Chapter 9 Pauwi na kami ng Manila, nagpasundo kami sa driver nila Ate Nadine kasi inuwi nila Kuya yung sasakyan kagabi kaya nung pumunta kami sa Burnham Park, nag-taxi nalang kami. Nag-vibrate ang phone ko na nakasilid sa loob ng aking bag, agad ko itong kinuha para makita kung sino ang nagtext. From: Kuya Ice Stay at my condo first. Ayoko nga dun! Ang dami daming bawal sa condo ni Kuya at anong nakain niya para doon ako patuluyin?! Dati kasi lagi ko siyang kinukulit na magstay ako dun kahit isang araw lang pero ayaw niyang pumayag kasi magkakalat lang daw ako. Aso ba ako para tumae kung saan saan lang dun? Tapos ngayon, siya pa mismo ang nagtext na dun ako magstay, ano kaya talagang nakain nito? Thirdwheel na thirdwheel ang dating ko sa tatlong couples dito, kahiya naman!

