Chapter 5- Risk it

2196 Words
Chapter 5 "Ms. Ircy, pinapatawag po kayo ng Mommy niyo sa sala." Sigaw ng maid namin sa labas ng kwarto ko "Sige po." Tumayo ako ako sa pagkakahiga ko sa kama para pumunta sa sala namin. Anong oras na din ako nakauwi kagabi. Ang tagal kasi naming tumambay ni Drox duon sa ice cream parlor. Hindi ako hinatid ni Drox dahil nga may dala akong sariling sasakyan pero nakabuntot naman yung sasakyan niya sakin hanggang sa may gate ng village kagabi. Nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa sofa at nakahilig yung ulo sa sandalan, nakapikit siya pero nakangiti. "Mommy." Tumabi ako sa kanya "Ircy." "Po?" "Diba gusto mong mag-aral sa US?" Tumango ako, "Opo, mommy. Yun talaga ang gusto ko, alam niyo yan." "Alam mong ayaw ka naming malayo samin. Kaya nga hindi namin pinapayagan yung Kuya mo na tumira sa condo niya kasi ayaw naming mahiwalay kayo samin." Tumigil siya at ngumiti, "But we've decided na pumayag na since yun naman talaga ang gusto mo." "Talaga po? Thank you, Ma! Thank you po talaga! The best po talaga kayo ni Daddy!" Niyakap ko si Mommy Ang tagal ko nang kinukulit sila na pagaralin ako sa US ng interior design. Mas maganda kasi dun tsaka mas madaming opportunities. Kaya naman namin eh, bakit papalagpasin pa, diba? Excited akong umakyat sa kwarto ko para ibalita iyon kay Drox and kay CG, siyempre pero kay Drox na muna tutal naman at siya talaga yung kilala ko. Tinawagan ko na siya kahit hindi naman talaga kami nagtatawagan. Baka kasi tulog pa, mabuting gisingin ko na. "Hoy Drox!" Sigaw kong bungad nang sinagot niya "Gandang good morning." Tumawa siya. Medyo paos pa yung boses niya, halatang kagigising lang, "Good morning, miss beautiful na laging may dalaw." "Gooooood mooooorning!" "Anong meron? Himala yatang tumawag ka? Naisip mo na bang magustuhan na ako kaya tumawag ka?" "Sira ulo." Napairap ako, "May ibabalita lang kasi ako." "Lagi mo nalang akong pinapaasa." "Lagi ka kasing umaasa, hindi ka naman pinapaasa." "Ouch naman." Iniba niya yung boses niya na parang nasaktan, "Ano yung news mo? Mukhang maganda ah?" "Pumayag na sila Mommy na pagaralin ako sa US!" Gigil kong balita, "Ang saya saya! Sobrang excited na ako! Alam mo yun, dati ko pa sila kinukulit for this! Talagang gusto ko dun mag-aral. Promise, I'll be successful someday!" Wala akong natanggap na kahit anong sagot mula sa kanya, tanging malalalim na hinga lang. "Still there?" Tanong ko "Yeah." "Eh bat di ka nagsasalita?" "Kelan alis mo?" Tanong niya na para bang may tabang yung tono "Uhm, hindi ko pa alam? Hindi pa naman sinasabi sakin kung kelan. Bakit?" "Aalis ka na, hindi pa tayo nakakapag-date. Hindi mo ba talaga ako bibigyan ng chance sayo?" Bigla akong ginapangan ng kaba, "U-um-umayos ka nga, Drox." "No. Really. Can't you give me a chance to prove myself to you?" Hindi ako sumagot kasi talagang kung kanina ay masaya ang boses na bumungad sakin, ngayon naman ay may halong lungkot at pait. Everybody deserves a chance naman diba? "Hmm, kung yayain mo kaya ako ngayon? Try mo kung papayag ako." Napakagat ako sa ilalim kong labi Tumawa siya sa kabilang linya pero may pait padin ito, "Date tayo?" "Okay." "Talaga? Totoo ba?" Humiga ako ng maayos sa kama, "Oo nga." "Wala nang bawian! Tatayo na ako, maliligo na. Eto na. Susunduin kita doon sa may gate ng village niyo." Binabaan ko na siya at nagsimulang igayak ang sarili. Same routine, naligo muna bago tumunganga sa closet ko. "Ano nanaman kayang susuotin ko? Hassle talaga." Reklamo ko  Napagdesisyunan kong mag-floral dress nalang kasi date nga 'to. Dapat pa-girl naman ako kahit minsan. Nag-flat doll shoes tsaka light makeup. Lip balm and light blush on will do. Naglakad nalang ako papunta sa may gate ng village dahil medyo malapit lang naman 'to tsaka hindi naman ganun kainit. Naabutan ko siyang nakapamulsa at nakasandal duon sa maserati niyang kulay military matte green. Naka-waferer, striped shirt, khaki shorts tsaka I think it's sebago? Na color brown. Hapit pa yung kanyang sleeves sa may biceps niya, halatang naggi-gym. Napangiti ako, mukhang mabango pa! Hahaha! "Ynigo!" Pagtawag ko sa kanya Napatingin siya sa gawi ko na nakakunot ang noo pero agad naman siyang ngumiti kaya lumabas ang kanyang malalalim na dimples. "Sino si Ynigo?" Umikot siya papunta sa may passenger's seat para pagbuksan ako ng pintuan. "Ikaw diba?" Natatawa kong sagot "Mas gusto kong Drox, mas gwapo." "Mas gusto kong Ynigo, para ako lang tumatawag sayo ng ganun." Pumasok ako ng kotse nang nakaawang ang kanyang bibig, sinara ko na magisa yung pinto dahil mukhang hindi pa siya maka-move on dun sa sinabi ko. "Saan tayo?" "Nasa sasakyan ko. Bakit?" "Di nga? Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?" "Secret." Binigyan niya ako ng mapaglarong ngiti "Hoy, wag mo akong dadalhin sa mga hotel niyo ha. Kahit five star pa yun, hindi ako papayag. Wag mo akong daanin sa ganyan. Nako!" Tumawa siya, "Bakit ba iniisip mo na gagalawin kita? Hindi ko naman naiisip yun unless kung ikaw ang may gustong isipin ko." Napsinghap ako at umirap. Hinayaan ko nalang siyang tumawa at mag-drive. Hindi pamilyar sakin ang daan na tinatahak namin pero siguro naman ay hindi niya ako dadalhin sa liblib na lugar. "Hmmm... when it comes to you baby I'm addicted." Pagkanta ko nang wala sa sarili. Napatingin siya sakin, lumabas nanaman yung malalalim niyang dimples sa pisnge kaya naginit agad yung pisnge ko. Bakit ko ba kinanta yun? Sana lamunin na ako ng upuan ngayon! Nakaka-LSS naman kasi, idagdag pa na siya yung kumanta. "You liked that song?" Tumango ako, "First time kitang marinig kumanta ng ganun eh. Seryoso, ganun nalang lagi mong kantahin kesa sa Pop/Rock." Ay joke, wag na pala, Ynigo! Wag ka na ulit kakanta ng ganun sa harap ng madaming babae. Nako, lalo silang malulunod. Gusto kong bawiin yung sinabi ko! "Talaga? Kung ikaw, nagustuhan mo, pano pa kaya yung iba?" Nanunuya niyang sabi "Edi nagustuhan din nila." "Talaga?" "Oo nga. Maganda kasi. Malulunod nanaman sila niyan lalo sayo." "Oh talaga?" "Oo nga. Dadami nanaman yung mga babae mo lalo na kapag nagpunta na ako ng US. Nako, dadagsa sila. Gagawa na din ng banner na Zon-Drox nakalagay. Nako!" "Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong niya "Sira ulo ka ba?" "Ang cute mo pala magselos." Tumawa siya ng mahina, umirap nalang ako. Isang malaking mansyon ang bumungad sakin. Sa pagpasok ng sasakyan sa may courtyard, madaming puno at mga bulaklak sa palagid, open space ito, meron ding malaking fountain sa gitna nito kung saan pagiikutan ng sasakyan bago makarating sa may portico. Bumaba si Drox at umikot sa may gawi ko para pagbuksan ako, hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako at hindi na ito inalis. Sinubukan kong alisin pero lalo niyang hinihigpitan. "Paki-park nalang." Inihagis niya yung car keys duon sa lalaking nagaabang sa may portico. Naka-uniform, baka driver nila? Maganda ang labas ng bahay nila, siyempre, mas maganda ang loob. Halos kulay ginto, kulay cream at kulay maroon ang kabuoan nito. May mga paintings at picture frames pagkapasok na pagkapasok palang. Bumungad din sakin ang pride ng mansion nila, ang grand staircase. "Upo ka muna diyan, titignan ko lang kung ready na." Tumango ako at umupo duon sa may sofa Pinasadahan ko ulit ng tingin yung mga picture frames na naka-patong doon sa mahabang cabinet. May mga naka-hang din sa dingding. Si Ynigo ba 'to? Ang cute niya nung bata. Parang hindi makakagawa ng kabulastugan yung itsura niya! Ang laki ng pisnge, ang taba taba niya tapos naka-bao cut pa (tama ba?) Meron ding family picture duon. Maganda yung Mommy niya, may dimples at yung Daddy naman niya ay medyo kahawig niya, mukhang duon niya namana lahat. Siya lang pala ang nagiisang anak? Ibig sabihin siya lang talaga ang tagapag-mana ng business nila. Hotels. Their five star hotels. Their pride. Lacson's pride. Nakapag-check in na kami dati sa isa sa mga hotels nila. Maganda ang accommodation at maganda yung mga rooms. Friendly din yung mga staffs nila tsaka masarap yung mga foods. The place is really really nice. "Ircy!" Pagtawag niya sakin kaya napatingin  ako sa kanya na nasa staircase nila, niyayaya akong lumapit sa kanya. "Bakit?" "Akyat na tayo. Ready na dun." Ngumiti siya at inihaya yung kamay niya sakin. Tinanggap ko ito kasi baka sakaling tatanggapin ko na din siya pagkatapos nitong araw na'to. Hindi ko alam kung ilang hakbang ang ginawa namin, basta't ang alam ko ay hingal na hingal ako. HINDI MAN LANG AKO NA-INFORM NA SA ATTIC PALA KAMI PUPUNTA! Nakayuko akong pumasok duon, may malaking white mattress sa lapag at may mga naka-kalat na iba't ibang kulay ng balloons sa sahig. May telang puti na naka-drape sa kisame na umaabot hanggang dun sa may mattress kasi medyo pa-triangle shape 'tong attic nila. May projector tapos naka-tapat ito duon sa puting dingding. May mga chips, pizza, at kung ano ano pang pagkain duon sa lapag. "Ano 'to?" Nakangiti kong tanong "Home date." Pumasok na siya at umupo duon sa may mattress. "Alam kong home date! Pinagsama mo lang yung home kasi nasa bahay tsaka date kasi nagda-date tayo. Alam ko yun, Ynigo." Tumabi na ako duon sa kanya Napansin ko ang pagpasada ng tingin niya sakin na para bang ineexamine niya ang buong ako. Napapikit siya ng mariin at tumayo. "Wait here. May kukunin lang ako." Hinayaan ko lang siya. Parang baliw, anong problema nun? Habang sinisumulan ko nang kainin yung mga chips dun, bigla akong napatigil nang may nambato sa mukha ko ng kung ano. "Ano 'to?!" Inis kong tanong at dinampot kung ano man yun Naramdaman kong umupo na si Ynigo sa tabi ko at naki-kuha nung chips na nasa bowl na nakapatong sa may hita ko, "Shorts. Suotin mo muna yan. Sorry, wala akong pambabae dito. Nasa condo lahat." Tumawa ako pero may pait, "Salamat ha, sinabi mo pang nagdadala ka ng babae sa condo mo." Tumalikod siya sakin para maisuot ko yung shorts na binigay niya sakin. May shorts naman akong suot pero susuotin ko na din 'to. Basketball shorts pa yata niya 'tong binigay niya sakin. "At least alam mong ikaw palang nadadala ko dito sa bahay." "Talaga lang ha?" Napadampot ako ng maraming chips at sinubo yun ng sabay sabay. Tumango lang siya bilang tugon at ngumiti na para bang he's not forcing me to believe in all that he's saying pero nakikita ko naman na totoo yun. Kasi naman, kung manlaki ng mata yung mga maids nila kanina ay parang bagong bago sa kanila na nagdala ng babae si Ynigo. Duon palang, nagtataka na ako kung bakit, ngayong sinabi niya na ako palang ang nadadala niya dito, alam ko na kung bakit ganun ang reaction nila. "Anong papanoorin natin?" "Your favorite." "Love, Rosie?!" Excited kong tanong Tumango siya, "Kahit medyo SPG sa unahan. Ikaw na bahala diyan, pipikit nalang ako." Tumawa siya, natawa nadin ako. Maganda kasi 'tong Love, Rosie kahit nga medyo SPG yung sa una. Magbest friend kasi yung babae tsaka lalaki tapos denial sila sa feelings nila. Like, pareho silang may feelings sa isa't isa pero hindi nila maamin kasi nga, bestfriends sila. Parang natatakot sila mag-risk to tell kasi baka mawala yung friendship na nabuild nila since they were 5. "Sabihin mo sakin kapag tapos na sila." Aniya "Para kang bading." "Sabihin mo nalang pag tapos na, I'll mute it first." Sobrang pait ng fate para sa kanilang dalawa. Parang when it comes to love, life and making the right choices, sobrang malas nila. Life sends them hurling in different directions. Pero kahit papano, across time, space and diffrerent continents, the tie that binds them cannot be undone. Fate always kept them apart, until one day they finally find out that they love each other. "Happy ending naman pala." "Of course, hindi ko naman magiging favorite yan kung hindi." "I don't like happy endings." Aniya, tumayo at kinuha yung guitara niyang nakasandal dun sa gilid tapos umupo ulit sa tabi ko "Bakit naman?" Tumaas ang kilay ko "Walang ending na masaya. Just a happy start and a happy middle. Kelan ka pa naging masaya yung patapos na?" Nagtaas din siya ng kilay Naghanap ako ng tamang salita na isasagot para sa sinabi niya pero wala akong mahanap. He's right, walang masayang patapos na. Laging malungkot kapag patapos. Endings are always the saddest part. Nagstart siyang istrum yung guitara niya na mukhang alam ko na kung anong tutugtugin niya. Intro palang, pamilyar na pamilyar na sakin. Magiging favorite ko na yata 'tong kanta na'to. Kinuha ko ang phone ko para irecord yung pagkanta niya. Pakiramdam ko ay mas maganda ito kesa sa original version. "Baby you're amazing. You're my angel come and save me." Nanlalambot nanaman yung mga tuhod ko at parang yung sistema ko ay bibigay sakanya. Napakipikit siya habang kumakanta na para bang gamay na gamay niya yung guitara niya na kahit hindi siya tumingin ay matutugtog niya padin ito ng maayos. "When it comes to you, baby I'm addicted. You're like a drug, no rehab can fix it." Humiga ako na medyo nakasandal ang aking ulo sa may pader upang makita ko padin siya ng maayos. Hindi ko na siya halos marinig dahil sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko na ngayon ko lang naramdaman. I've been hurt but I've never felt this kind of feeling. Yung sobrang lakas ng t***k ng puso. Yung nagsto-stop lahat. Yung siya at siya lang talaga. "I think you're perfect baby even with your flaws. You ask what I like about you, ooh I love it all." It is a risk to love. What if it doesn't work? But what if it does. Dumilat siya at tinignan ko. Pakiramdam ko ay nalusaw ako sa mga titig na yun. Hindi ako makagalaw and at this moment, I think I'm now ready to get hurt. I just wanna fall in love. I just wanna risk it all because I know it's worth it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD