Chapter 8 "Nice! Bait talaga nila tita. Buti may chevy express kayo, Ice? Di ko 'to nakikita sa inyo ah?" Rinig kong sabi ni Cloud "Andun yan sa bahay nila Tita Kennedy pero nakay daddy yung susi." Sagot ni Kuya habang nagsasakay ng bagahe sa likod ng sasakyan "Kuya, palagay nadin nitong akin diyan." Kinuha niya yung bag ko at ipinatong dun sa tingin kong bag niya. Itinago ko yung earphones ko sa may slingbag ko bago pumasok ng sasakyan. Naabutan ko si Natalie na nakasimangot dahil tumabi si Rain sa kanya. Umupo ako sa may pinaka-likod kung saan katabi ko si Cloud na parang nakasinghot ng kung ano ano dahil any hyper! "Madaling araw palang, Cloud. Bakit hyper ka diyan?" "KJ mo naman, Ircy! Umagang umaga ang init ng ulo!" "Inaantok pa kasi ako." "Sana nagpadala nadin ng driver

