Chapter 6
May laro sila Kuya ng basketball sa may court sa may kabilang village, hindi sana ako sasama para manuod kaso niyaya din ako ni Stone at ni Cloud, hindi ko lang alam kung kasama nila si Rain.
Minsan, may ganito talaga silang mga laro. Parang nagkakayayaan bawat squad. Hindi ko naman kilala kung sino yung mga nakakalaro nila, even Kuya don't know them. Yung iba, familiar kasi nakikita ko sa school but I still don't know their name. Puro lastnames lang ang alam ko sa kanila and trust me, wala din akong naalala sa lastnames nila.
Hindi ko na sinabi kay Ynigo, di ko naman kasi kailangan na sabihin sa kanya. May text siya sakin pagkagising ko pero hindi ko nalang muna nireplyan para hindi magtuloy-tuloy yung convo.
Si CG, medyo hindi ko na nakakausap or more like hindi ko talaga kinakausap. Hindi ko lang alam. Ang awkward kausapin ng taong hindi ko naman talaga kakilala.
"Ircy, tagal mo naman!" Sigaw ni Kuya
"Wait lang, Kuya! I'm almost done."
Tinali ko ang mahaba kong buhok na pa-bun kasi paniguradong mainit mamaya duon sa court, wala naman kasing electric fan o ano.
"Are you going to the gym later after the game? Ihahatid nalang kita."
Umiling ako, "I won't. Bukas nalang siguro or sa Friday."
Halos lahat ng kakampi nila Kuya ay andito na, tatlo sila na hindi ko makita masyado ang mukha, yung isa ay azul yung buhok, naalala ko tuloy si Sky na kaibigan ni CG.
"Di ka maglalaro?" Tanong ko kay Stone
"Tangina niyan eh, may hangover pa daw." Iritang sagot ni Cloud
"Ang lakas mong magyaya sakin kahapon. Grabe ka pa magtext tapos hindi ka naman pala maglalaro!" Angal ko
"Sorry na, balak ko talagang hindi magpalasing kaso nalasing eh." Nagkibit balikat siya, "Iche-cheer nalang namin kayo ni Ircy." Inakbayan niya ako
Inabot sakin ni Kuya yung bag niya tsaka yung bottled water, "Dalhin mo 'to dun sa may bleachers. Baka may mawala pag dito."
"Sakin din, Ircy!" Inabot din ni Cloud sakin yung gamit niya
"Alam mo na ngayon kung bakit kita kinukulit na manood?" Tumawa si Stone, "Pasalamat ka at may hangover pa ako."
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy papunta duon sa may bleachers. May mga iilang babae na nakaupo na dun, hindi ko alam kung sino ang sinusupportahan nila.
"Wala pa yung kalaban?" Tanong ko kay Stone na katabi ko ngayon, nakikiinom ng tubig dun sa bote ni Kuya.
"Wala pa. Ang tagal nga eh. Paimportante, puta."
"Eh sino naman yung mga kakampi nila?" Nginuso ko yung tatlong lalaki na ngayong lumapit kung nasaan sila Kuya at Cloud
"Ewan ko, pinsan yata ni Cloud yung isa diyan. Inis nga ako, kinalaban nung isa yung pula kong buhok."
Natawa ako, "Try color violet naman. Parang bagay sayo."
"Ayoko nga, maganda na 'tong red, gwapo tignan. Di tulad dun, mukhang gangster."
Insecure 'tong si Stone. Hindi naman mukhang gangster, ang cool nga tignan eh.
Maya maya lang ay nagtilian yung mga babaeng nakaupo din dito sa bleachers, nagkatinginan kami ni Stone.
"Problema ng mga yan?" Tanong ko
"Dumating na yung mga paimportante." Aniya
Napatingin ako dun sa may entrance at nanlaki yung mata ko nang makita kong pumasok yung drummer nila Ynigo, si Gold, kasunod yung bassist nila, si Ejie tapos yung kambal na nagi-guitara, si Uno tsaka si Dos tas ang huling-huli, si Ynigo!
"Kaya pala ang aga nagising." Bulong ko
"Anong sabi mo? May sinasabi ka ba? Di ko marinig. Ang ingay kasi nila." Tinuro niya yung mga babae sa likod, "Pati ba naman dito, sinusundan yang mga yan?"
"Wala! Baka sila yung naririnig mo. Wala naman akong sinasabi."
Tumango lang siya at tinuon na yung atensyon niya duon sa magsisimulang game kaya naman minabuti kong manuod nadin.
Ang mga kakampi nila Kuya ay may mga apelyidong nakasulat sa likod ng jersey nila. Yung azul ang buhok ay Schreiber, yung dalawa naman ay Alvarez tsaka Lim. Pinaka matangkad sa kanila yung Alvarez.
Di ko maiwasang maexcite dahil ngayon ko lang mapapanood na maglaro si Ynigo. Hindi ko tuloy alam kung sinong iche-cheer ko. Sila Kuya ba or sila Ynigo.
Halos gusto kong kainin ng lupa nang magtama yung tingin namin ni Ynigo, kumindat pa siya. Yung mga babae naman sa likod namin ay lalong nagtilian.
"Girl, kinindatan niya ako!"
"Ako yung kinindatan niya, hindi mo ba nakita yun? Straight na straight kaya sakin!"
"Ako kaya, mga bulag nito. Titingin na nga lang kayo, mali mali pa."
Nagtalo pa sila. Hay nako.
Panay ang score ni Alvarez, magaling siya mag-shoot halos lahat ng attempts niya ay pumapasok, kung hindi naman, mga tatlo o apat lang siguro ang hindi.
"Galing nung Alvarez, Stone."
"Captain ball yata yan ng basketball team nila sa school kaya magaling."
That explains it all. Kaya naman pala kahit nasa labas siya dun sa 3 point line ay nasho-shoot niya padin. No sweat.
Si Kuya, medyo nakaka-miss siya ng shoot tsaka puro pasa lang siya duon sa Alvarez. Ngayon ko lang siya nakitang magpasa, kadalasan kasi ay pag nasa kanya na yung bola, siya na ang magsho-shoot.
Mayabang kasi, porket matangkad at may skills. Sumasablay naman minsan.
"Type ka yata nung intsik ah?" Bulong ni Stone
"Sinong intsik?"
"Yung Lim. Laging tumitingin dito. Hindi naman siguro ako yung tinitignan, alam niyang hindi kami talo."
"Baka naman yung nasa likod?"
"Nah, he's looking straight at you."
Napatingin ako duon sa may suot ng jersey na Lim ang nakasulat pero lagi itong nakatalikod sa may gawi ko. Hindi ko alam kung paano nakikita ni Stone na nakatingin sakin "DAW"
Hawak ni Ynigo ang bola kaya nagtilian yung mga babae sa likod, lumabas siya sa may 3 point line at duon tumayo sa may line sa gitna ng court.
"Go Ynigo!" Napatayo na ako nang makita ko siyang isho-shoot na yung bola.
"Wooooooh!" Sigaw nung mga babae
"AHHHHHHHH!" Sigaw ko
"Galing, halfcourt shot." Ani Stone
Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti dahil sa sinabi niyang papuri para kay Ynigo. Magaling talaga! Ang layo kaya nun!
Nakita kong nagkagat ng labi si Ynigo kaya lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisnge at sumulyap saglit sakin bago nakipag-apir sa mga kabanda niya.
Tumingin si Kuya sa may gawi namin kaya naman napaupo ako, lumipat ang tingin niya kay Ynigo tapos sakin ulit. Umiling siya.
Habang naglalaro ay hindi talaga maiiwasan yung magkainitan yung mga players. Si Ynigo at yung may Lim na lastname laging nagkakabunggo at nagkakasikuhan na sa tingin ko si Lim ang may gawa.
"Ang dumi maglaro. Daya! Bakit kailangang sikuhin? Foul! Insecure ba yan?" Pagrereklamo ko
"Ayusin mo nga, Sam!" Sigaw ni Cloud
"Sorry, bro, nakaka-distract lang kasi."
"Nakaka-distract ang ano?" Irita kong bulong
"Baka ikaw yung nakaka-distract?" Tumatawang sabi ni Stone
"Wala akong ginagawa, kung ako man. Nakaupo lang ako dito, anong nakaka-distract? Kainis ah!"
Medyo umayos ang laro nang punahin ni Cloud yung Lim. Hindi na sila masyadong nakakadikit ni Ynigo pero ramdam padin yung tensyon nila.
Si Alvarez padin yung laging nakaka-shoot duon sa team nila Kuya, si Ynigo naman sa team nila. Si Gold, lagi nang hinaharangan si Lim at mukhang nilalayo kung nasaan si Ynigo.
Matangkad yung Lim at may magandang pangangatawan, likod palang ay alam mong firm ang muscles nito, buong buo kasi. Magaling din siya maglaro. Madalang humawak ng bola pero pag nag-shoot, paniguradong pasok.
Magaling si Schreiber sa mga dribbling skills, parang crossover yata yung madalas niyang ginagawa bago ipasa kay Cloud.
Hindi ko talaga makita yung mukha nilang tatlo. Para bang tinatago nila sakin! Lagi silang nakatalikod sa may gawi ko.
May malaki ba silang balat sa mukha?!
Natapos ang third quarter ng 2-1 ang score. Sila Ynigo ang 2, sila Kuya naman ang 1. Magaling kasi yung teamwork nila Ynigo.
"Puta naman ni Sam ngayon. Pangit ng laro niya. Ano kayang meron dun?" Ani Cloud na padabog binubuksan yung bote niyang may tubig.
"Distracted nga daw sabi niya." Mapangasar na tono ni Stone
Umirap ako at inabot kay Kuya yung bote niya, "May isang quarter pa naman, kuha niyo na yun."
"Makukuha namin kung kami iche-cheer mo." Napatingin ako dun sa mga lalaking nakatayo sa likod ni Kuya.
Yung tatlong kakampi nila na pare-parehong nakatakip ng bimpo yung mukha, yung Lim ang sa tingin kong nagsalita.
Parang mga ewan 'tong tatlong 'to, bakit nila tinatakpan yung mukha nila? Konti nalang talaga at iisipin kong body built can be deceiving din.
"Tangina, Ma—Este, Sam! Ano namang katangahan 'to? Di ako makahinga!" Angal nung Alvarez
"Ang bobo nitong bimpo na'to, sino nakaisip? Mas bobo." Ani naman nung Schreiber.
"Ang daming reklamo!" Iritang sabi nung Lim
Nakatingin lang kami nila Kuya sa kanila na punong puno ng pagtataka. Nagbabatukan silang tatlo na puro rants ang sinasabi.
Take note, pare-pareho silang color blue ang bimpo.
Nang magsimula yung last quarter, panay na ang shoot ni Cloud kahit madalas hindi niya napapasok. Si Ejie at Ynigo yung nagsho-shoot sa kabilang team, yung kambal tsaka si Gold yung nambo-block.
"Pagwapo lang talaga minsan si Cloud sa game." Tumatawang sabi ni Stone
Tumawa din ako, "Minsan lang pag madaming chix na nanonood."
Seryoso ang mukha ni Ynigo habang naglalaro. Tagaktak ang pawis niya na tumutulo mula noo pababa pero gwapo padin at mukhang mabango lalo na pag nakakashoot siya kasi lumalabas yung mga dimples niya!
Last minute nalang pero 3 points pa ang lamang nila Ynigo kila Kuya. Gusto ko sila Kuya ang manalo kasi Kuya ko siya, Hernandez 'to, dapat manalo!
Halos mapatayo ako nang tumayo si Kuya sa may 3 point line at itry ishoot yung bola pero nabigo siya. Napiling siya, mukhang nainis.
Pikunin talaga kahit kelan!
Nakuha nung Lim yung bola at mabilis siyang tumakbo papunta sa may side ng kalaban, lagpas na siya dun sa line sa gitna ng court!
Di ko mapigilang mapatayo at sumigaw, "Ang layo mo masyado, kaya mo ba yan? Yabang!"
"Pag nashoot ko, may utang ka sakin?" Sigaw niya
"Go na! If you can!" I know he can't do it!
Tumalon siya para i-shoot ito. Napuno ng tilian ang tenga ko nang makitang pumasok ang bola sa basket. Naramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Stone sa balikat ko.
"Nakita mo yun? Galing diba?" Tumawa siya, "Oh, may utang ka dun sa intsik. Bayaran mo na agad, baka malaki yung tubo." Aniya bago bumaba para makigulo.
Jawdropped padin akong nakatingin sa court na ngayong nagdidiwang yung team nila Kuya kasi tie sila dun kila Ynigo. Panay ang tapik nila sa balikat nung Lim.
What the? Nashoot niya yun? Ang layo masyado! Sobrang impossible na mashoot niya! That's a miracle shot!
Lumapit sila Ynigo kila Kuya at nakipag-kamay. May binulong si Kuya kay Ynigo at parehas silang sumulyap sakin. Hindi na ulit lumingon si Ynigo sakin pagkatapos nun.
Tumingin sa gawi ko yung azul ang buhok, si Sky ba yun? Oo, si Sky nga! Kinalabit niya yung katabing si Alvarez at tinuro ako, tumingin din ito sakin at kumaway.
"Si Andreu yun ah!"
"Hi Ircy!" Sigaw ni Andreu kaya binatukan siya ni Sky
Lumingon sakin yung Lim, "You owe me something."
So... Siya si CG? Siya si Chinese Guy? Yung Lim?