Chapter 7
Ang saya saya ko, andito si Besty ngayon sa bahay tsaka bati na sila ni Kuya. Buti naman at bati na sila! Shipper padin talaga nila ako, IceLie forever!
Nagda-date sila, yes but it's for the company pero mas okay siguro kung nagda-date sila kasi gusto nila, diba? Diba diba?
Agad akong nagayos ng sarili kasi makikipagkita ako kila Loisa, para nadin makababa muna ako dun sa may kitchen. Gagawa daw kasi sila ng cake para kay Rain, nag-away yata silang dalawa ni Natalie duon sa party?
"WHAT THE HELL IS SIFT THE DRY INGREDIENTS?" Sigaw ni Kuya
Pababa palang ako ng hagdan, rinig na rinig ko na yung pagsigaw niya. Yung mga maids, nakadungaw lang dun sa may kitchen, mukhang namromroblema na kung paano lilinisin lahat yun mamaya.
"Bakit ganito?"
Umupo ako doon sa may bar counter, hindi yata nila ako napansin. Masyado silang busy dun sa ginagawa nila.
Hay, kung sana ay naging sila na una palang edi sana wala nang panggulo sa buhay namin tulad nung Krizzia na yun.
"Wag kang adib. Alam ko na 'to. Watch and learn." Ani Kuya
Seryoso siyang pinagsama sama yung vinegar, vanilla syrup, oil, water tsaka egg. Para namang ang hirap hirap nung ginawa niya, makapag-watch and learn naman 'to.
"Ano ba yan, Ice! Bakit may mga egg shell pa'to? Babasagin mo na lang yung itlog, mali pa."
"Hindi ako nambabasag ng itlog. Ano ako? Babae?"
Natawa ako ng mahina at napa-facepalm nalang sa sinabi ni Kuya, iba yatang itlog yung iniisip niya.
"Pa-watch and learn, watch and learn ka pang nalalaman diyan." Sabi ni besty
"Anong sinasabi mo? Ha, Natalie?" Pinahiran siya ng flour ni Kuya sa mukha
"Aba bastos!"
"Pangit ka na nga. Pumapangit ka pa lalo. Pangit na pangit ka na." Pangaasar ni Kuya
Hindi naman talaga pangit si Besty, sa totoo lang, maganda nga siya. Siguro, way lang yung ng pagpapapansin ni Kuya sa kanya.
"Aba! Ano... Ano... Ikaw!" Kinuha ni besty yung spatula, mukhang hahampasin si Kuya kaso bigla siyang nadulas.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Kinikilig ako! Kakacry talaga silang dalawa. Nasalo siya ni Kuya kaya ang lapit lapit nila sa isa't isa.
Nakakakilig talaga silang dalawa, yung tipong kapag nagdikit lang sila, kahit siko lang ay kikiligin ka na.
Para tuloy akong nanonood ng telenovela. Mala- Sir Chief and Maya. Hehehe.
"Ayieee! Ang cute cute niyo talaga. Team IceLie forever! Heart heart!" Sigaw ko
Agad silang umayos ng pagkakatayo. Pumunta naman ako sa may refrigirator para kumuha ng tubig na maiinom, pinanliitan ako ng mata ni Besty kaya nag-peace sign lang ako.
Kakasabi ko lang sa kanya na maging matured na kami tapos gaganto-ganto ako. Hindi ko talaga kaya! Kakahiya, sakin pa talaga nanggaling!
"Oh, magpo-pour ka lang ha. Baka magkamali ka pa niyan." Sabi ni Kuya
Nakahalumbaba akong pinagmamasdan silang dalawa, di lang siya pinansin ni besty na namumula padin ngayon. Pati naman si Kuya ay namumula din, pinipigilan pa nga yung pagngiti eh.
"Besty, ayaw mo ba talagang tumulong?" Alok sakin
"Tapos na kayo eh. Pagkain lang ang maitutulong ko, you want?" Nginitian ko siya
"Hehehe! Joke lang! Sige, nuod ka lang diyan."
"Ako na magpapasok sa oven! Madali lang 'to. Watch and learn." Pagmamalaki ni besty
"Go besty!" Pag-cheer ko
Natatawa kasi ako sa kanilang dalawa ni Kuya, nagpapaliksahan, pareho namang mali mali yung ginagawa. Kaya nga ang cute cute nila!
Napaupo ako ng maayos nang marinig ko yung malakas na pagbagsak nung pan sa loob ng oven. Pagkalabas nung kamay ni Besty, pulang pula ito!
"Aray aray!"
Lumapit ako sakanya. Agad hinawakan ni Kuya yung dalawang kamay niya upang tignan 'to. Pulang pula talaga, parang naluto!
"Hala besty, namumula!"
"Humingi ka ng gamot kila ate, Ircy. Dalian mo." Utos ni Kuya
Dali dali akong tumakbo dun sa mga maids na naka-abang sa labas ng kitchen.
"Ate, gamot po sa paso. Dali, napaso si Natalie."
"Ah opo, sandali lang po." Nagmadaling umalis yung maid na inutusan ko.
Dumungaw ako doon sa kitchen at nakita ko silang nasa may sink, hinuhugasan ni Kuya yung kamay ni Besty.
Parang ayaw ko na tuloy ibigay yung gamot! Hayaan ko nalang silang dalawa dun, naghuhugasan ng kamay.
"Pa-watch and learn, watch and learn ka pa. Sino ba namang tanga na ipapasok yung kamay sa over ng walang gloves." Sermon ni Kuya
"Di mo naman ako binigyan ng gloves."
"You're still an idiot." Sungit talaga ni Kuya.
Pero kahit masungit siya, caring and sweet padin. Minsan nga ay duon niya idinadaan yung pagaalala niya, sa pagsusungit.
"Ma'am, eto na po." Inabot niya sakin yung gamot
"Shh ka lang, Ate. Mamaya ko na 'to iaabot." Tinuro ko sila Kuya sa loob, "Kapag okay na sila."
Nakakulong si Besty sa braso ni Kuya, na-corner siya sa may sink. Ang lapit nila sa isa't isa at hindi ko marinig yung pinaguusapan nila. Halos bulong nalang kasi kung magsalita si Kuya.
Nang humiwalay si Kuya, lumapit na ako sa kanila, "Kuya, eto na yung gamot!"
Sinulyapan ko si Besty na naka-tulala padin at naka-hawak sa may sink, parang humihingi siya ng supporta duon, kapag hindi siya humawak ay matutumba siya.
"Kuya, alis na ako ha? May aayusin lang ako." Pagpapaalam ko, "Bye besty!"
Umalis na ako dahil mukhang kailangan na nilang mapag-isa, naks! Mukha kasing nagheart to heart talk sila nung umalis ako, baka mas makapag-heart to heart talk pa sila pag umalis na talaga ako.
Kaya eto nga, umalis na nga ako!
Pumunta ako doon sa café kung saan sinabi nilang magkikita-kita. Andun na sila pagdating ko, nakaupo doon malapit sa may bintana.
"Ang gwapo kaya nung bagong lipat samin! Dapat doon ko kayo yayayain para makita niyo siya eh. Alam mo yun, parang boy next door ang looks!"
"Loyal kaya ako. Kahit gano pa ako maglaway diyan, loyal padin ako."
"May naglalaway kayang loyal?" Natatawang tanong ni Fifi
"Sus, tapos magbre-break nanaman? Iinom ka nanaman tapos loyal ka nanaman. Ano bang bago? Cycle lang naman lovelife mo." Singit ko kaya napatingin sila sakin, "Anong meron?"
"Saang school tayo mage-enroll? Gusto ko talagang kasama kayo eh. Kahit saan na ako, basta kasama kayo. Wala din naman akong course na talagang gustong kunin kaya sasama nalang ako kung saan kayo!" Masayang sabi ni Fifi
Umupo ako dun sa tabi ni Loisa, katapat namin si Fifi na naghihintay ng sagot namin, "Ano kasi..."
"Basta ako sa Mapua, magci-civil ako." Ani Loisa
"Talaga? Magci-civil ka? Yes naman! Ang galing mo talaga sa math! Goodluck sa sobrang daming calculus niyo! Rinig ko pa, meron daw Physics diyan diba? Di pa naman naturo ni Sir Dennis yung physics ng mabuti dati." Sabi ko
"Kaya namang i-self study yun tsaka okay lang na hindi niya naturo ng maigi, nabawi naman sa mukha." Kinikilig na sabi ni Loisa
"Ayan pala yung loyal." Sabi ni Fifi
Umirap ako ng ilang beses at tumayo para mag-order ng iinumin ko. Ayun kasi yung crush nilang teacher namin dati nung Grade 12. Pati ba naman matanda, pinagiinteresan!
Kinuha ko yung cellphone kong nagvi-vibrate na nasa may bulsa ko, tumatawag si Kristina.
"Hello?"
"One choco chip frappe." Pag-order ko
"What size, ma'am?"
"Venti."
"Hello, Kristina! Oh bakit ka napatawag?" Tanong ko
"Andito kami sa ice cream parlor malapit sa GMP. Punta ka dito, dali! May outing tayo!"
"I'm with my hi—- hello? Kristina?"
"Sige, Ircy. Hintayin ka namin dito ha? Bye! Stone, wag ice cream yung iorder mo sakin, may froyo ba sila diyan?"
"Nakita mo nang ice cream parlor 'to, bakit naghahanap ka ng froyo?"
Na-end na yung call, itinago ko yung phone ko sa bag at hinintay sa counter yung order ko kesa naman bumalik ako ulit kung kelan tatawagin nila pangalan ko.
"Si Ircy ba? Saan ba niya balak mag college? May nasasabi ba siya sayo? Sakin kasi, wala eh." Ani Loisa
"Wala din eh. Saan kaya plano nung bruhang yun? Ano kayang course? Juice ko naman kasi yung course mo, hindi ko masusundan, civil engineering! Anong alam ko sa math? Ni basic plus tsaka minus, nahihirapan pa ako." Reklamo ni Fifi
"Ang totoo kasi niyan." Umupo ako dun sa upuan ko, "Di na talaga ako magco-college. Naghihirap na kami, guys. Magtra-trabaho nalang ako dito. Kaya nga medyo natagalan ako kasi tinanong ko requirements nila."
"Ano? Ircy? Are you serious? Panong... bumagsak company niyo? Wala namang nabalita sakin si Daddy na bumagsak yung mga Hernandez ah!" Kinuha ni Loisa yung phone niya sa bag, mukhang tatawagan yung Daddy niya
"Oo or baka pag hindi ako natanggap dito, magca-call center nalang ako o kaya naman sa fastfoods." Yumuko ako, "Kaya sana maintindihan niyo kapag hindi na ako makakasama sa gimik."
"What the? Ircy, you're joking right? Hindi pwedeng bumagsak company niyo ng ganun ganun nalang. I mean, it's impossible! Sobrang taas niyo na, hindi pwedeng babagsak kayo ng ganun kabilis. Ni walang news!" Naghi-hysterical na si Fifi
Tumawa ako, "Joke lang! HAHAHAHA! Kung nakita niyo lang mga mukha niyo. It's priceless!"
Humawak pa ko sa tiyan ko sa kakatawa. Muntik ko na nga mabuga yung iniinom ko dahil sa mga reaction nila.
Hindi nila malaman yung gagawin. Parang magkahalong naawa na nalulungkot na naguguluhan na ewan! Basta ang priceless!
"Leche ka talaga! Akala ko naman, totoo na!" Umirap si Fifi, "Saan ka nga kasi? Ikaw nalang susundan ko. Wala akong mapapala sa course ni Loisa, di ko kakayanin yun."
"Eto talaga, totoo na 'to. As in, no joke! Sa US kasi ako magco-college, interior design. Diba yun na talaga yung gusto ko dati pa?"
"Weh, Ircy? Seryoso na yan? Kasing seryoso ni Drox sayo?" Tanong ni Loisa
Dinampot ko yung tissue at binato sa kanya na natatawa tawa, "Ano namang meron kay Drox? Bakit biglang napasok?"
"Mukhang seryoso na yung ugok na yun sayo. Laging tinatanggihan yung mga babae sa restobar pag nagpupunta ako. Lam mo naman dati, sunggab lang ng sunggab yun." Pagkwento pa niya
"Wala namang kami eh. Magkaibigan lang kami ni Drox."
"SHOWBIZ!" Sigaw nilang dalawa
Umirap ako at umiling iling nalang. Ayoko talagang pagusapan yung topic na yan! Naiilang ako!
Kahit paulit-ulit sinasabi ni Drox na nililigawan niya na ako, siyempre, self proclaimed niya yun, naiilang padin ako kapag nato-topic kaming dalawa sa ibang tao. Hindi naman kasi ako sanay na maissue.
Isa pa yung Sam Lim na yun, may utang pa ako sa kanya! Binlock ko yung number and Apple ID niya sa iPad and phone ko para hindi niya ako macontact! Mahirap magkautang sa intsik! Maatas ang interes!
"Mauna na ako ha? Pinapapunta ako nila Kuya dun sa may GMP eh."
"Sige, kailangan ko nadin umalis. Aayusin ko na yung requirements ko sa school." Paalam din ni Loisa
"Nahiya naman ako sa busy life niyo. Kunwari meron din ako." Tumayo na siya, nauna pa siyang tumayo samin, "Kailangan ko nadin umalis eh. Hinihintay na ako ng kama sa bahay."
Medyo malapit lang naman 'tong café sa GMP kaya sandali lang ay nakarating na ako agad doon. Maganda yung ice cream parlor sa may GMP, lagi ngang puno dito, mabenta kasi ice creams nila tsaka relaxing yung place.
"Saan ba maganda mag-outing?" Naabutan kong tanong ni Kristina
"Sa Tagaytay." Ani Cloud
"Sa may Caramoan para beach!" Ani Cloud
"Sa Siargao nalang para may surfboarding! Wala namang thrill mga gusto niyong punatahan." Ani Stone
Ang dami nilang gustong puntahan, baka mamaya niyan mauwi lang sa drawing yung plano! Pag pinaplano pa man din, madalas na hindi natutuloy!
Umupo ako doon sa tabi ni Kristina. Hindi na ako nagorder ng kakainin ko kasi kakainom ko lang ng frappe.
Bagsak ang mukha ni Besty nang pumasok siya, nakatulala at naglalakad dahan dahan papunta samin. May nangyari kaya sa kanila ni Rain? Akala ko ba makikipagbati siya? Bakit parang hindi naman sila nagka-ayos?
"Natalie!" Tumakbo kaming dalawa ni Kristina palapit sa kanya.
"Hi." She flashed a fake smile
Hindi parin nawawala ang tingin ko sa kanya nang maupo na kami. Katabi ko padin si Kristina. Tumabi naman si besty sakin.
"Oh, anong nangyari?" Lumapit si Cloud sa kanya para kausapin. Mukhang worried.
"Ah wala. Napuwing lang ako diyan sa labas bago pumasok dito." Umiling si Cloud.
Pati ako ay napailing. Sobrang gasgas naman na nung excuse na yun, wala nang maniniwala pa. Ano kayang nangyari sa kanila?
"Let's talk later." Ani Cloud at lumipat na ulit sa tabi ni Ate Nadine
Huminga ako ng malalim para mapakawalan yung pagaalala ko. Mamaya ko nalang siya kakausapin kapag kaming dalawa nalang. Hindi din naman siya magkwe-kwento ngayong andito kaming lahat.
"Sooo, mag-outing tayo!" Sigaw ni Ate Nadine
"Good idea! My treat nalang para farewell party ko nadin. Saan niyo balak?" Sabi ko
"Well, meron kaming resthouse sa Baguio. Dun nalang tayo since summer naman at mainit dito sa Manila. Going to the beach is too mainstream. Mag-baguio nalang tayo!" Suggestion ni Ate Nadine
"Sige dun nalang tayo! Para makamura naman ako. Libre naman pala yung titirhan kasi sa resthouse tayo nila Ate. Wag na kayong umangal, sumama nalang kayo!"
"Pero mas masaya talagang magsu-surf tayo." Pilit ni Stone
"Mas masaya mag-Baguio! Magpaka-Xander tsaka Agnes tayo dun sa La Presa." Tumatawang sabi ni Kristina
Pagkadating ni Kuya, agad akong napairap. Hindi lang pala siya yung dumating, pati din yung chaka niyang girlfriend. Kainis talaga, hindi ko tanggap!
Kung protective brother siya, clingy sister naman ako!
Nakatingin si Kuya the whole time kay Besty, worried na worried yung mukha niya. Mukhang may nangyari talaga! Ano nanaman bang ginawa ni Rain?!
"Mag-isang sasakyan nalang tayo para masaya. Maghihiwa-hiwalay pa ba tayo? Sayang gas!" Sabi ni Stone habang naglalaro sa PSP niya.
"Wow naman. Nakakapag-isip ka padin pala kahit naglalaro." Pangaasar ni Cloud
"Oo naman. Anong tingin mo sakin?"
"Laro lang ang alam. What's new?" Sabat ni Kuya kaya natawa kami
"Ep ep! Mamaya na kayo mag-asaran diyan. Basta, all set na ha? Magba-Baguio tayo sa makalawa. Sasabihan ko na yung mga caretaker ng resthouse namin dun. Walang hindi sasama!" Sabi ni Ate Nadine
"Oh? Sumunod kayo ha? Wala daw hindi sasama sabi ng Ate natin." Sabi ni Cloud
"Ate ka diyan?"
"Teka, iisipin ko muna." Humawak pa siya sa baba niya.
"Bwisit kang Ulap ka!" Binato siya ni Ate Nadine ng tsinelas kaya nagtawanan kaming lahat.
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi pa sagutin ni Ate Nadine si Cloud! Eh bata palang naman kami, halatang may hidden desire na si Cloud sa kanya.
Ngayon, hindi na hidden desire kundi showy desire. Hehehehe. K bye!
"Excuse me, comfort room lang ako ha?" Pagpapaalam ni Besty
Natuon lahat ng atensyon namin sakanya at sinundan siya ng tingin. Nagkatinginan kaming lahat nang makapasok na siya sa CR.
"Ircy." Nilabas ni Kuya yung phone niya at pinakita sakin.
Nilabas ko yung cellphone ko para hintayin yung text niya. Doon ko palang nakumpirma na may problema nga si Besty.
Sobrang insenstive ko talaga, nakakainis! Sana ay kanina ko pa siya niyaya sa CR para may malabasan na siya.
From: Kuya Ice
Sundan mo si Idiot sa CR. Dalian mo.
Agad akong tumayo nang mabasa ko yung text. Halos takbuhin ko na yung distansya ng pinagkakaupuan namin papunta sa CR.
My bestfriend really needs someone right now.
"Nat, are you alright?"
Dahan dahan akong lumapit sakanya. Nakaharap siya sa may salamin pero nakayuko at umiiyak. Nakahawak siya sa damit niya, sa may bandang dibdib. Hindi ko alam kung anong nangyari pero alam kong masakit yun.
"Besty, anong nangyari sayo? Besty!" Hinila ko agad siya payakap sakin.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan niya sakin. Hinayaan ko nalang na ilabas niya lahat ng nararamdaman niya. Ramdam na ramdam ko ang bawat hikbi niya, ramdam ko ang pagkabigat nito.
"Besty, ano bang nangyari?"
"Besty, kailangan ba talaga ng ibang babae ni Rain? Hindi ba ako sapat?" Hindi ako sumagot.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sobra sobra pa siya para kay Rain. Sobra sobra siya para saktan ng ganito.
"Please be alright. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I-I'm speechless. Just please. Please be alright, Besty. Di ako makakaalis ng bansa pag ganyan ka eh."
"Ircy. It really really hurts. Dito oh. Dito." Tinuro niya yung dibdib niya.
Tumango lang ako at niyakap ulit siya, "I know. Please be alright."
Tanging paghikbi niya lang ang naririnig ko. Hindi ko nading nagawang magsalita pa para icomfort siya, wala akong mahanap na salita na pwedeng sabihin.
Hindi talaga ako marunong magcomfort. Pakiramdam ko ay lalo kong mababasag yung taong hawak hawak ko kapag nagsalita ako kaya mas minabuti ko pang hawakan nalang ito ng mas mahigpit.
"Natalie, andiyan ka ba sa loob? Natalie!" Napatingin kami ni besty sa may pintuan kung saan may kumakalabog.
"Rain." Bulong niya
"Space? Hindi, Ice. I need to explain everything to her."
"You're making a scene here!" Sigaw ni Kuya.
"I don't care!"
"Tangina pre. Kung ano man yung nakita niya, misunderstanding man o hindi, nasaktan padin siya. You better give her space to think. Kung ano man yung ginawa mo, pamura lang dahil sinaktan mo siya, gago ka pre. Stop being immature and start protecting your girl!"
"Natalie is my girl, not yours. This is our problem, wag kang makisali!"
Hinawakan ko yung kamay ni besty para pigilan siyang lumabas pero umiling siya para sabihing wag ko siyang pigilan.
"Eh gag——"
Lumipad yung kamay ko sa aking bibig nang maabutan kong sasapakin na sana ni Kuya si Rain, buti nalang ay huminto ito nang lumabas kami.
"Tama na yan!" Sigaw ni besty
"Natalie, let's talk. Let me explain, please." Pagmamakaawa ni Rain. Nakita ko ang paghaplos ni Rain sa braso ni Natalie pero marahas niya itong inalis.
"Wala ka nang dapat i-explain, Rain. Nakita ko na ang dapat kong makita. Nasaktan mo na ako. Sapat na yun. Di ko na kailangan ng explaination mo. Dun ka nalang sa girlfriend mo. Ano ba ako sayo?" Her voice cracked at may tumulong luha sa kanya.
Hindi nakasagot si Rain sa tinanong ni Besty sa kanya. Mukhang nagulat din siya sa binato sa kanyang tinanong. We all know na tumino 'tong playboy na'to dahil sa kanya.
Ayaw ko talagang nakakakita ng ganitong scene. Hindi ako apektado pero pakiramdam ko ay nasasaktan din ako.
Lalo akong natatakot magmahal kapag may nakikita akong umiiyak nang dahil dito. Hindi ako handa na umiyak para sa taong sinaktan ako kasi alam ko yung taong sinaktan ako ay handa ko padin tanggapin kasi mahal ko.
Sinundan ko si Besty na naglakad palayo kila Kuya at Rain. Lumabas kami ng ice cream parlor at humarap siya sakin.
"Besty, okay lang ako, diba? Okay lang ako." Ngumiti siya pero may luhang tumutulo sakanya.
"Okay ka lang, Besty. Magiging okay ka."
Lumapit ako at niyakap siya, "But how many times you'll say you're okay while crying?"