Chapter 4
Nagising ako dahil sa amoy ng lasanga na paniguradong galing kitchen na hanggang dito ay umaabot ang bango. Natakam tuloy ako agad at napahawak sa aking tiyan na nagrereklamo na.
"Oo na, kakain na kayo."
Bumaba ako na walang suklay-suklay, walang hila-hilamos, walang toothbrush-toothbrush. Bakit? Bahay naman namin 'to, ilang taon na akong bumababa na ganito ang istura.
Malayo palang ay rinig na rinig ko na yung mga malalakas na tawanan galing kitchen. Mukhang may mga bisita kami ng ganito kaaga. Now I know kung bakit may lasagna for breakfast, kadalasan kasi ay dinner hinahain yun.
"Goodmorning, Ircy!" Sabay sabay na bati nung mga pinsan ko.
"Aga niyo dito ah. Anong meron?" Umupo ako sa tabi ni Kuya kung saan kaharap yung mga pinsan ko.
Si Andrei ang panganay, si Paolo and si Troye na bunso pero mas mukha pang bunso gumalaw si Paolo dahil medyo childish. Minsan nga ay pumunta yun dito na may dalang watergun para lang gisingin ako.
Mga anak sila ni Tita Ella, yung Ate ni Mommy. Magkakamukha na akala mo ay triplets tsaka pare-parehong maamo ang mukha na kala mo hindi ka gagalawin, yun pala, may tinatagong kabalastugan. Minsan nga ay hindi pa tinatago, showy pa nga sila minsan.
"Nakiki-kain lang." Sagot ni Troye
"Walang pagkain sa inyo? Bago yun ah?"
"Naubos na namin nung nagparty kagabi. Hindi nga alam ni Mama na may party kaya nung umuwi siya, pinalayas lahat ng tao sa bahay at inutusan kaming mag-grocery." Kwento ni Andrei
"That's why we're here. Nakiki-kain bago mag grocery." Sabi ni Paolo
I groaned, favorite ko ang pasta! Lahat ng pasta! Gusto ko tuloy iakyat yung buong pan na naglalaman nung lasagna at palutuan nalang sila ng bacon and egg. Kainis!
"Ircy, hindi uso ang suklay?" Tanong ni Andrei
"Parang hindi pa kayo nasanay na ganyan araw araw yung itsura niya pag bumababa galing kwarto niya kahit may bisita." Sagot ni Kuya
"Para ngang hindi nag-toothbrush." Reklamo ni Paolo
"Hindi talaga! Kasi pag nagtoothbrush ako, magbabago yung lasa ng lasagna! Medyo papait dahil sa toothpaste kaya sinadya kong hindi muna talaga mag-toothbrush!" Sumubo ako, "Ang arte! Mabango padin naman. Amuyin niyo pa."
"Dalaga ka na, Ircy. Start to act like one." Sita ni Troye
"Bakit ba! Totoo naman. Aminin niyo man o hindi, kakain muna kayo bago mag-toothbrush kasi talaga namang hindi na masarap pag nagtoothbrush."
Ilang pandidiri ang natanggap kong feedback sakanila kaya padabog kong tinutusok yung tinidor ko sa bawat kuha. Pabebe tong mga pinsan ko, isusumpa kong magkakaron kayo ng girlfriend na hindi nagtoo-toothbrush hanggang lunch.
At least ako hanggang breakfast lang! Hindi pa naman panis kasi isang meal palang ang pinagdaanan!
"Pag kayo nagka-girlfriend na hindi talaga nagto-toothbrush, tatawa ako ng malakas!"
"I'll still kiss her kahit hindi pa siya magtoothbrush." Sabi ni Andrei
"Yuck! Kadiri! Sinong mas kadiri satin ngayon? Sharing pa ng laway na di nagto-toothbrush ang gusto mo. Kadiri talaga 'to, ang baboy!"
"That's love!"
"That's disgusting! Makapandiri kayo sakin kanina, sharing pala ang nais." Tumawa ako
"I'll accept all her flaws kahit pa mabaho ang hininga niya." Sabi naman ni Troye
"Mas kadiri ka! Yung kay Andrei, hindi lang nagto-toothbrush, yung iyo, mabaho na talaga ang hininga. Judgemental niyo talaga pagdating sakin!"
"Magmo-mouthwash ako tsaka ko ipapasa sa kanya through kiss para pareho kaming mabango." Ani Paolo
"Kagigising lang, SPG na agad." Umirap ako
"That's love!" Ginaya ni Paolo yung sinabi ng kuya niya
"That's lust, not love! Kadiri talaga! Ang baboy niyo, may babae kaya dito."
Tumawa silang tatlo dahil dun sa reaction ko. As usual, yung kakambal ko, walang reaction sa lahat. Humihingang statue yata 'to, buti nalang ako hindi.
Looks can be deceiving talaga! Mukhang mga prince charming, puro kabulastugan naman ang alam sa buhay. Hindi ko nga alam kung may kaya pa bang makapag-patino sa kanilang babae.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Sinabi ko kila manang na sila Kuya yung paghugasin ng mga pinagkainan pati nung pan na ginamit pang-bake kasi alam kong mahirap hugasan yun. Now, that's love!
Agad kong kinuha yung phone ko para tignan kung may text si Drox. Pinalitan ko na yung pangalan niya sa contacts ko dahil gusto niyang full name daw ang ilagay ko para lagi kong nakikita yung future lastname ko.
Ang landi!
From: Drox Ynigo Lacson
May gig kami. Sama ka! Nuod ka naman samin.
Kung may looks can be deceiving, may name can be deceiving din. Ang gwapo ng pangalan, kagalang galang pakinggan. Of course, Lacson eh. Isa sila sa mga sikat na family dahil sa mga hotels nila na nakatayo hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.
Nagreply ako.
'Saan ba yan?
From: Drox Ynigo Lacson
Route 196, sa may katipunan. Sama ka na, please? Do you want me to fetch you?
'Ayoko nga.
Pinilit niya lang ako ng pinilit pero umayaw lang ako ng umayaw. Kahit hinahaluan niya ng panlalandi at pambobola yung pagi-invite niya sakin, umaayaw padin ako.
Humarap ako sa closet ko para tungangaan lang ito. Ni hindi ko alam kung anong kukunin ko para isuot sa gig ! Hindi dapat revealing, hindi din dapat masyadong balot dahil baka matalbugan ako ng mga babaeng paniguradong aaligid kay Drox.
Mint shortsuit na may belt at flat sandals ang sinuot ko. Naglagay din ako ng light blush on tsaka lipbalm para naman di ako masyadong pale.
Hindi ko naman mapipigilan na may umaligid sa kanya dahil sa pagmumukha niyang kaakit-akit naman talaga, ngiti palang ay halos ikaw na ang lalapit sakanya, pano pa kaya pag kumanta na?
"Hay! Nakaka-frustrate talaga!"
Pupunta ako pero hindi niya alam. Isu-surprise ko ang mokong.
Nagdala ako ng sarili kong kotse, ayokong magpa-drive sa driver kasi baka insider ang peg at isumbong ako sa kuya ko! Malisyoso pa naman yun si Kuya at baka umandar nanaman ang pagka-over protective.
Madaming nasa labas kumakain kasi nagyo-yosi, bawal yata sa loob ang nags-smoke. Dinungaw ko palang ang loob nung bar mula dito sa sasakyan, kitang kita ko na agad na puro babae ang nasa loob na nakapalibot duon sa stage.
Napairap ako sa irita dahil sa nakikipag-peekaboo niyang dimples sa pisnge kaya lalong nalulunod yung mga babae sa kanya.
Ano bang kakilig kilig sa mga kinakanta niyang mga Rock at Pop, kung sana ay nakakakilig yung kanta, maiintindihan ko pa kaso hindi eh. Napaghahalataan tuloy na mukha lang ang kinakakiligan nila.
Pero kahit puro ganun ang kinakanta niya, maririnig mo parin kung gaano kaganda at kalamig yung boses niya.
Pagkapasok ko ng bar, napuno ng boses niya ang sistema ko. As usual, Pop/Rock nga ang kinakanta niya. Nakangiti siya sa mga babaeng nasa harapan niya.
Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil nagdadalawang isip ako kung itataas ko ba yung ginawa kong banner kanina para sa kanya o hindi.
Oo na, itataas ko na! Sayang effort ko dito. Sumakit pa yung kamay ko kakakulay tsaka kaka-lettering.
GO ZON-DROX!
Naginit ang aking pisnge kahit hindi pa siya natitingin sa gawi ko. Natapos ang pagkanta niya nang hindi tumitingin dito sa likod. Nangalay na ako, bahala siya sa buhay niya.
"Porket chix yung mga nasa harapan. Tsk!" Umupo na ako doon sa table sa may likod at tinawag yung waiter para mag-order.
"Isang mojito, please?"
Panay ang ngiti at pambobola niya doon sa mga babae sa harapan. Hindi man lang pinansin yung mga nasa likod.
Talaga bang ganun? Kung sino ang malapit, yun lagi ang nakikita? Paano yung mga nasa malayo na gustong makalapit sayo pero hindi mo binibigyan ng chance para makita sila. You should try reach out for them because they already did their part.
Hindi lahat ng nakikita mo, para sayo at hindi lahat ng hindi mo nakikita, hindi para sayo. Minsan, kailangan mong hanapin.
Ang punto ko sa paghugot, nasayang ang effort ko sa pag gawa ng lintek na banner na yan!
Umirap ako sa kawalan nang dumating yung order ko, unti unti ko itong ininom habang pinapanood si mokong makipag-ngitian at makipagdaldalan sa mga babae habang nasa stage, hindi pa ulit siya kumakanta. Panay labas ng dimples niya, kainis!
"Okay okay." Tumawa siya, "I'll sing another one pero last na 'to ha? May naghihintay kasi sakin."
Ilang irap ang ginawa ko dahil sa sad reaction na ginawa nung mga babaeng nakapalibot sa stage.
"Kinilig naman ako, sinurprise niya kasi ako. May banner pa." Tumingin siya sa may gawi ko kaya nagtama yung mata namin pero siya ang unang umiwas at yumuko, "Don't stare at me like that, miss beautiful na laging may dalaw."
Ako! Ako yun diba? Ako yung miss beautiful na laging may dalaw! Ako yun! Nagtinginan sa gawi ko yung mga babaeng nakapalibot sa kanya, napansin siguro nila ang tingin ni Drox dito.
"Don't the stars light the skylike you need to light my life."
Tumingin ulit siya sa may gawi ko, matagal na titig hanggang sa ako na ang bumitaw sa tinginan namin. Hindi ko kaya makipagtitigan sa kanya! Pakiramdam ko ay matutunaw ako.
Napainom ako nung mojito at may kakaunting gumihit saking lalamunan. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Yung mga nagtitilian na babae kanina ay mga nanahimik at nakinig nalang sa pagkanta niya na para bang binibili nito ang kaluluwa ng mga nakikinig.
"If you need me anytime, you know I'm always right by your sideand see I've never felt this love, you're the only thing that's on my mind."
Ngayon ko lang siya narinig kumanta ng ganitong klaseng kanta at hindi ko alam na babagay pala 'to sakanya. Tila nanlalambot ang tuhod ko at nanghihina ang aking buong sistema.
Nakapikit siyang kumakanta na para bang dinadama ang bawat salita na lumalabas sa kanya. Para bang may pinaghuhugutan siya at may pinagaalayan ng kanta.
"You're all I ever need. Baby you're amazing, you're my angel come and save me."
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Yung paligid ko ay parang tumigil na para bang kaming dalawa lang ang andito, siya lang ang naririnig ko, siya lang ang gumagalaw, siya lang.
Totoo pala yung sinasabi nila na kapag nakita mo na yung taong gusto mo, titigil yung pag galaw ng nasa paligid mo na parang tumigil din ang oras at parang kayo lang dalawa ang tao sa mundo.
Gusto ko ba siya? Ayaw ko.
Pero, gusto ko din.
Totoo palang mahirap magdesisyon lalo na kapag nagtatalo ang isip at puso. Akala ko ay madidiktahan ko ang katawan ko na ang isip ang sundin, hindi pala, mahirap pala. Mahirap pala kalabanin ang puso.
"You've got your walls built up high, I can tell by looking in your eyes."
Sobrang lamig ng boses niya, nanunuot sa sistema ko ang kalamigan nito. Dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang boses at ang pagkanta ng ganitong klaseng kanta. Nakakakilig! Ang gwapo gwapo!
Sa bawat bigkas niya ng salita ay lumulubog ang kanyang pisnge at nakikita ang malalalim niyang dimples.
Kinikilabutan ako, bakit ko tinitignan ang buong siya. Kahit ang maliliit niyang galaw ay napapansin ko.
Unti unting humihina ang pagtugtog ng banda hanggang sa boses niya nalang ang naririnig.
Napahawak ako ng mabuti sa baso ko at yumuko para pumikit at mapakawalan ang aking kilig.
"I think you're perfect baby even with your flaws. You ask what I like about you, ooh I love it all."
I can't contain my feels anymore! AHHHHHHH! Drox, lintek na yan! Gusto kitang yakapin, ano ba yan!
Hindi ko inaasahan na ganito ang ire-react ko kapag pumunta ako, sana ay hindi nalang ako pumunta. Naninibago ako, naninibago ang katawan ko, naninibago ako sa nararamdaman ko, naninibago ako sa sarili ko.
"Baby you're amazing. You're my angel come and save me."
Tinagilid niya ang kanyang ulo at tumingin ng diretso sakin na para bang tatagos ito. May laman ang tingin niya kasabay ng pagturo sa gawi ko.
Nahihirapan akong huminga. Napapaso ako sa kanya!
Bumaba siya ng stage pagkatapos niya kumanta, diretso padin ang mga mata niya sakin nang may humilang babae sakanya at bigla bigla nalang siyang hinalikan.
"Thanks for that song, babe."
"Sorry but that's not for you. Hindi ikaw yung miss beautiful na laging may dalaw ko. Now, if you'll excuse me, pupunta na ako sa kanya."
Umirap ako at tumayo na para lumabas ng bar. Nakakairita! Naiirita ako dun sa mga babae, hindi kay Drox. Masyadong mga feeler.
"Bakit? Siya ba ang tinitignan? Hindi naman ah! Kainis talaga. Hahalik pa eh, parang ewan talaga." Pagpapadyak ko
Kainis!
"Go Zon-Drox! Naks, may heart pa. From miss beautiful na laging may dalaw." Tumingin ako sa likod ko para makita si Drox na nakangisi habang hawak hawak yung banner na ginawa ko.
"Leche, akin na nga yan!" Hinablot ko ito sa kanya pero nilayo niya sakin.
"Ayoko nga. Gawa 'to ng number 1 ko sakin, bakit ko ibibigay sayo?"
"Hindi mo ako number 1 fan ah!" Sigaw ko
Tumawa lang siya at hinawakan yung palapulsuhan ko para hilahin ako papasok sa kotse niyang naka-park katabi nung mga kotse ng kabanda niya.
"May kotse akong dala. Ako nalang uuwi magisa."
"Hindi pa naman tayo uuwi eh."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa hotel."
Nanlaki yung mata ko at pinapapalo yung braso niya, "Hoy! Siraulo ka ah. Drox! Itigil mo, bababa ako!"
Tawa lang siya ng tawa kaya lalo akong nairita kasi kitang kita ko yung mga dimples niya at mukhang hindi naman 'to papuntang Hotel dahil nagpark siya sa isang maliit na ice cream parlor.
"Anong flavor gusto mo?" Tanong niya
"Strawberry."
Tumango siya at sinundan ko siya ng tingin papunta doon sa may counter. Ang ganda ng likod, sobrang firm, bawat galaw niya ay kitang kita ang pagfe-flex ng mga muscles niya.
Umupo ako dun sa upuan nila na parang bean bag. Ang cute naman dito, halos pink ang white yung kulay ng interiors. May mga fairy lights pang naka-sabit sa dingding.
Pagkadating ni Drox ay agad niyang inabot sakin yung ice cream ko tapos umupo siya sa harapan ko. Nakangising nakatingin sakin, tinaasan ko siya ng kilay habang dinidilaan yung ice cream.
"Bagay pala sayo yung mga ganung kanta. Ngayon lang kita narinig kumanta ng ganun ah?"
"Para sayo yun kaya kinanta ko because you're all I ever need." Nilagyan niya ng tono yung pagkakasabi niya doon sa dulo.
"Lintek! Ang landi."
"Alam mo ba, sa states kapag niyaya ng lalaki yung babae na mag-icecream ibig sabihin, the guy likes the girl." Taas baba ang kanyang kilay
"Ano namang pinaparating mo diyan? Wala naman tayo sa states." Natatawa kong sagot
Ngumuso lang siya na para bang nagiisip ng sasabihin niyang damoves sakin, natatawa ako kasi ang cute niya lalo na pag lumalabas yung dimples.
"Siguro pag ice cream ka, ikaw favorite kong flavor." Halos mabulunan ako sa sinabi niya
Tumawa ako, "Ang corny mo, Drox!"
"Ay joke. Di ka pala pwede maging ice cream. Masyado kang hot."
"Ang corny mo, Drox! Tigilan mo nga." Natatawang sabi ko
Kung ano anong pick-up line lang ang sinasabi niya, hindi ko naman mapigilan na hindi tumawa kasi kinikilig ako. May good sense of humor talaga 'tong mokong na'to.
Nalulunod na ako. Nahuhulog na ako. Napapaso na ako. Sayo Drox. Sayo at lintek ka kapag niloloko mo lang ako kasi malapit ko nang makumbinsi ang sarili kong magpaloko sayo.
Nakahalumbaba siya habang kinakain yung ice cream niya, "So... bakit ka pumunta? Akala ko ba, ayaw mo?"
"Wala lang, bakit? Bawal ba?"
"Siyempre, hindi! Umaasa lang ako na kaya ka pumunta kasi baka may konting chance na gusto mo na rin ako."
Hindi ako sumagot.
Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas para sabihin yung mga ganung klaseng salita kasi ako? Hinding hindi ko makakaya na sabihin sa kanya kung anong nararamdaman ko ngayon.
"One year na akong umaasa. Ilang years pa ba akong aasa? Sabihin mo lang, Ircy, hindi ako magsasawang umasa na magustuhan mo."