ko. “Shopping na tayo, Sol! Libre mo ako, please?” Pagmamakaawa niya sa akin na hindi ko naman pinaunlakan. “Bakit ko naman gagawin ‘yan? Baka mamaya ay makita ni daddy na gumastos ako at ipagtabuyan niya na ako, dahil magastos ako.” “Hindi ka ba nagtataka? Your father is filthy rich—but he can’t travel back here, kasi? So many death threats? High-end profile? Bakit hindi ka na lang doon kung saang bansa siya naroon? Ano ‘yon? He didn’t know where to spend his money, kaya siya nag-adopt? Wow. Nakakamangha pa ‘to sa new Brazilian Butt Lift ni Amanda. Sana ni lift niya ang baba niyang tutusok na sa dibdib niya. That chin will kill her someday.” Napahinga na lamang ako sa mga pinagsasabi niya. Ganoon pa man ay napaisip na rin ako. Bakit kaya hindi na lang ako isinama ni Daddy Stranger sa kung bansa siya naroon? After ditching school, umuwi na rin ako agad. Saka ko nagtipa sa laptop ko para naman mai-send ko kay daddy ang nangyari ngayong araw, but of course, hindi ko sasabihin na nag-ditch ako. Alam ko naman na hindi niya ito binabasa pero araw-araw akong nagsusulat para sa kaniya. Para siyang journal ko at doon ako nagsusumbong, ayos lang naman, dahil hindi naman niya binabasa, e. Minsan nga iniisip ko baka hindi siya makaintindi ng Tagalog, kasi ang type ko laging in Tagalog. Hello, Daddy Stranger Sobrang happy ko ngayong araw! Ang dami kong natutunan! Lagi po akong grateful na inampon niyo po ako. Sana ay makita ko na kayo, Daddy Stranger. Mahal na mahal ko po kayo kahit hindi ko pa po kayo nakikita ng personal. Nagluto ni Nanay Lourdes ng Bicol Express! Ang sarap po! Ano inulam niyo kaninang tanghali? Iyong anak nga po ni Mayor Ravilla, nakabangga namin kanina ni Emily ‘yung best friend ko po. Malaki po ata galit no’n sa akin, Daddy Stranger. Sabi niya bagay daw sa akin ang nagpupulot ng basura. HAHAHAHA Miss na po kita, Daddy Stranger! Love, Amara Solene…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD