Chapter 3- Voice Message

2126 Words
Chapter 3 Hindi ko na alam kung ano ang AM at PM sakin sa nagdaang araw. Mukha na akong zombie! Ni hindi ko nga namamalayan minsan na gabi na pala, kahit parang kagigising ko lang. Hindi na nga ako makalabas ng kwarto dahil sa tunog ng tunog ang cellphone ko! Kung hindi may tumatawag ay may nagte-text. Si chinese guy, puro tawag ang ginagawa. Laging videcall ang gusto. Nananatiling chinise guy ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niyang sabihin yung pangalan niya. In short, CG ang itatawag ko. Pa-chix masyado, aanhin ko ba pangalan niya kung malalaman ko. Si Drox naman ay puro text. Simple lang kung bakit, ayaw ko siyang patawagin kasi naairita ako kapag naririnig ko yung boses niya pati yung mga sinasabi niya. Mas mabuti nang sa text nalang para hindi masyadong mukhang nambobola. Tumunog ang aking cellphone kaya agad ko itong dinampot sa tabi ko. From: Drox Laro tayo. Tanungan. Game? Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari dahil puro katangahan lang ang pinaguusapan naming dalawa... Siya pala ang puro katangahan, sumasagot lang ako. Umiikot lang kung saan niya ako dadalhin kung sakaling lumabas kami. Hindi date ang tawag dun, kundi lalabas lang. From: Drox What's your favorite food? Nireplyan ko 'Pasta. Basta pasta. Ikaw? Agad siyang nagreply sakin From: Drox Ako ang favorite food mo? Di mo pa nga ako natitikman eh. :) haha joke! Caldereta, that's my fave tapos yung maanghang. 'Leche! Kakairita nanaman 'to. Hmm, ano naman yung pinaka-ayaw mo? From: Drox Ayoko ng gulay. Masyadong madamo. Ikaw? 'Hindi naman sa ayaw ko ng gulay pero ayaw ko din siya! Feeling ko ay giraffe ako! From: Drox Hahahaha! Eh, ano naman paborito mong movie? 'Love, Rosie. Napanood mo na yun? From: Drox Hindi pa. Papanoorin ko pag may time para sayo. ;) Avengers sakin. Kahit anong Avengers basta Avengers. Nagpatuloy kami sa ganung game kuno na yun. Ang dami niyang tinatanong pero di parin nawawala yung kalandian sa mga tanong at sagot niya. Kainis talaga! Pero okay na rin, at least, medyo nagkakakilala kami ng mas mabuti. From: Drox Ilan na naging boyfriend mo? Automatic na tumaas yung kilay ko sa tanong niya at humiga ng maayos sa kama. Kanina, puro katangahan at pambobola ang tinatanong niya pero bakit parang biglang naging serious mode? 'NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. From: Drox Di nga? Talaga? Ibig sabihin, ako yung first boyfriend mo? s**t, kinakabahan ako. 'Feeler mo. Wala akong balak na maging girlfriend mo. From: Drox Kakainin mo din yang sinasabi mo, miss beautiful na laging may dalaw. ;) 'Heh! Ewan ko sayo! Bakit ikaw? Ilan na ba naging girlfriend mo? From: Drox Hindi ko na mabilang. Napairap ako sa sagot niya. Ang yabang, ang daming ex! Edi siya na, siya na ang madaming babae. Bakit ba ako naiirita kung marami siyang babae?! Hindi ko na siya nireplyan, binitawan ko yung phone ko at nilagay sa ilalim ng unan. Kairita! Napagdesisyunan kong lumabas na muna ng kwarto at pumunta doon sa garden. Doon muna ako tatambay at magpapaalis ng irita. Irita na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Basta naiirita ako! Wag nang magtanong! Siguro nga ay lagi akong may dalaw, kainis! "Hayy, bwisit! Ang yabang yabang talaga nung mokong na yun!" Sinipa ko yung mga bato. Humiga ako doon sa may duyan na nakatali sa dalawang puno namin dito. Pareho yatang puno ng mangga yun. Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang lakas ng ihip ng hangin pati narin ang tunong ng tubig sa pool na para bang iniihip din ng hangin. Kita dito ang maraming bituin sa langit na nagkikinangan. Lahat sila ay makinang, ni hindi sila napapagod na mawalan ng ilaw. Sa lahat yata ng bagay dito sa mundo, bituin ang gusto makuha ng lahat pero hindi ito makuha kuha kahit ng pinaka-mayaman pa sa buong mundo. Nananatili itong tinitingalla ng lahat. Waring ito ang pinaka-maganda at pinaka-makinang na bagay sa lahat and you can never own it. Kaya gusto ko maging bituin. Ayokong maangkin ng kahit sino. O kung magpapaangkin man ako, gusto ko dun sa taong gagawin ang lahat, makuha at maangkin lang ako. Gagawin niya ang lahat para mapatunayan na karapat dapat siya para sakin. "Ircy, why are you here? Gabi na ah." Napaupo ako ng maayos nung marinig ko yung boses ni Kuya, nakapamulsa siyang naglalakad palapit sakin. Kung titignan mo si Kuya, mukha talaga siyang boy next door kaso nasobrahan sa sungit. Matangkad at medyo malaki ang katawan kahit hindi naman siya nagi-invest para mapalaki ito. Pinaka-maganda talaga kay Kuya ay yung mga mata niya kasi kahit wala siyang pinapakitang emosyon sa mukha, sa mata niya iyon makikita lahat. Masyado siyang visible, akala lang ng iba ay hindi kasi nga hindi siya nagpapakita ng kahit ano mang emosyon. "Sige lang, humiga ka lang." Lumapit siya sakin tapos umupo doon sa may ulunan ko habang ako ay naka-unan sa hita niya. "Bakit ka andito?" Tanong ko "Bawal ba? Ikaw nga, andito eh." "Tinanong mo din naman ako!" Sinapak ko ng mahina yung braso niya "But you didn't answer me." "Bawal ba? Ikaw nga, andito eh." Ginaya ko kung ano yung sinabi niya kanina at kung pano niya sinabi Nanahimik lang siya at nilaro-laro yung mahaba kong buhok na nakalaylay sa may hita hanggang binti niya. "Kuya." Tawag ko "Hmmm?" "Masarap bang may girlfriend kahit ang chaka niya?" "Shut the last part, Ircy." Sasagot na sana ako kaso tinuloy niya yung sasabihin niya, "Bakit? Gusto mo na bang magka-boyfriend?" "Wag mong sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong, Kuya!" "What? Gusto mo na ba?" Nakasimangot akong tumingin sa kanya, inaantok naman niya akong tinignan. Nilalaro niya padin yung buhok ko kaya medyo inaantok na din ako. "Maghahanap ako ng kano." "Edi maghanap ka. Pakilala mo lang sakin." Aniya Ayan nanaman. Nagpapaka-protective nanaman siya. "Ano bang standards mo? Kahiya naman, standards mo pa susundin ko sa magiging boyfriend ko no? Kahiya talaga." Sarcastic kong sabi "Just the guy that will fight for you no matter what. Simple as that, Ircy." "May ganun pa ba? Pano pag playboy? As in yung ang dami dami niyang babae. Hindi mabilang sa mga darili ng kamay at paa." "Playboys can stop playing for that one girl they want to be serious with. Look at Rain, baliw na baliw siya sa bestfriend mo." Di ako nagsalita kasi parang may pait akong narinig sa mga sinabi ni Kuya. I know and I can feel that Kuya still likes Natalie. Hashtag IceLie kaya ako! Kaway kaway sa mga IceLie diyan! Kung sila naman kasi, sila talaga. Ano mang mangyari, tumambling man yung earth, magiging sila parin. Pero wag naman sanang tumamblin yung earth! Nakakatakot yun! Wag naman sana. "Pero Kuya, diba kapag natamaan ka na, wala na yung mga standards standards na yan?" "Ang dami mo namang tanong." Irita niyang sabi "Ang sungit mo talaga! Di ko alam kung pano tayo naging kambal!" "Edi sabay tayong nasa tiyan ni Mommy, ano pa bang gusto mong explaination sa pagiging kambal natin?" Sinundot ko yung tagiliran niya, "Kuya." "Stop doing that." Matigas niyang pagkasabi Matigas din ako kaya inulit-ulit ko pang ginawa. May kiliti kasi siya dun at halata sakanya ngayon na pinipigilan niya yun sa pagnguso para mapigilan ang pagngiti o pagtawa. "Ircy!" Napatalon ako at napaupo sa pagkiliti din sakin ni Kuya sa tagiliran! Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa tuloy tuloy niyang pagkiliti. Hindi na ako makaganti kasi ang haba niya, abot na abot niya ako kahit malayo ako, kapag lumapit naman ako para makaganti ay lalong mas abot niya ako! Isang patunay na kambal kami. Pareho kaming malakas ang kiliti sa tagiliran. "HAHAHAHAHAHAHAHA! Kuya! HAHAHAHAHA! Ayoko na. Stop na, Ice! HAHAHAHAHA!" "What? I can't hear you?" Mapangasar niyang tono "Kuya!!!" Pinilit kong makatayo at tumakbo palayo sa kanya, "Ayoko na! Ayoko na!" "Goodnight, Ircy. Umakyat ka na dun." Nakangiti niyang sabi sakin Humiga siya doon sa duyan habang nakatingala sa mga butuin. Dati, tuwing gabi, kasi gabi lang naman lumalabas ang mga stars, libangan namin ni Kuya pareho na umakyat sa rooftop para manood ng stars. Naguunahan pa kaming makakita ng shooting star tapos may kotong yung mahuli. "Goodnight din, Kuya." Tumalikod na ako para pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Ayan! Naiirita nanaman ako ngayong palapit na ako sa kwarto! Nakakairita nanaman! Makikita ko nanaman yung phone ko. Kaasar! Sinulyapan ko ng ilang beses yung kama ko kung saan nasa ilalim ng unan ang cellphone ko. Kukunin ko o hindi? Hindi, siyempre! Ang yabang niya eh. Di man lang nagsinungaling kahit papano para pampalubag loob! Pinagmalaki pa nung mokong na madami siyang ex girlfriend. Sapakin ko siya mga 100 times para manahimik at magpaka-down to earth man lang kahit papano. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan pero hindi ko tinignan kung may messages ba o wala. Nakakairita padin! Kinuha ko yung iPad Air at umupo doon sa may study table dahil tumatawag si CG, inaccept ko yung video call. As usual, tumambad sakin 'tong intsik na hilaw na mala-adonis ang itsura. "Bad mood?" Bungad niya sakin "Di ah." Umirap ako "Then why are you frowning?" "Wala nga." "Alright." Mago-open palang sana ako ng bagong topic nang may makita akong palakad lakad sa likod ni CG na babae. "Uy, sino yung babae sa likod mo?" Tanong ko Lumingon siya sa likod niya na parang hindi siya aware na may tao pala dun, "Shobe, why are you here inside my room?" "Mmm just lookin for something. Wait lang, Ahia. I won't disturb your call naman eh." Sagot nung babae sa kanya Bumalik na yung tingin niya sakin at ngumising kumakamot sa batok, "My younger sister." "Ahh." Tumango ako Ahia? Shobe? Talagang chinese nga sila no? May mala-out of this world  akong naririnig na mga tawagan. "Found it!" Sigaw nung kapatid niya na may hawak na game controllers, "Balik na ako sa room ko." "Wow, talagang Chinese kayo no? What's Ahia and Shobe?" "Yeah, full blooded chinese and it kinda sucks." Tumawa siya, "Ahia is older brother and Shobe is younger sister." "Bakit? Mahirap ba maging Chinese? Feeling ko nga, ang saya saya kasi ang gaganda ng lahi niyo." Halata naman sa kanilang magkapatid! Ang ganda ganda nung kapatid niya, kala mo ay may rumarampang model sa loob ng kwarto. Mukhang chinese na chinese talaga at sophisticated ang itsura nung Shobe niya. Wow, nakiki-shobe ako. Sorry na! "Mahirap. You can't say no when it comes to the traditions." Sumandal siya sa kanyang inuupuan at pinaglaruan nanaman ang kanyang labi, tinagilid ang kanyang ulo koaya nakita ko ang kumikinang na hikaw sa kanyang kanan na tenga. Familiar talaga siya sakin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siyang nakita but familiar talaga. Nakita kong umilaw ung phone ko ng isang beses na nakalapag doon sa lamesa katabi nitong iPad. May 15 text messages, 3 missed calls and 1 voice message. Lahat ay galing kay Drox. Napairap ako sa kawalan dahil sa irita. "How can you do that?" Rinig kong sabi ni CG kahit na hindi ako nakatingin sa screen ng iPad. "Do what?" "Yung tumitirik na mata." Napatingin ako doon sa screen para lamang makita yung mukha niyang sobrang lapit. Grabe, ang gwapo talaga nito. Sobrang puti niya, ni wala man lang pores at mga blemishes. Para nga siyang naka bb cream or foundation sa sobrang kinis. Parang alagang derma pero alam mong hindi dahil sa lahi niya, idagdag pa na mukhang may kaya ang pamilya niya. Natawa ako dahil tina-try niyang gayahin yung ginawa kong pagirap. Bakit ang hot niya padin tignan kahit umiirap na siya? Gwapo talaga! "Damn, why is it so hard?" Inis niyang pagkasabi "Wag mo na kasi itry! Mukha kang bakla diyan." Kahit hindi naman, ang hot nga. "Mukha akong bakla? Seryoso ka ba diyan? Ikaw palang ang nagsasabi niyan." "Yes, mukha kang bakla nung tinry mong umirap. Mas girl ka pa sakin." Natatawa kong sabi "I can't believe this." Matigas niyang pagkasabi. Rinig na rinig ang accent niya sa pagsasalita ng english. Hinayaan ko lang siya magsabi ng rants niya doon dahil sinabihan ko raw siya ng mukhang bakla at first time niya makakuha ng ganung feedback. Anong akala niya? Pupurihin ko siya kahit kapuri-puri naman? From: Drox Tulog ka na? From: Drox Miss beautiful na laging may dalaw! From: Drox Andiyan ka pa? Hindi ko na inopen yung iba pa niyang messages dahil paniguradong puro ganyan lang din yun. Inopen ko yung voice message niya at idinikit yung phone ko sa may tenga para marinig kong iyon ng mabuti dahil hininaan ko para hindi marinig ni CG. "Uy, miss beautiful na laging may dalaw. Hindi ko na mabilang yung mga naging girlfriend ko kasi lahat sila hindi seryoso. Bakit ko bibilangin yung mga hindi ko naman sineryoso at hindi din ako sineryoso, diba? I'm now looking for a serious relationship, yung masasabi kong naging girlfriend ko talaga." Tumigil muna ito at huminga ng malalim. Pati ako ay napatigil sa paghinga dahil sa ginawa niyang paghinga ng malalim. "And I want you to be my first serious relationship." Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng aking labi upang ngumiti. Gusto kong ibato yung cellphone ko sa kilid. Kinikilig ako pero di niya dapat malaman, lalaki nanaman yung ulo non at magsisimula nanaman lumandi. Shet! Drox, one year mo akong kinukulit nung highschool ako. One year mo akong pinapakanta sa stage. One year mo akong inaasar tuwing nasa backstage. One year kang gumagawa ng cartolina na may pangalan ko. One year akong kinikilig sayo. One year akong nagtatago ng kilig dahil sa kalandian mo. One year yun! "Hey Ircy, are you listening or what" Ani CG sa videocall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD