Chapter 2- Chinese Guy

1657 Words
Chapter 2 Hindi ko maatim na buksan ang mata ko para sagutin kung sino man yung tawag ng tawag at text ng text sakin. "Masasakal ko 'tong tumatawag na 'to eh, ugh!" Umikot ako at tinakpan ang aking mukha ng unan. Hindi yata makaintindi na kapag hindi sinagot sa unang tawag, ibig sabihin ay nagpapahinga pa! Nakita nang tulog eh. Kapag si Eloisa ang tumatawag na'to para ibalita lang na nagkabalikan na sila, sapilitan ko silang pabre-break-in.... sa isip, puso at diwa ko. As if naman na magawa ko yun! Halos 3AM na din nung makauwi kami galing sa restobar dahil sa bwisit na Drox na yun. Ayaw kaming paalisin. Hinarang pa kami sa may pintuan at gumawa pa ng eksena na 'HINDI NA AKO MANLALANDI NG IBA, MISS BEAUTIFUL NA LAGING MAY DALAW, IKAW NALANG ANG LANDI PARTNER KO.' Napadilat ako sa pagisip nun. Bakit ko ba iniisip? At bakit parang umiinit yung pisnge ko? Argh! Bwisit kay Drox ka! Gagawin kitang Zon-Drox! Hehehehe bye na. "Hello, sino ba 'to? Ang aga aga, tumatawag! Alam mo bang natutulog pa ako! Hindi mo ba alam na kapag hindi ka sinagot sa unang tawag mo, ibig sabihin ay natutulog pa! Masyadong istorbo 'to. Sino ka nga ulit? Sino ka?" "Daming sinabi. I'm just checking if this is really you." Di pamilyar ang boses sakin. "Sino ka nga?" "Are you interested?" Ang gwapo ng boses, infairness. Napansin ko pa sa lagay na yun yung kagwapuhan ng boses niya kahit may muta muta pa ako sa mata. Anong connect ng muta sa mata? Maisingit ko lang. Gwapo ang boses ni Drox pero hindi si Drox 'to dahil umeenglish. Richkid yun pero hindi ako eenglishin para magpapogi dahil mataas ang self confidence nun na pogi talaga siya. "SINO KA NGA?" "This is Apple Inc. Just wanna ask your apple ID for more updates." Nakngteteng. Apple lang pala.... "ircybrienneganda@gmail.com." Binaba na ni Apple. Apple... HINDI NAMAN TUMATAWAG SI APPLE AH? NAGE-EMAIL LANG PERO HINDI TUMATAWAG! Tsaka nagtagalog pa nung una at chinicheck ako! Tinanong pa ako kung interesado ako sa kanya. Hindi naman ako interesado sa mansanas! Agad akong napabangon para makita kung sino talaga ang tumawag at makita-kita ko, unknown number at may +63 pa sa unahan. Langya! "Hoy! Sino ka?" Tinawagan ko ulit "You're awake now?" Tumawa ito sa kabilang linya Pati pagtawa ay ang gwapo. Ang sexy pakinggan! Mamaos-maos pa na medyo slang! "Sino ka nga sabi? Hindi ka si mansanas! Alam kong hindi ikaw yun!" "Hindi naman talaga. Ikaw lang naman naniwala." Tumawa ulit ito, "So your apple ID is ircybrienneganda@g*******m? Maganda ka ba?" Ilang mura ang sinabi ko sa isip ko bago ako sumagot sa kanya. Pakiramdam ko ay nilalabasan na'ko ng usok sa ilong at tenga. "SINO KA NGA?" Sigaw ko Hindi niya ako sinagot at puro tawa lang ang narinig ko hanggang sa binabaan niya na ako. Ugh, ang pangit ng umaga! Kasing pangit nung tumawag kahit ang gwapo ng boses! Tumunog nanaman ang cellphone ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sagutin yun nang mamura ko na kung sino man siya. "Tangina, hindi mo ba sasabihin kung sino kang puta ka? I-delete mo ngayon din yang number ko sayong gago ka. Dalian mo at para sabihin ko sayong hayop ka, maganda ako! Kaya nga yan ang Apple ID ko!" "Miss beautiful na laging may dalaw?" Nanlaki ang mata ko at inilayo ang phone sa tenga para makita kung sino ang tumatawag. Si Drox pala! "Bakit ka tumatawag, ang aga aga!" Pagsusungit ko "Bakit ka naman nagmumura, ang aga aga. Lalo tuloy akong na-inlove sayo." "Nako, tigilan mo ako sa kalandian mo, Drox." "Sabing ikaw nalanga ng lalandiin ko eh! Number mo na nga lang yung naka-save dito sa phone ko!" Tanga ang maniwala. "Weh? Kahit nanay mo? Tatay mo? Mga pinsan? Tito't tita? Ninong at ninang? Wala na? Weh! Utut mo, Drox. Ako pa ba bobolahin mo. Sayang pera pag pasko." "Siyempre, naka-save padin!" "Akala ko ba, yung akin nalang ang naka-save?" Natawa ako "Sinabi ko ba yun?" "Niloloko mo ba ako?" "Sabing magseseryoso na ako sayo eh. Bakit ba ayaw mo maniwala! Nakakairita na'to. Lagi na ngang may dalaw, naglo-loading pa." "Aba..." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. "Labas tayo, sige na oh. Pagbigyan mo naman ako." Sumeryoso ang boses niyang magiliw at nagbibiro kanina. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagbigyan 'tong mokong na'to gayong kaya niyang painitin ng sobra ang pisnge ko kapag nagpu-punchline siya. Corny minsan pero umiinit padin. "Please, Ircy? Please? Isang chance lang oh. Pagbigyan mo naman ang isang gwapong tulad ko." "O-oo na sana ako kung hindi mo lang sinabi na gwapo ka eh." Pagbibiro ko "Talaga? Ay s**t! Bobo mo dun, Drox." Natawa ako sa paninisi niya sa sarili, "Kelan ba yan? At saan mo ako dadalhin? Baka mamaya ay sa madilim, tahimik at liblib na lugar mo ako dalhin! Mapapatay kita, kitamo." "Tatawagan ulit kita! Tapos itetext kita lagi, sabihin mo sakin pag kumakain, naliligo, matutulog ka ha! Yung pupuntahan natin, siyempre, surprise!" "Bakit pati maliligo? Mamanyakin mo ako no!" "Minsan, kapag may time." Natatawa niyang sinabi "Kadiri ka, Drox!" "Joke lang! Laki kaya ng respeto ko sayo, kung alam mo lang. Ni hindi ko nga matignan legs mo kapag tinuturo nila!" Napakagat ako sa aking ibabang labi para mapigilan ang aking kilig. Kinilig ako doon dahil seryoso ang pagkasabi niya, wala halong panloloko ang boses. Sana nga lang ay totoo. "Pagiisipan ko! Wag kang makulit at text ng text, nakakairita!" Binabaan ko na dahil may incoming call, unregistered number! Eto siguro si mansanas! "Hoy mansanas! Alam kong hindi ka mansanas pero mansanas ka! Sino ka ba at bakit nagpapaka-mansanas ka at pano mo nakuha yung number ko?!" "Facetime. Let's facetime." "Ayoko magfacet——Hoy! Hoy! Bastos! Bakit mo ako binabaan?" Kinuha ko agad yung iPad Air ko para sa sinasabi niyang Facetime. Nagtataka ako kung pano niya nakuha ang number ko, wala naman akong pinagbibigyan! chineseguy@g*******m calling... Ay kabog ang username ko. Palitan ko kaya yung akin ng pinoygirlatheart@g*******m ? Kailangan ba talagang nationality ang ilagay as username? Inaccept ko yung call, agad ako nakarinig ng tawanan pero itim lang ang nakita ko sa screen. "Bakit hindi kita makita?!" Singhal ko "Dude, type mo ba talaga 'to?" "Hayop, chix niya talaga!" "Oo naman. Look, she's confident. Kahit walang hilamos at suklay, nakipag-videocall padin." "Hello, Ircy!" Bati ng di ko alam kung sino "Sino ka ba?... Kayo?" Naguguluhang tanong ko Sino ba namang di maguguluhan? Wala akong nakikita tapos iba't ibang boses pa ang naririnig ko. Sana ay call nalang ang ginawa, hindi na video call. "I'm Andreu!" Bati nung isang magiliw ang boses na mukhang siya yung kanina pang tumatawa "I'm Sky." Sabi nung isa. Mukhang siya yung nagtanong kanina kung type ba talaga ako? Kaboses eh! "I'm the chinese guy." Eto si mansanas! "HOY MANSANAS! SAAN MO NAKUHA YUNG NUMBER KO? MAWALANG GALANG NALANG PERO I-DELETE MO NA YANG NUMBER KO SA CONTACTS MO. PATI NADIN ANG APPLE ID KO NA MAGANDA, KALIMUTAN MO NA!" "Ayoko nga." Sabi ni chinese guy "Ang cute niya pag naiinis, bro." Tumatawang sabi nung Andreu. Yung Andreu 'to kasi tumatawa. "Ang ingay niya pero cute nga. Yeah, she's cute." Yung Sky naman ang nagsalita. Matigas ang pagkaka-english niya at yung tagalog naman ay may accent padin. "Hay, mababaliw ako sa inyo! Magpakita nga kayo! Dalian niyo na! Mababaliw talaga ako kakahula kung sino kayo! Dali!" Naiinis kong sabi Nagkanda loko loko na 'tong videcall na'to. Bwisit! Sinong walang hiya ang nakakuha ng number ko o sinong walang hiya ang namigay ng number ko?! Inalis na yung nakaharang sa camera kaya inilapit ko ang aking mukha sa may screen para makita lang ang sofa na walang taong nakaupo. "MAGPAKITA SABI KAYO! ISA!" Pinanlakihan ko sila ng mata "Bro kasi, magpakita na tayo. Magpapakita na ako dito, kawawa naman." Boses nung Andreu "Edi magpakita ka." Natatawang sabi ni mansanas May lumitaw na lalaking nakangiti sa screen, kumakaway pa ito kaya napakaway nalang din ako na para bang may sariling buhay ang kamay ko. "Ako yung Andreu." Pagpapakilala niya "Ahh." Tumango ako at nanatiling nakatitig sa screen. Gwapo eh! Mukhang mabait at joker pa, yung tipong mahumor na lalaki! Ganun yung arrive nitong si Andreu. Gwapo siya, ang mga mata niya ay mukhang ihy-hypnotize ka sa ganda at para bang tinitignan nito ang kaluluwa mo, may mga kilay na makakapal at pangang kahit sino ay gugustuhin magkaroon. Mga labing maninipis at mapupula. Palangiti siya pero hindi padin nawawala ang pagkaganda ng mata niya kahit medyo sumasara ito kapag ngumingiti. "Hoy Sky, lika dito! Pakilala ka na." May hinila siya doon sa may kanan niya at may lumabas na lalaking nangangamot ng batok. "Sky." Maiksing pagpapakilala niya. "Hello, Sky." Ngumiti ako May kulay azul siyang buhok na may hikaw sa tenga. Mapungay ang mata ng isang 'to, matangos ang ilong at mukhang may kissable lips, mayroon din siyang panga na mukhang perpekto sa pagkakaukit. Maputi ang kulay ng kanyang balat na para bang hindi uso sa kanya na magkaroon ng blackheads. Siya naman ay mukhang serious type. Hindi ganun ka-serious pero mas serious siya kesa dun sa Andreu na laging nakangiti at tumatawa. "Gago, lalabas ka o lalabas?" Ani Andreu dun sa gilid na parang may kinakausap "I don't wanna be seen, bro." "Bading mo naman! Magpapakita ka lang, hindi ka naman niya mahihila mula sa screen." "Fine." May lumabas na lalaki sa screen at gumitna doon sa dalawang unang nagpakilala sakin. Lumuwa ang mata ko dahil sa kanya, nalaglag yata ang panty ko hanggang tuhod! "I'm the chinese guy." Nilaro niya ang kanyang labi habang nakatingin sa screen. Hindi ko alam kung natural na paos ang boses niya o paos lang ba talaga siya kasi ang gwapo ng boses niya! Lalo pang gumwapo ngayong nakita ko siya. Unang una kong nakita ang panga niyang matatawag na jawline gaming sa sobrang intense. Sumunod ang matangos niyang ilong at ang labi niyang mapupula na kanina niya pa pinaglalaruan at binabasa gamit ng kaniyang dila. Ang sexy tuloy tignan! At ang kanyang mga mata na singkit, mukhang halos wala nang makita sa sobrang kasingkitan. Maliit ito pero nangungusap ang kanyang mga tingin. Tingin na mapapasunod ka sa lahat ng gusto niya, ganun ang kanyang mga mata. Halatang halata sa kanya ang lahi niyang chinese, mata palang at kulay ng balat. "Uhm, hi." Nahihiya kong bati sa kanya. Hindi ako nahiya kay Andreu at Sky pero nang siya na ang nagpakilala, hindi ko alam kung bakit parang umurong ang tiyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD